Pagpasok ni Jan ay nagulat ito nang makitang bukas ang pintuan ng opisina ni Miguel. Nagulat lalo siya nang makitang nasa loob na si Miguel. "Nandito na po pala kayo, Sir Miguel?!" gulat na sabi nito. "Good morning!" bati ni Miguel sa kanya. "Good morning din po! Gusto ninyo po ng kape?" bati at tanong ni Jan. "Sure! Gusto ko yung may special note mo ah!" sabi pa ni Miguel. "Noted po!" sagot ni Jan at napangiti lamang ito sa sinabi ni Miguel. Mabilis na nagtungo si Jan sa coffee shop at inorder ang madalas na bilhin ni Miguel na kape. Pagkakuha niya ay nagbalik agad si Jan sa opisina ni Miguel dala ang kape na may 'special note' niya. "Thanks Jan!" wika pa ni Miguel. Ngumiti lamang si Jan bilang tugon dito. "By the way, ok lang ba na daanan mo mamaya sa condo unit ko yung mga reports na nakuha ko mula sa Tokyo? Nalimutan ko kasing dalhin ngayon." tanong ni Miguel. Sure! No problem!" sagot ni Jan. "Good! Sabay na tayo mamaya pag-uwi!" sabi naman ni Miguel. "Ok po." sagot naman ni Jan at pagkatapos ay nagbalik na ulit siya sa kanyang desk. Paglabas niya ay nakita niya si Leonard na naghihintay sa kanya. "Ito na yung pinabili mong soundtrack!" wika ni Leonard sa kanya. "Wow! Nakabili ka?! Thank you!" masayang sambit ni Jan. "Nasaan na yung dalawang babae?" tanong naman ni Leonard. "Sino? Sina Charm at Joy?" tanong naman ni Jan. "Yup!" sagot ni Leonard. "Hindi ko pa nakikita today. Baka hindi pa dumarating. Bakit?" sabi naman ni Jan. "Nandito na rin yung pinabili nilang make-up." sagot naman ni Leonard. "Iiwan ko na lang muna sa'yo itong mga pinabili nila. Marami kasi akong kailangan tapusin ngayon." dagdag pa ni Leonard. "Sige, sabihan ko agad sila kapag nakita ko sila." sagot ni Jan. "Magkano pala itong pinabili ko?" tanong pa ulit ni Jan. "Sige na. Libre ko na sa'yo yan! Maswerte ka at huling piraso na pala yan!" wika naman ni Leonard. "Talaga? Maraming pong salamat Sir Leonard!" sabi naman ni Jan. "Sabihin mo na rin sa dalawa na huwag na nilang bayaran itong mga ito." dagdag pa ni Leonard. "Sige po. Sasabihin ko agad ang magandang balita na yan. For sure matutuwa sila na madinig yan!" sabi pa ni Jan. "Sige, see you. Babalik na ako sa opisina dahil natambak ang trabaho ko dahil sa pagpunta ko sa Tokyo!" sabi naman ni Leonard. "Ok po. Thank you po ulit!" sagot pa ni Jan. Umalis na agad si Leonard at nagbalik na sa kanyang opisina. Si Jan naman ay tumayo at nagtungo sa Marketing team upang silipin sina Charm at Joy. "Aba! Wala pa ang dalawang bruha!" sabi ni Jan sa kanyang sarili at nagbalik ulit sa kanyang desk. Pagbalik nito ay nag-send na lamang ito ng e-mail sa dalawang babae. "Nasa akin na yung mga pinabili ninyo kay Sir Leonard." mensahe ni Jan sa email sa dalawa. Ilang saglit pa ay sumagot na si Joy sa e-mail ni Jan. "Mamaya na lang namin daanan diyan sa area mo. Late kaming nakapasok ni Charm. Marami kaming hinahabol na deadline ngayon!" mensahe ni Joy sa email. "Ok. No problem." sagot ni Jan sa email. "Mukhang busy lahat ng tao ngayon ah?!" wika ni Jan sa kanyang sarili.
