"Himala at half-day ka ngayon?" tanong ni Charm nang makita nito si Jan na kapapasok lang ng opisina. "Hay naku ate! It's a long story!" sagot naman ni Jan. "Willing kami makinig sa long story na yan!" sagot naman ni Joyl "Believe it or not, sa condo unit ni Sir Miguel akong nakatulog!" sagot ni Jan. "Ano?!" gulat na tanong ni Joy. "Naku ate! Baka nananaginip ka lang at tinanghali ka ng gising!" sabi naman ni Charm. "Hay naku! Wala na sa akin kung maniniwala kayo o hindi!" sagot naman ni Jan. Hindi sinasadyang nadinig ni Leonard ang sinabi ni Jan na natulog ito sa condo unit ni Miguel nang mapadaan ito sa area. "Good afternoon!" bati ni Leonard sa tatlo. "Good afternoon, Sir Leonard!" bati nina Charm at Joy. "Balik na muna kami sa area namin, day dreamer!" sabi ni Charm. "Tse!" birong sagot naman ni Jan. "Basta ikwento mo sa amin yang panaginip mo ah!" sabi naman ni Joy at mabilis na nagtungo ang dalawang babae pabalik sa workstation nila. "Totoo ba ang nadinig kong doon ka natulog sa condo unit ni Miguel kagabi?" tanong ni Leonard kay Jan. "Nadinig ninyo pala ang pinag-uusapan namin." sagot naman ni Jan. "Totoo nga?" tanong ulit ni Leonard. "Naku po! Sinabihan po kasi ako ni Ms. Paloma na sunduin si Sir Miguel doon sa bar, eh sa sobrang lasing eh hinatid ko na siya sa condo unit niya." paliwanag ni Jan. "So, may nangyari ba?" usisa ni Leonard. "Anong ibig ninyong sabihin?" nagtatakang tanong ni Jan. "Alam mo na, siyempre lasing ang boss mo, pagkakataon mo na iyon!" biro ni Leonard. "Ganon po ba ang tingin ninyo sa akin? Mapagsamantala?" malungkot na tugon ni Jan. "Sorry! Wala akong masamang ibig sabihin. Gusto ko lang malaman kung may nangyari sa inyo doon." tugon ni Leonard. "Wala po." sagot ni Jan. "At nakatulog lang po ako doon dahil hindi na po niya ako hinayaang umuwi dahil sa oras at biglang bumuhos ang ulan." dagdag pa niya. "I'm glad to hear that." nakangiting sagot naman ni Leonard. Biglang natulala si Jan sa sagot ni Leonard. Bakit masaya siyang malaman na walang nangyari sa kanila ni Miguel kagabi. "Wala po akong balak pagsamantalahan si Sir Miguel kahit bigyan ako ng pagkakataon. As much as possible ay pinapanatili ko ang aming professional relationship. Boss ko siya ang ako ang sekretarya niya." sagot naman ni Jan. "Tuloy na tayo sa Biyernes?' tanong naman ni Leonard. "Oo naman. Naihanda ko na ang mga lulutuin ko sa araw na iyon!" sagot naman ni Jan. Habang patuloy na nag-uusap ang dalawa ay lumabas sina Miguel at Joshua mula sa loob ng opisina nito. "Good afternoon, Sir Joshua!" bati ni Jan nang makita niya ito. Ngumiti lamang si Joshua bilang tugon dito. Pagkatapos niyon ay nakita ni Miguel si Leonard. "Nandito na naman si Leonard sa area ni Jan?" tanong ni Miguel sa kanyang sarili. Nagsimula na itong magtaka dahil napapansin nitong laging pinupuntahan ni Leonard si Miguel. "Miguel!" bati ni Leonard. Ngumiti lamang si Miguel bilang tugon. "Good afternoon, Sir Miguel!" bati ni Jan. "Pumasok ka na pala, Jan!" sagot ni Miguel. "Nakain mo ba yung pinadeliver ko na breakfast?" tanong pa ni Miguel. "Yes po. Salamat po, Sir!" sagot ni Jan. Ngumiti naman si Miguel. Siniguro niyang madidinig ni Leonard ang sinabi niya. "May kailangan po kayo ngayon, Sir Miguel?" tanong naman ni Jan. "Wala naman. Tatawagin na lamang kita kung may kailangan ako sa'yo. Lalabas lang kami ni Joshua sandali. Just call me on my mobile phone if there's an urgent thing that I need to do." bilin naman ni Miguel. "Noted, Sir!" masayang sagot ni Jan. Pagkatapos ay umalis na nga ang magkaibigang Miguel at Joshua. "Confirmed na nga na doon ka natulog!" sabi ni Leonard kay Jan. "Hindi ka pa rin ba naniniwala?" tanong naman ni Jan. "Hindi naman sa hindi naniniwala. Natuwa lang ako kasi tinanong pa talaga ni Miguel yung tungkol sa breakfast ninyo sa harap namin ni Joshua." nakangiting sabi ni Leonard. "Bakit? Ano naman meron doon sa tanong niya?" nagtatakang tanong naman ni Jan. "Wala naman." sagot ni Leonard. "Wala ka bang balak na imbitahan si Miguel sa darating na Biyernes?" dagdag na tanong ni Leonard. "Naku! Mag-aabala ba yang si Sir Miguel na puntahan ang birthday ng lola ko?" tanong naman ni Jan. "Bakit hindi mo subukan?" sabi ni Leonard. "Nakakahiya! Hindi naman kagandahan ang bahay namin!" sabi ni Jan. "Pero sa amin nina Charm at Joy hindi ka nahihiya?" tanong naman ni Leonard. "Siyempre, mga kaibigan ko kayo! Pero si Sir Miguel, boss ko! Lalo pa nang makita ko yung tinutuyan niya!" sabi pa ni Jan. "Bakit hindi mo nga subukan? Baka magtampo pa iyon kapag nalaman niyang kami ay inimbitahan mo pero ang boss mo, hindi." sabi naman ni Leonard. "Sabagay, may point ka. Sige susubukan kong imbitahan siya mamaya pero sana hindi siya makakapunta." sabi ni Jan. "Bakit naman?" tanong ni Leonard. "Kasi nga nakakahiya! Ok na sa akin yung kayong tatlo lang ang bisita ko!" sabi pa ni Jan.
