Tinanatapos ni Miguel ang mga trabahong naiwan nito sa kanyang opisina nang biglang may kumatok sa pintuan. "Are you busy, Miguel?" tanong ni Leonard, ang kumakatok sa pintuan. "I'm just finishing this report but what's up?" sagot naman ni Miguel. "I'm just here to know kung kumusta na si Jan?" sabi naman ni Leonard. "He's currently staying at the condo probably playing the PS4." ang sabi naman ni Miguel. "Good to hear!" wika naman ni Leonard. "Makikisuyo sana ako sa'yo, Leonard." sabi ni Miguel. "Sure. Ano yun?" wika ni Leonard. "Maari mo bang puntahan si Jan sa condo to check on him dahil may pupuntahan lang ako after office." sabi ni Miguel. "Sure, after this eh pupuntahan ko na siya." sagot ni Leonard. "Pero saan ka pupunta?" dagdag na tanong sa binata. "I will talk to my father." sagot ni Miguel.
Si Jan ay abalang-abala naman sa paglalaro ng PS4 sa condo unit ni Miguel nang biglang may nag-doorbell. "Baka si Sir Miguel na yan!" sabi ni Jan sa kanyang sarili at mabilis na nagtungo sa pintuan. Sinilip muna nito sa door peephole kung sino ang nag-doorbell ngunit nagulat ito nang makitang hindi si Miguel ang nasa labas. Pinagbuksan naman ni Jan ang tao sa labas. "Wala pa po si Sir Miguel." ang sabi ni Jan sa lalake sa labas. "Pinapunta niya ako dito para samahan ka muna dahil late na siya makakauwi." sagot ng lalake. "Sino po sila?" tanong naman ni Jan. "Hindi mo talaga ako natatandaan?" malungkot na sabi ng lalake. "Kilala po ba kita? Pasensya na po dahil may acute amnesia daw po ako kaya hindi ako masyado nakakaalala." sagot ni Jan. "Ay! Kayo po yung kasama ni Sir Miguel sa ospital at naghatid sa amin dito!" dagdag pa ni Jan. "Oo. Leonard ang pangalan ko." sagot ni Leonard. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ni Jan nang madinig ang pangalan ni Leonard. "Leonard?!" sabi ni Jan. "Pamilyar nga po kayo sa akin." dagdag pa nito. Pinilit na inaalala ni Jan ang pangalan ni Leonard ngunit bigla itong napahawak sa kanyang ulo, sensyales ng pagsakit nito. "Huwag mo nang pilitin alalahanin." sabi ni Leonard. Inakay nito si Jan papasok ng condo at naupo sa sofa. "Sasamahan muna kita dito hangga't wala pa si Miguel." sabi pa ni Leonard. "Kumain na po ba kayo?" tanong ni Jan. "Bakit? Nagluto ka?" gulat na tanong ni Leonard. "Opo. Sabi kasi ni Sir Miguel, pinagluluto ko daw siya dati kaya sinubukan kong magluto ngayon." sagot ni Jan. "Anong niluto mo?" tanong pa ulit ni Leonard. "Nagluto po ako ng kare-kare. Tinignan ko lang sa internet yung recipe kaya hindi ako sigurado kung masarap o hindi." wika naman ni Jan. "Sige, masubukan nga yang niluto mo." sagot ni Leonard at nagtungo sila sa kusina. Pinaghanda naman ni Jan si Leonard ng makakain. At nang matikman nito ang luto ay natuwa ito. "Mukhang hindi pa rin nawawala ang galing mo sa pagluluto ah?!" ang sabi ni Leonard. "Talaga po?!" masayang tanong ni Jan. "Oo. Masarap itong niluto mo!" sagot ni Leonard at patuloy sa pagkain. Napansin ni Leonard na parang malungkot si Jan kaya tinanong niya ito. "Bakit parang malungkot ka?" tanong niya dito. "Iniisip ko po kasi kung bakit ako nagka-amnesia." sagot nito. "Para kasing may kutob