Abalang abala pa rin si Jan sa pagtatrabaho. Nagulat ito nang makita niya ang oras sa kanyang cellphone. "Yikes! Matatapos na pala ang araw!" sabi ni Jan sa kanyang sarili. Napangiti ito nang makita niya ang wallpaper ng kanyang wallpaper. "Ang gwapo ni Sir Miguel!" sabi ni Jan sa kanyang sarili at patuloy na tinititigan ang screen ng kanyang cellphone. "Mukhang may taong masayang masaya dito ah?" biro ni Joy nang magpunta ito sa area ni Jan. Nagulat si Jan nang makita si Joy. "At sino naman yang tinitignan mo sa cellphone mo?" tanong naman ni Charm nang dumating din ito sa area. Biglang hinablot ni Joy ang cellphone ni Jan upang tignan ang nasa screen nito. "Kaya naman pala! Tignan mo kung sino ang wallpaper niya?!" sabi pa ni Joy. Nagtawanan ang dalawang babae. "At nag-effort ka pa talagang kunin itong magazine cover niya ah?!" sabi pa ni Charm. "Mga bruha kayo!" natatawang sabi naman ni Jan. Biglang binawi ni Jan ang kanyang cellphone mula kay Joy. "Huwag nga kayong maingay diyan at baka madinig kayo ni Sir Miguel sa loob!" dagdag pa ni Jan. "Eh wala naman kaming binabanggit na pangalan kung sino yang wallpaper mo ah?!" biro pa ni Charm. "Tse!" sagot naman ni Jan. Kinuha nito mula sa ilalim ng kanyang desk ang iniwan ni Leonard para sa mga ito. "Ito na yung mga pinabili ninyo kay Sir Leonard." sabi ni Jan habang inaabot ang paper bag laman ay mga make-up. "Wow! Meron na ako nito! At last!" masayang sambit ni Charm. "Magkano daw ang utang namin kay Sir Leonard?" tanong naman ni Joy. "Libre na daw!" sagot ni Jan. "Nakakahiya naman! Mahal kaya ito?!" wika ni Charm. "Kung gusto ninyo siyang bayaran, puntahan ninyo siya sa opisina niya. Basta ang sabi niya sa akin, libre na daw yan!" sagot naman ni Jan. "Eh libre na pala. Eh 'di puntahan na lang natin siya para mag-thank you!" sabi naman ni Joy. Habang nag-uusap pa rin ang tatlo ay biglang lumabas si Miguel sa kanyang opisina. "Hello po, Sir Miguel!" naiilang na bati ni Charm. Ngumiti lamang si Joy kay Miguel. Ngumiti rin si Miguel sa mga ito. Tumingin naman si Miguel kay Jan. "Punta lang akong wash room." wika ni Miguel kay Jan. "Ok po." sagot ni Jan. "By the way, maaga tayo aalis ngayon. Kung hindi ka na busy, maghanda ka na at saktong six o'clock tayo aalis." sabi pa ni Miguel kay Jan. "Ok po." sagot ulit ni Jan. Mabilis na nagtungo agad si Miguel sa banyo. Nagulat naman ang mga babae sa kanilang nadinig. "Ang taray! May date sila!" biro ni Joy. "Bruha! May pinakukuhang report si Sir Miguel mamaya!" sagot ni Jan. "Asus! Nahihiya pang sabihin na may date sila!" pang-aasar pa lalo ni Charm. "Tigilan ninyo na nga ako mga bruha! Puntahan ninyo na lamang si Sir Leonard tulad ng plano ninyo kanina at ako'y mag-aayos na dahil aalis agad kami ni Sir Miguel!" natatawang wika ni Jan. "Enjoy your date tonight!" biro pa ni Joy. "Sige na! Pupuntahan na namin muna si Sir Leonard. Balitaan mo na lang kami kung anong nangyari sa date ninyo!" dagdag pa ni Charm. "Tse!" sagot ni Jan at hindi pa rin mapigilan ang tawa nito.