Halos mag-aalas siyete na ay hindi pa bumabalik si Miguel mula nang umalis sila ni Joshua. Ilang saglit pa ay nakatulog na si Jan sa kanyang desk sa kahihintay kay Miguel. Ilang saglit pa ay bumalik na si Miguel sa opisina. Nakita nito si Jan na natutulog na sa kanyang desk. "Bakit hindi pa umuuwi itong si Jan?" tanong ni Miguel sa kanyang sarili. Nilapitan niya ito at tinapik ang balikat upang gisingin. "Jan, bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong nito sa kanya. "Sir MIguel?!" sagot ni Jan habang kinukusot ang mata. "Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ulit nito sa kanya. "Hinihintay ko po kasi kayo bumalik." sagot ni Jan. "Bakit? May papapirmahan ka ba or may na-missed ba ako na dapat gawin? Dapat tinawagan mo ako agad para nakabalik agad ako dito at hindi mo na kinailangan na hintayin ako." sagot naman ni Miguel. "Ay wala naman pong urgent. Hindi po kasi importante kaya hindi ko na po kayo tinawagan." sagot naman ni Jan. "Hindi importante?" tanong ni Miguel. "Iimbitahan ko po sana kayo sa birthday ng aking lola sa Biyernes." sabi ni Jan. Naalala ni Miguel na may usapan sila ni Joshua na magbalik ng bar sa Biyernes upang ipagpatuloy ang naudlot na usapan nila. "Naimbitahan ko po sina Charm, Joy at Sir Leonard. Kung hindi po kayo pwede sa araw na iyon ay ok lang naman po!" dagdag pa ni Jan. Nang madinig ni Miguel na pupunta rin si Leonard ay biglang pumayag na ito. "Sige, pupunta ako!" mabilis na sagot nito. "Talaga po?!" gulat na sabi ni Jan. "Yup!" sagot pa ulit ni Miguel. "Naku Sir! Kung hindi talaga pwede at kung may mas mahalaga kayong appointment, ok lang po. Naiintindihan ko po. Baka napipilitan lang kayong pumunta dahil nahihiya kayo dahil sekretarya ninyo po ako!" sabi pa ni Jan. "Iniimbitahan mo ba talaga ako? Kasi parang ayaw mong pumunta ako?" sabi naman ni Miguel. "Ay hindi naman po sa ganon. Naisip ko po kasi na sobrang busy po ninyo, ayaw ko naman po na mag-cancel kayo ng important appointment ninyo dahil lamang sa akin." nag-aalalang sabi ni Jan. "Available nga ako sa Friday at pupunta ako sa birthday ng lola mo." sagot naman ni Miguel. "Ok po. Kung ganon ay we'll see you then on Friday. Sasarap ko po lalo ang luto ko para sa inyo!" sabi naman ni Miguel. "Ikaw pala ang magluluto ng handa ng lola mo?" tanong naman ni Miguel. "Opo! Pero katulong ko naman po ang Tita Glory ko kaya mas madali na po." sagot naman ni Jan. "Sige, aabangan ko yang luto mo sa Biyernes." wika pa ni Miguel. "Sige, umuwi ka na. Alam kong puyat ka dahil sa nangyari kagabi." dagdag pa nito. "Thank you po Sir Miguel. Sige po, mauna na po ako!" paalam nito. Kinuha nito ang mga gamit at mabilis na umuwi.
Si Miguel naman ay pumasok naman sa kanyang opisina. Naalala nito ang nakitang pag-uusap nina Leonard at Jan kanina. "Napapansin kong laging magkasama sina Leonard at Jan." sabi nito sa sarili. Naalala pa nito noong isang araw, pagkatapos ng meeting nila, hatak hatak ni Leonard si Jan palabas upang kumain sa labas. "Mukhang nagiging close ang dalawa ah?" sabi pa ni Miguel sa kanyang sarili. "Sisiguraduhin kong malalaman ko rin kung anong meron sa dalawang iyon." dagdag pa ni Miguel sa kanyang sarili at saka kinuha ang mga gamit para umuwi.
Pag-uwi ni Miguel ay nagtungo ito sa kusina upang tignan kung kinain talaga ni Jan ang pinadeliver nitong breakfast. Napansin nitong malinis na ang lamesa kung saan niya iniwan ang mga pagkain. "Maaring kinain niya nga yun." sabi ni Miguel sa kanyang sarili. Biglang napansin niyang may note rin na naiwan katabi ng note na ginawa niya kay Jan. "Thank you Sir Miguel sa masarap na breakfast! heart heart!" sabi ng nakasulat sa note. Natawa ito sa nakasulat na dalawang heart sa dulo ng mensahe. Lulukutin niya sana ito para itapos na ngunit napagpasyahan niyang itupi ito at itabi. Ngumiti ito at nagtuloy na sa kanyang silid.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...