"This concludes our meeting today!" wika ni Leonard sa buong Creative team sa kanilang pagpupulong. Kasama rin sa meeting na iyon si Miguel at Jan. "By the way, Miguel, confirmed na ba ang pagsama mo sa outing ng team?" tanong naman ni Leonard kay Miguel. Tumingin naman si Miguel kay Jan upang tignan ang schedule nito. "Kailan po ba ang date ng outing ninyo?" tanong naman ni Jan kay Leonard. "Last weekend of the month." sagot ni Leonard. Tinignan ni Jan ang calendar ni Miguel upang tignan ang schedule nito. "Free naman po ang date na yun, Sir Miguel, not unless may personal appointment po kayo?" sabi naman ni Jan at tumingin kay Miguel. "If that's the case, sige, sasama ako." sagot ni Miguel. "Since nandito ka na rin naman, sumama ka na sa amin, Jan." paanyaya naman ni Leonard. "Ha?!" gulat na wika ni Jan. "Wala namang problema sa akin kung sasama si Jan, not unless hindi siya available." sabi naman ni Miguel. "Oh, wala naman palang problema. So, ano Jan, sasama ka?" tanong naman ni Leonard. "Sige po!" sagot na lamang ni Jan at na-pressure ito dahil nasa kanya ang atensyon ng lahat ng tao sa conference room. "Ok, reserve the date and let's have some fun!" sabi naman ni Leonard. Napabuntong-hininga na lamang si Jan. Inisip nito na ok lang naman dahil kahit paano eh kasama naman ang kanyang boss. Si Miguel naman ay napatingin na lamang kay Jan at napangiti dahil mukhang napilitan lang ito sumama.
Pagkatapos ng meeting ay nagtungo agad si Jan sa kanyang desk. Sinalubong siya ni Joy. "Jan, alam mo bang nasa ospital si Charm?!" sabi nito sa kanya. "Ano? Anong nangyari sa kanya?" gulat na tanong ni Jan. "Nadulas ang bruha sa hagdan!" sagot ni Joy. "Kumusta naman siya?" tanong pa ni Jan. "Mabuti na naman siya ngunit ayun, nilagyan ng semento ang binti niya!" sabi naman ni Joy. "Nasaang ospital siya at dalawin natin mamaya." wika ni Jan. "Kaya ko nga sinabi sa'yo para yayain kang dalawin ang bruha!" tugon naman ni Joy. Maya-maya'y dumating si Leonard at nadinig ang kanilang pinag-uusapan. "Sinong nasa ospital?" tanong nito. "Sir Leonard! Si Charm po kasi nasa ospital, niyayaya ko lang po itong si Jan na dalawin siya." sagot naman ni Joy. "Kumusta naman siya?" tanong pa ni Leonard. "Ok na po siya kaso may semento ang binti niya." tugon pa ni Joy. "Kung dadalawin ninyo siya, sama ninyo na ako!" sabi naman ni Leonard. "Ayan! Makakalibre tayo ng pamasahe!" biro ni Joy. "Loka ka! Nakakahiya naman kay Sir Leonard. Pwede naman tayo mag-taxi." sabi naman ni Jan. "Biro lang naman!" sagot ni Joy. "Ok lang naman na yung sasakyan ko ang gamitin natin!" sabi naman ni Leonard. "Biro lang po yung sinabi ko Sir Leonard!" nahihiyang sabi ni Joy. "Ok nga lang. At bakit naman tayo magtataxi pa kung may sasakyan naman ako." wika pa ni Leonard. "Teka, saan ba siya naka-confine?" tanong naman ni Jan. "Diyan lang naman sa Makati." sagot ni Joy. "Malapit lang naman pala." wika naman ni Leonard. Habang patuloy na nag-uusap ang tatlo ay biglang dumating si Miguel papasok ng kanyang opisina. "Miguel!" bati ni Leonard. "Leonard, napapansin kong lagi ka nandito sa area ni Jan ah?!" puna naman ni Miguel. "Gusto ko lang kasi laging dinadalaw itong kaibigan ko." sagot naman ni Leonard. "Ah, akala ko kasi nililigawan mo na itong sekretarya ko eh." biro naman ni Miguel. Biglang nag-blush si Jan sa nadinig mula sa kanyang boss. "Pwede naman eh, single naman itong si Jan." birong sagot naman ni Leonard. Lalong nag-blush si Jan. "Sir Leonard!" sabi ni Jan. "Bakit? Hindi ba single ka naman?" tanong naman ni Leonard at inakbayan si Jan. Si Joy ay natatawa naman sa nakikita. "Huwag nga kayong magsalita ng ganyan, Sir Leonard." sabi pa rin ni Jan. "Bakit Miguel, may balak kang bang kumpitensyahin ako sa puso ni Jan?" birong tanong ni Leonard kay Miguel. "Kung mananalo ka sa akin!" sagot naman ni Miguel. "Tigilan ninyo na nga ako!" sabi naman ni Jan at halatang napipikon na. "Napipikon na yata si Jan." sabi ni Leonard. "Ang haba ng hair mo, friend! Pinag-aagawan ka ng dalawang ito!" natatawang biro naman ni Joy. "Sumali ka pa diyan!" sabi naman ni Jan kay Joy. "Bahala na nga kayo diyan!" dagdag pa ni Jan at saka biglang umalis at nagtungo sa banyo. Nadinig na lamang nito mula sa kanyang area na nagtawanan ang tatlo. "Kakainis sila ah! Ako pa ang na-hotseat!" sabi ni Jan sa sarili habang naglalakad papuntang banyo. Pagpasok nito sa banyo ay nagtungo ito sa harap na salamin at tinignan ang sarili. "Bakit ba ako napipikon sa biro nila?" tanong ni Jan sa kanyang sarili. "Siguro nasasaktan ako dahil alam kong hindi naman mangyayari pag-agawan ako ng dalawang yun!" dagdag pa ni Jan. "Please naman, huwag ninyong paglaruan ang damdamin ko kahit biruan lamang dahil nasasaktan ako." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili at biglang hindi napigilang maluha ito. Natauhan lamang ito nang maalala nasa opisina siya. "Keep cool and collected, Jan!" wika nito sa sarili. Pinunasan ang tumulong luha, inayos ang sarili ang kalmadong bumalik ng kanyang desk. Napansin nitong wala na ang tatlo doon kaya bumalik na ulit ito sa pagtatrabaho.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romansaa story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...