Sina Miguel at Jan ay nag-uusap sa loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang daan papunta sa condominium ng nauna. "Kumusta naman po yung gaming convention?" tanong ni Jan kay Miguel. "Ok naman." sagot ni Miguel. "Sigurado akong mag-eenjoy ka doon kung nandoon ka. Lahat ng sikat game publisher at developer ng Japan ay nandoon." dagdag pa ni Miguel. "Sana, sa susunod na gaming convention, kasama na ang PNYG." sabi naman ni Jan. "Possible na yan dahil napag-usapan na namin ni Leonard ang magiging plano naman para sa bagay na yan." sagot naman ni Miguel. "Tungkol saan po ba pala yung report na ibibigay ninyo sa akin ngayon?" tanong naman ni Jan. "Basta!" mabilis na sagot ni Miguel. Napatingin naman si Jan kay Miguel at bakas sa mukha nito ang pagtataka. "Naku! Baka dudugo na naman ang utak ko sa report na ibibigay ni Sir Miguel." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Nang makarating na sila ng gusali ay mabilis silang nagtungo sa unit ni Miguel. "Maupo ka muna diyan at kukunin ko lamang mula sa aking silid yung sinasabi ko sa'yo." sabi ni Miguel kay Jan. "Ok po!" sagot ni Jan at umupo sa may living room. Nakita ni Jan ang PlayStation 3 ni Miguel. Naalala bigla nito ang kanilang paglalaro ni Miguel at noong time na napahawak ito sa mga balikat ni Miguel na para bang nakayakap siya dito. Nag-blush bigla si Jan nang maalala ang nasabing tagpo. Ilang saglit pa ay lumabas na si Miguel sa kanyang silid at may dalang paper bag. Nagtaka si Jan sa dala ni Miguel. "Kunin mo ito." utos ni Miguel kay Jan. "Ano po ito?" tanong naman ni Jan. "Tignan mo ang laman." sabi naman ni Miguel. Dahan dahan na tinignan ni Jan ang laman ng paper bag. Nagulat ito nang makita ang laman ng paper bag. "Ito yung buong series ng Ultra Maniac ah?" sabi pa ni Jan. "Pasalubong ko sa'yo yan!" sabi pa ni Miguel. "Talaga po?" gulat na sabi ni Jan. Ngumiti lamang si Miguel. "Paano ninyo nalaman na gustung-gusto ko po ito?" tanong ni Jan. "Nasabi sa akin ni Leonard na gusto mo yan kaya hinanap ko sa buong Tokyo kung saan makakabili niyan." sagot ni Miguel. "Pero mahal po ito ah? I heard, collector's item na ito!" wika pa ni Jan. "Huwag mo nang isipin kung magkano yan. Ang importante, meron ka na niyan." sabi pa ni Miguel. Hindi napigilan ni Jan ang maluha sa tuwa. "Oh bakit ka umiiyak?" tanong ni Miguel. "Masayang masaya lang po ako!" sagot ni Jan. "Hindi ko po akalain na maaalala ninyo po akong pasalubungan. Hindi ninyo po alam kung gaano po ako kasaya ngayon." wika pa ni Jan at pinupunasan ang mga luha nito. "I'm glad that you're happy with that." sagot naman ni Miguel. "Sir Miguel, huwag po kayong maging masyadong mabait sa akin. Baka tuluyan ko na po kayong mahalin niyan." sabi ni Jan sa kanyang sarili. "Eh nasaan po pala yung report na sinasabi ninyo?" tanong bigla ni Jan. "Wala naman talaga akong report na ibibigay sa'yo. Gusto lang kita supresahin kaya nagdahilan na lang ako." wika pa ni Miguel. "Thank you po, Sir Miguel!" sabi pa ni Jan at biglang napayakap ito sa binata. Bumilis ang tibok ng puso ni Miguel nang maramdaman nito sa kanyang katawan ang mga braso ni Jan. Nagulat din si Jan sa ginawa kaya bigla itong bumitaw sa pagkakayakap kay Miguel. "Ay! Sorry po, Sir Miguel. Sobrang saya ko lang po talaga!" palusot naman ni Jan. Ngumiti lamang si Miguel dito. "Pagluluto ko na lamang po kayo ng hapunan ninyo bilang pasasalamat ko sa pagbigay sa akin nito." sabi pa ni Jan at mabilis na nagtungo sa kusina. Si Miguel ay naiwan sa living room at binuksan ang kanyang PlayStation 3 upang maglaro. Napangiti na lamang ito nang makitang masayang masaya si Jan sa supresa nito. Si Jan naman inihahanda ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto. Napahawak ito sa kanyang dibdib nang maalala nito ang eksena kanina nang bigla itong napayakap kay Miguel. "Minsan, hindi ko na rin napipigilan ang damdamin ko sa inyo, Sir Miguel." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. "Please po. Huwag kayong masyadong maging mabuti sa akin, baka umabot na sa sukdulan at talagang mahulog na nang tuluyan ang damdamin ko sa inyo." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Napagtanto nito sa kanyang sarili na ang simpleng paghanga niya kay Miguel ay nagiging pag-ibig na. "Hindi ako pwedeng ma-inlove sa inyo, Sir Miguel, hindi maari!" sabi pa ni Jan sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romansaa story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...