Chapter 58

6.1K 239 0
                                    

Abalang-abala si Miguel sa pag-aayos ng kanyang gamit sa kanyang gamit nang makauwi. Iniisip nito kung anong meron sa pagitan nina Leonard at Jan. Nararamdaman itong meron siyang hindi nalalaman tungkol dito. "Iba ang kinikilos nang dalawa." sabi ni Miguel sa kanyang sarili. Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang cellphone nito at nakitang si Ms. Paloma ang tumatawag sa kanya. "Yes, Ms. Paloma?" tanong nito sa kanya. "Buksan mo ang TV mo at ilipat sa news channel." utos sa kanya ni Ms. Paloma. "Anong meron?" tanong pa ulit ni Miguel. "You'll see." sagot ni Ms. Paloma. Nagtungo agad si Miguel sa living room at kinuha ang remote control upang buksan ang TV nito. Nagulat ito nang makita ang balita sa TV. " Nagtulungan ang mga tao na nakasaksi sa aksidente na kunin mula sa sasakyan ang mga biktima nang mabangga ito ng isa pang SUV sa kahabaan ng Chionggo Avenue." sabi ng reporter sa TV. Lumapit ang reporter sa isang taong nakasaksi. "Maari mo bang ibahagi sa amin ang nangyari?" tanong ng reporter. "Yung isang sasakyan kasi nag-overtake dun sa kaharap nitong truck. Hindi siguro napansin na may sasakyan na parating sa kabilang linya. Pinilit ng isang sasakyan na iwasan ang nag-oovertake na sasakyan ngunit nahagip pa rin sila." sagot ng saksi. "Balita ko'y nagtulungan ang mga tao dito na tulungan ang mga biktima." sabi naman ng reporter. "Oo. Nakita naming walang malay yung dalawa eh umaapoy yung bandang likuran ng sasakyan dahil tumatagas ang gas kaya nagtulong-tulong na ang mga tao na alisin ang dalawa sa sasakyan. Mabuti na lamang at nakuha agad ang dalawa dahil biglang umapoy yung sasakyan." sagot uit ng saksi. "Maraming salamat sa pagpapabahagi ng nangyari." sabi naman ng reporter sa saksi at nagpatuloy ito sa pag-uulat. "Ang driver naman ng SUV na bumangga ay kasalukuyang nasa police station dahil sa nangyari upang harapin ang mga kaso nito. Ang dalawang biktima naman ay mabilis na isinugod sa Makati Medical Center at ito ay sina Leonard Henderson, isang senior manager ng sikat na kumpanyang PNYG at si Jan Navre, dating empleyado ng nasabing kumpanya." ulat pa ng reporter. Nanginig ang buong katawan ni Miguel nang madinig ang pangalan nina Leonard at Jan sa TV. "I need to go to the hospital now!" sabi ni Miguel kay Ms. Paloma sa kabilang linya. "Go ahead!" sagot ni Ms. Paloma. Pagkababa ng tawag ay siniswitch off nito ang TV at mabilis na lumabas upang puntahan ang dalawa sa ospital.

Nang dalhin sila ng ambulansya patungong ospital ay nagkaroon ng malay si Leonard. "Nasaan ang kasama ko?" tanong nito sa taong nasa loob ng ambulansya. "Ito, katabi mo. Walang malay." sagot sa kanya ng lalakeng kausap nito. "Tara na, ibaba na ang pasyente." sabi ng tao sa labas ng ambulansya nang makarating sila ng ospital. Napalingon si Leonard kung nasaan si Jan at nakita nitong walang malay ito sa stretcher kung saan ito nakahiga at inililipat sa isang higaan upang dalhin sa emergency room. "Jan." sabi pa ni Leonard sa kanyang sarili at pagkatapos ay nawalan na rin ng malay.

Nang dumating si Miguel sa ospital ay nadatnan nito ang mga magulang ni Leonard na sina George at Anita kasama ang Tita Glory ni Jan. "What are you doing here, Miguel?" tanong sa kanya ni George. "I came here to check on Leonard and Jan. How are they?' wika naman ni Miguel. "We are actually waiting for the result of the test." sagot ni George. "Mabuti na si Leonard pero wala pa ring malay si Jan." pahabol naman ni Anita. "Where are they?" tanong ulit ni Miguel. "They're upstairs. Nasa room 431." sagot ni Anita. "Let me go upstairs and check on them." sabi ni Miguel. "Go ahead." ang sabi naman ni George. Pagkatapos ay mabilis na nagtungo si Miguel sa nasabing silid kung nasaan sina Leonard at Jan.

Pagdating ni Miguel sa nasabing palapag ay nagtungo ito sa Room 431 upang puntahan sina Leonard at Jan. Pagpasok ay nakita nitong nakahiga sa magkahiwalay na kama sina Leonard at Jan. Nakita nito na may malay si Leonard at titig na titig kay Jan na walang malay. Nang maramdamang may pumasok sa silid ay nilingon ito ni Leonard. "Miguel?!" nasambit nito. "What happened?" tanong naman ni Miguel. "We ran into an accident." sagot ni Leonard. "Kumusta na siya?" tanong pa ulit ni Miguel. "I heard hindi pa rin siya nagkakamalay. I hope nothing serious happened to him." sabi naman ni Leonard. Lumapit si Miguel sa tabi ng kama ni Jan hinawakan ang mga kamay nito. "Jan." ang nasambit na lamang ni Miguel habang hawak pa rin nito ang mga kamay ni Jan. Nakamasid lamang si Leonard sa dalawa. "Miguel, I have a confession to make." sabi ni Leonard at binasag ang katahimikan sa silid. "I know this is not the right time." patuloy pa nito. "Pero I must tell you this now.". Napatingin naman si Miguel kay Leonard. "Miguel, I think I like Jan too." pagtatapat ni Leonard.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon