Chapter 20

9.4K 345 3
                                        

Tinignan ni Miguel ang kanyang organizer upang malaman ang kanyang mga appointment sa araw na iyon. Nakita nitong may importante siyang conference call mula sa mga representative ng Sony. Kinuha nito ang kanyang telepono at tinawagan si Jan. "Yes Sir?" tanong ni Jan sa kabilang linya. "I don't want to be disturbed for awhile. May importante lang akong conference call. Kapag may urgent, ikaw na muna ang bahala." wika ni Miguel. "Noted Sir!" sagot ni Jan at pagkatapos ay binaba na ang telepono. Nadidinig naman ni Jan mula sa kanyang desk na nagsimula na ang conference call nito. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating si Paloma sa area. "Jan, I need Miguel to sign this documents immediately." wika ni Paloma sa kanya. "I will ask him Ms. Paloma to sign this once he's done with his conference call. He doesn't want to be disturbed right now." sagot ni Jan. "Sure, no problem!" wika naman ni Paloma. "Pero pwede mo nang lagyan na lang yung stamp yung mga dokumento sa ilalim ng folder. Reports lang naman yan. But I need his signature  on the document in the first folder." dagdag pa ni Paloma. "Ok." maikling sagot ni Jan. Pagkatapos ay kinuha nito ang dokumentong sinasabi ni Paloma na kailangan niyang lagyan ng stamp. Ilang saglit pa ay dumating naman sa area si Helena. "Hi, I need to talk to Miguel right now." sabi ni Helena kay Jan nang lumapit siya dito. "Good day Ms. Helena. Is it ok if you could wait for him?" sagot ni Jan. "But I need to talk to him, now!" naiiritang sabi naman ni Helena. "I'm sorry ma'm. Sir Miguel doesn't want to be disturbed right now since he's in an important conference call." sagot ni Jan. "Well, I'm more important than that stupid conference call." mataray na sabi na ni Helena. Napatingin na lamang si Jan kay Paloma. "I'm sorry Ms. Marfori, would you please be kind to just wait for him. I'm sure he will immediately attend you once he's done with the call." sarkastikong wika ni Paloma kay Helena. "I'm pretty sure that he can actually cancel that conference call that you were saying once he knew that I'm here." sagot pa ni Helena. "But there's no way for Jan to  inform his boss that you're here." sagot ni Paloma. "If that's the case, let me go directly to his office." mataray na wika pa ni Helena. "I don't think that's appropriate. Ms. Marfori." sagot ni Paloma at humarang sa may pintuan ng opisina ni Miguel. "Move away from that door!" utos ni Helena kay Paloma. "Please don't cause any commotion in this office or else I will call the security!" mataray na wika ni Paloma. Ilang saglit pa ay dumating naman si Leonard sa area. "What going on in here?" tanong ni Leonard. Nagulat si Helena nang makita si Leonard. "So it's true that you're working here?" sabi ni Helena kay Leonard. "What are you doing here, Helena?" tanong ni Leonard. "I wanted to talk to Miguel but these two idiots won't allow me!" sagot ni Helena. "I'm sorry, ma'm?" wika ni Jan at nakadama ng pagkairita sa nadinig mula kay Helena. "I said you two are idiots especially you!" sagot ni Helena kay Jan. "I can't even imagine why would Miguel select you as his secretary?" pang-iinsulto pa ni Helena. "You're just a low-life faggot!" dagdag pa ni Helena. Si Jan naman ay nagpipigil lamang ngunit gusto na niya sumabog. Naluha na lamang ito sa kakapigil ng galit.  "Helena, stop it!" utos ni Leonard kay Helena. "What?! I'm just telling the truth!" sagot pa ni Helena. "Well, this person you're calling faggot is a close friend of mine!" wika pa ni Leonard. "What?!" gulat na sagot ni Helena. "And by the way, Ms. Marfori, this 'faggot' you're calling is actually one of our best employee here!" dagdag pa ni Paloma. "So you would choose him instead of me?" sabi naman ni Helena kay Leonard. "Yes!" maiksing sagot ni Leonard. "You're disgusting!" sagot ni Helena. Ilang saglit pa ay lumabas na si Miguel mula sa loob ng kanyang opisina. "What is this all about?" tanong ni Miguel at tinignan ang tatlo. "Miguel!" sabi ni Helena at mabilis na tumakbo palapit dito. "They won't allow me to talk to you, babe!" dagdag pa ni Helena. "Sige, ako nang bahala dito." sabi na lamang ni Miguel kina Paloma, Leonard at Jan at pinapasok si Helena sa loob ng kanyang opisina. Pagpasok ng dalawa ay nag-usap ito. "I gave Jan a strict order not to disturb me." sabi ni Miguel kay Helena. "So his name is Jan?" sabi ni Helena. "What about him?" tanong ni Miguel. "I don't like him!" wika pa ni Helena. "Why?" tanong ni Miguel. "I don't know, but I'm pretty sure that I don't like that faggot!" sagot ni Helena. "Watch your word, Helena!" sabi ni Miguel. "Why are you defending that faggot?" tanong pa ni Helena. "He's a good person!" sagot ni Miguel. " I really don't know what you and Leonard saw to that faggot!" wika pa ni Helena. "Helena!" saway pa ni Miguel. "I want that  faggot be kicked out of this office!" sabi ni Helena. "If you have nothing good to say, I better asked you to leave!" wika pa ni Miguel. Nagulat si Helena sa sinabi ni Miguel. At sa galit nito ay lumabas na ito ng kanyang opisina. 