po akong na parang mas gusto ko pang huwag na talaga makaalala dahil natatakot ako sa maari kong maalala." paliwanag pa nito. "Bakit naman?" tanong pa ulit ni Leonard. "Hindi ko rin po maintindihan pero nakakaramdam akong hindi ko magugustuhan ang dapat na maalala ko." sabi pa ni Jan. Bakas na bakas sa mukha niya ang lungkot at pag-alala. Dahil dito ay lumapit sa kanya si Leonard. "Don't worry, everything will be alright!" sabi ni Leonard at niyakap si Jan. Bumilis ang tibok ng puso ni Jan nang yakapin siya ni Leonard. Damang dama nito ang mainit na yakap ni Leonard at bakas ang sinseridad nito. "Jan." ang nasabi na lamang ni Leonard. Napatingin si Jan sa mga mukha ni Leonard. "Sir Leonard?!" nasambit ni Jan. Napatingin din bigla si Leonard at makikita sa mukha nito ang pagkalito. "Talagang lagi kayong nasa tabi ko tuwing malungkot ako, Sir Leonard?!" sabi pa ni Jan. "Jan?"! sabi pa ulit ni Leonard at nalilito pa rin. "Naalala ko na lahat ang tungkol sa inyo, Sir Leonard." nakangiting sabi ni Leonard. "Marami pong salamat!" dagdag pa nito at napayakap na rin sa gwapong binata.
Nagulat ang sekretarya ni Mr. Hector De Dios nang makita nito si Miguel. "Good afternoon, Sir Miguel." bati nito sa binata. "Do you have an appointment with your father?" tanong pa nito. "Wala. But tell him that I'm here and I need to talk to him." sagot ni Miguel. "Ok, sir. Please take your seat first while I contact Mr. De Dios for you." sagot naman ng sekretarya. Tumayo na lamang si Miguel sa harap ng sekretarya. "Good afternoon, sir. Sir Miguel is here." sabi ng sekretarya at kausap ang papa ni Miguel sa telepono. "Go ahead. Tell him to go inside my office." sagot naman nito sa kabilang linya. "Noted, sir." sagot ng sekretarya at sabay tingin kay Miguel. "Sir Miguel, pwede na po kayo pumasok sa loob." sabi naman ng sekretarya kay Miguel. "Ok.' sagot naman ni Miguel at dere-derechong pumasok sa opisina ng kanyang papa.
"I know why you're here, Miguel." bungad ni Hector sa kanyang anak na si Miguel nang pumasok ito. "Naaksidente si Jan dahil sa nangyari." sabi ni Miguel. Tinitigan lamang siya ng kanyang papa. "Gusto ko lang na malaman ninyo na kahit anong gawin ninyo, hinding-hindi ako lalayo kay Jan. Kahit tanggalin ninyo pa ako sa posisyon ko sa PNYG." sabi pa ulit ni Miguel. "Well I guess, there's nothing I can do about it." sagot naman ng kanyang papa. Napatingin lang rin si Miguel dito. "You will get my approval if you will be discreet." sabi pa nito sa kanya. "Wala na rin naman akong magagawa kung ano man ang meron sa inyong dalawa ng dati mong sekretarya." dagdag pa nito. "Kaya hahayaan ko na lamang kayo kung ililihim ninyo na lamang kung ano man ang meron kayo para sa kapakanan ng kumpanya natin." dagdag pa nito. Napatingin lamang si Miguel at bakas sa mukha ang pagkalito. "I hope you understand, Miguel, na ginawa ko lamang ito para sa'yo, para sa atin, para sa kumpanya." sabi pa ulit ng kanyang papa. "Are you sure on what you're saying, Pa?' tanong pa ni Miguel. "Yes, I am." sagot ng kanyang papa. "Thanks Pa!" masayang sabi naman niya dito.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...