"Jan, can you come here at my office?" sabi ni Miguel nang tawagan niya si Jan sa telepono. "I'll be there right away!" sagot ni Jan at mabilis na pumasok sa opisina ni Miguel. Pagpasok niya ay pinaupo siya nito. "Next week ay pupunta kami ni Leonard sa Tokyo, Japan para sa isang gaming convention doon." bungad ni Miguel. "So I'll be delegating some task for you. I need you to review this report since I will be needing this by next week.." paliwanag pa ni Miguel. Si Jan naman ay patuloy lamang sa pakikinig kay Miguel. Nang matapos sa pagpapaliwanag ay nagtanong si Miguel. "Do you have any questions?" tanong niya kay Jan. "Wala naman po!" sagot ni Jan. "Good!" wika ni Miguel. "Basta, kung gusto mo akong kausapin, tawagan mo lamang ako sa roaming number ko." sabi pa ni Miguel. "Ok po!" sagot ulit ni Jan. "Sige, pwede ka nang bumalik sa desk mo." sabi pa ni Miguel. Si Jan naman ay nagtungo agad sa kanyang desk. Nagulat ito nang makita niya doon sina Charm at Joy. "Charm! Kumusta ka na?"gulat na bati nito. "Ito, wala na akong datung dahil wala na akong sinahod sa last payday!" sagot naman ni Charm. "At least napahinga ka naman ng ilang araw!" sabi naman ni Joy. "Oo nga, Minsan lang rin tayo makakuha ng pahinga!" sabi naman ni Jan. Ilang saglit pa ay dumating naman si Leonard. "Nandito na rin si Mr. Pogi!" biro ni Charm. Ngumiti lamang si Leonard nang madinig niya ito. "Sir Leonard?!" wika ni Jan nang makita niya ito. "Oh bakit?" tanong tanong nito. "Pupunta pala kayong Tokyo next week?!" sabi pa ni Jan. "Yup. Isinama ako ni Miguel na magpunta sa gaming convention doon." sagot ni Leonard. "Wow! Bongga!" sabi ni Joy. "Sir Leonard, baka pwede ninyo naman akong ibili ng sikat na make-up doon?!" sabi naman ni Charm. "Ay! Ang tibay!" biro ni Joy. "Eh babayaran ko naman pagdating niya dito. Doon lang kasi nabibili yun, eh usong-uso yung make-up na yun ngayon!" sabi naman ni Charm. "Sure! No problem!" sabi naman ni Leonard. "Talaga?!" gulat na sabi ni Charm. "Kung ganon, ibili ninyo na rin ako, Sir Leonard!" hirit naman ni Joy. "Tibay pala ah?!" biro naman ni Charm. "Eh babayaran ko rin naman ah?!" sabi naman ni Joy. "Sige, sabihin ninyo lang sa akin kung anong brand name at saan pwedeng bilhin yan dahil hindi naman ako bumibili ng make-up." sabi naman ni Leonard. "Bilis! Pengeng scratch paper, isusulat ko para kay Sir Leonard!" mabilis na utos naman ni Charm kay Jan. "Wow ah?! Kung maka-utos, wagas!" biro naman ni Jan. "Oh sige na! Please pengeng scratch paper?!" biro naman ni Charm. Natatawa lamang na nag-abot si Jan ng papel kay Charm. Mabilis naman sinulat ni Charm ang brand name ng pinabibili niyang make-up. "Ikaw, Jan? Wala ka ba pabibili?" tanong naman ni Leonard. "Meron sana, kaso mahal yun eh. Hindi ko kayang bayaran." sabi ni Jan. "Ano ba yun?" usisa ni Leonard. "Ganito na lang, ibili ninyo na lamang ako ng soundtrack ng paborito kong anime." sabi pa ni Jan. "Sige, isulat mo na lamang diyan sa papel na sinulatan ni Charm." sabi naman ni Leonard. "Pero ano ba talaga yung gusto mong bilhin?" tanong ni Leonard. "Yung buong series sana ng anime na yun!" sabi pa ni Jan. "Pero siguraduhin ninyong yung soundtrack lang ang bibilhin ninyo, kung hindi, magtatampo talaga ako sa inyo at kailanman ay hindi ko na kayo kakausapin. Kilala ko kayo!" dagdag na may halong pagbabanta na sabi pa ni Jan. "Ay choosy pa?!" biro naman ni Joy. "Mahal kasi yun, bruha!" sabi naman ni Jan kay Joy. "Opo! Masusunod!" sagot ni Leonard. "Thank you Sir Leonard!" sabi naman nina Charm, Joy at Jan.
Dumating ang nasabing linggo at nagtungo na nga sina Miguel at Leonard sa Japan. Sila'y tumuloy sa Park Hyatt Tokyo at kumuha sila ng hiwalay na silid. Pagpasok ni Miguel sa kanyang silid ay nahiga agad ito sa kanyang kama. Kinuha nito ang kanyang cellphone at tinignan kung mayroon siyang missed call or natanggap na mensahe. Bigla nitong naisip si Jan. Tinignan nito kung may missed call ba siya rito or message. Bigla siyang napaisip kung bakit nag-eexpect siya ng tawag or message galing kay Jan. Iniisip na lamang nito na baka tumatawag or may message siya mula kay Jan upang ibigay ang sitwasyon ng opisina. O kaya ay may importanteng mensahe ito. Nakadama naman ito ng disappointment nang makitang wala talagang missed call or message mula kay Jan. Nakatulog ito kakahintay ng tawag or mensahe sa kanyang cellphone. Naalimpungatan lamang ito nang madinig niyang may tumatawag sa kanyang cellphone. Sinagot niya agad ito sa pag-aakalang si Jan ang tumatawag. "Miguel, hindi ka ba kakain?" tanong ng tao sa kabilang linya. Na-disappoint na naman siya nang madinig na si Leonard pala ang tumatawag sa kanya. "I'm here in front of your door. Baka gusto mong kumain, sabay na tayong bumaba." dagdag pa ni Leonard. "Sige, lalabas na ako." sagot naman ni Miguel at pagkatapos ay binaba na ang tawag at lumabas na mula sa kanyang silid upang sumama kay Leonard kumain.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...