"Jan, aalis na ako. Magkita na lang tayo tonight para doon sa PlayStation 4." wika ni Miguel pagkalabas nito sa opisina. "Sige po, Sir Miguel. Dadalhin ko na lamang po sa inyo yung console." sagot ni Jan. Pagkatapos niyon ay umalis na rin si Miguel. Nakipagkita si Miguel kay Joshua sa isang coffee shop upang pag-usapan ang mga naganap kagabi. Habang nag-uusap ang dalawa ay nakatanggap ng tawag si Miguel kay Helena. "Miguel, I'm here at your place. Can you meet me here?" wika ni Helena sa kabilang. "Ok. Wait for me there. I'll be there in a minute." sagot ni Miguel at pagkatapos ay binaba na ang tawag. "Sige, pare, puntahan ko lang muna si Helena." sabi ni Miguel kay Joshua. "Mukhang mapapalaban ka ulit ngayon ah?" biro ni Joshua. Ngumiti lamang si Miguel at dali-daling umalis upang puntahan si Helena.
Nang matapos naman ni Jan ang trabaho ay naghanda na rin agad ito upang pumunta sa game store upang kunin ang inorder ni Miguel na PlayStation 4. Sumakay ng taxi si Jan papunta sa nasabing mall kung nasaan ang game store. Naipit sa trapik si Jan papuntang mall. "Ano po bang meron ngayon, manong driver at trapik?!" tanong ni Jan sa driver. "Ginagawa na naman kasi yung daan diyan. Kagagawa nga lang niyan noong isang taon, ginagawa na naman ulit ngayon." makahulugang sagot naman ng driver. "Aabot ba tayo manong?" nag-aalalang wika naman ni Jan. "Huwag po kayong mag-alala, aabot naman tayo." sagot naman ng taxi driver. Inabot si Jan halos isang oras sa biyahe. Nang malapit na sila sa mall ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Ano ba yan?! Wala akong dalang payon!" sabi ni Jan sa kanyang sarili. "Dito ko na po kayo idadaan kasi trapik po doon sa kabilang kalsada." sabi sa kanyang ng driver. "Sige po, manong, dito na lamang po ako bababa." wika naman ni Jan. Iniabot na nito ang bayad at saka bumaba ng sasakyan. Nilusob nito ang malakas na ulan hanggang makasilong sa walkway patungong mall. Nang makarating na ito ng game store ay nagulat ito nang makita ang pila ng mga kukuha ng PlayStation 4 sa nasabing tindahan. "Diyos ko! May pila pa pala?!" sabi ni Jan sa sarili. Matiyagang pumila si Jan sa tindahan. At pagkatapos ang halos isang oras rin ay nakuha na nito ang inorder ni Miguel na PlayStation 4. Nagulat ito sa presyo ng nasabing game console. "Grabe ang presyo, nakakalula! Sana mabigyan ako ni Sir Miguel ng pagkakataon malaro itong bagong console." sabi ni Jan sa kanyang sarili. Naalala ulit nito ang paglalaro nila ni Miguel sa condo unit ng binata. Tumingin sa may labas si Jan at nakitang bumubuhos pa rin ang malakas na ulan. Nagtungo ito sa sakayan ng taxi. Nagulat ulit ito nang makita ang mahabang pila sa nasabing sakayan. Halos isang oras ulit na naghintay si Jan bago nakasakay ng taxi. Halos nanginginig na ito sa sakit ng paa sa kakatayo. Naalala pa nitong hindi pa siya kumakain. "Kailangan dalhin ko na ito kay Sir Miguel!" sabi naman ni Jan sa kanyang sarili. Naisip nitong kakain na lamang siya pagkatapos niyang madala ang nasabing game console. Nang bumaba na siya sa tapat ng condominium ni Miguel ay mabilis na tumakbo ito papuntang entrance ng nasabing gusali. Napasigaw pa ito nang hindi sinasadyang mahulog ang cellphone nito mula sa kanyang bulsa. Dahil umuulan, nabasa ang cellphone nito. Dinampot niya ang cellphone at nakitang ayaw na bumukas ito. "Kapag inabot ka nga naman ng malas! Grabe itong araw na ito!" sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Mabilis na nagtungo si Jan sa reception area at nagsabing dadalhin lamang niya ang dala niyang game console sa kanyang boss. At dahil kilala na rin siya ng mga tao sa reception area ay pinaakyat na rin agad siya.
Pagkatapos ng mainit na pagniniig, nagpunta si Miguel sa banyo upang mag-shower habang si Helena ay nakahiga lamang sa kama. Ilang saglit pa ay biglang may nag-doorbell mula sa pintuan. Tumayo si Helena mula sa higaan, itinakip ang kumot sa kanyang katawan at nagtungo sa may pintuan. Sinilip ni Helena mula sa door peephole kung sino ang tao sa labas. Nakilala nito si Jan, ang sekretarya ni Miguel kaya pinagbuksan niya ito ng pinto. Pagbukas ng pinto ay nagulat si Jan nang makita si Helena ang nagbukas ng pinto at halos walang saplot. "Ms. Helena?!" nasabi na lamang ni Jan. "You're Miguel's secretary, right? What do you want?" tanong ni Helena. "Nandito lang po ako para dalhin kay Sir Miguel ang pina-pick up niyang PlayStation 4." sagot ni Jan. Saktong lumabas naman si Miguel mula sa banyo nang makitang nag-uusap sina Jan at Helena. "Jan?!" wika ni Miguel sa kanyang sarili. Biglang naalala nito na pinakuha pala niya ang inorder nitong game console. Mabilis na nagpunta sa Miguel sa may pintuan upang kausapin si Jan. Si Jan naman ay lalong nagulat nang makitang naka-towel lamang ito. "Sir Miguel, ito na po yung PlayStation 4 ninyo." sabi ni Jan sabay abot ng nasabing game console. "Mauna na po ako!" sabi pa ulit ni Jan at mabilis na tumakbo paalis. "Jan, wait!" wika naman ni Miguel ngunit pinigilan siya ni Helena. "Let's go inside. Dinala niya lang naman ito." sabi pa ni Helena. Nabagabag naman si Miguel sa nangyari. Napansin ito ni Helena. "Miguel, what's wrong with you?" tanong ni Helena. Napatingin si Miguel sa may bintana at nakitang malakas ang buhos ng ulan. "Paano makakauwi si Jan?" sabi ni Miguel. "Bakit pinoproblema mo ang pag-uwi niya eh nakapunta nga siya dito?!" mataray na sabi ni Helena. Lumapit si Helena kay Miguel at sinimulang halikan ito. "Come on, Miguel. Forget your secretary. Kaya na niya ang sarili niya. Let's just think of ourselves." sabi pa ni Helena at sinimulang halikan si Miguel mula sa labi patungo sa kanyang leeg. Nagtungo ulit ang dalawa sa silid at tinuloy ang kanilang ginagawa.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romantika story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...