"Ok ka lang?" tanong ni Leonard kay Jan. "Ok lang po!" sagot ni Jan. "Pagpasensyahan mo na lang yun, Jan. Huwag mo na lang intindihin ang mga pinagsasabi ng babaeng yun!" dagdag pa ni Paloma. "Salamat po, Ms. Paloma." sagot naman ni Jan dito. Nagulat ang tatlo nang biglang lumabas ng opisina si Helena. Tinignan lamang ng tatlo ang papalabas na si Helena. Lumingon naman si Helena kay Jan at lalong nainis ito nang makitang katabi nito si Leonard. Sinimangutan niya ito at pagkatapos ay mabilis na umalis. 

Nang matapos ang araw na iyon sa opisina, niyaya ni Leonard si Jan kumain ulit sa labas. Hindi naman nagdalawang-isip at tinaggap agad ni Jan ang imbitasyon. Kaya nang lumabas na si Miguel sa kanyang opisina ay nagpaalam na agad ito sa boss. "Alis na po kami, sir!" sabi ni Jan. Tinignan lamang ni Miguel sina Leonard at Jan paalis. Natuwa naman si Leonard nang makitang sakto at nakita sila ni Miguel na sabay silang umalis ni Jan. 

Habang kumakain, nag-usap sina Leonard at Jan. "Mukhang magkakilala pala kayo ni Ms. Helena?" tanong ni Jan. "Yup." maiksing sagot ni Leonard. "Mukhang hindi mo kinukwento sa akin yan. Nabanggit ko sa'yo dati si Ms. Helena pero hindi mo sinabi sa akin na magkakilala pala kayo!" wika ni Jan. "Hindi ka naman nagtatanong eh." sagot ni Leonard. "Ang alam ko, kilala mo siya dahil ikaw ang nagsabi na first love siya ni Sir Miguel pero I never thought na kiilala ka rin niya!" wika ni Jan. "She's into me before." sabi ni Leonard. "What do you mean?" tanong ni Jan. "Six years ago, she confessed her love for me." pagtatapat ni Leonard. "Anong nangyari?" tanong ni Jan. "I have a girlfriend that time kaya I let her down." sagot ni Leonard. "But she was very persistent." dagdag pa ni Leonard. "One night, sa isang party na kasama kaming dalawa." patuloy na pagkukuwento ni Leonard. "Ok?" singit ni Jan at napataas ang kamay na parang alam na kung ano ang kasunod na nangyari. "I was drunk. She seduced me." sabi pa ni Leonard. "So may nangyari?" tanong ni Jan. "Unfortunately, yes." sagot ni Leonard. "She told me, I was her first." dagdag pa ni Leonard. "After what happened, akala niya ay magiging ok kami." kwento pa ni Leonard. "But I told her that what happened to us is just a one night stand for me." dagdag pa niya. "Anong sabi niya?" tanong pa ni Jan. "Of course, hindi niya matanggap!" sagot ni Leonard. "And then me and my girlfriend announced our engagement." dagdag pa niya. "I can imagine kung anong reaskyon niya sa engagement ninyo." sabi naman ni Jan. "After she heard our engagement, lumipad na siya papuntang Paris para mag-aral." sabi naman ni Leonard. "But she told me that she flew to Paris to move on from me." dagdag pa niya. "At iyon na ang huli naming pag-uusap." pagtatapos nito. "Alam ni Sir Miguel ito?" tanong ni Jan. "I doubt it. At hindi ko na rin sinabi sa kanya ang mga nangyari dahil alam kong masasaktan lang siya." sagot naman ni Leonard. "And I don't have the guts na ipagsabi pa ang nangyari since I was engaged that time. Ayaw ko rin masaktan ang fiance ko. Kaya I kept my mouth shut." dagdag pa ni Leonard. "Well, mukhang naka-move on na siya dahil na kay Sir Miguel na siya." sabi naman ni Jan. "Well, I do hope that she's ok now!" wika naman ni Leonard. "Obvious naman. Tignan mo nga at mukhang masayang masaya na siya kay Sir Miguel." sabi ni Jan. "Paano ka?" tanong ni Leonard. "What do you mean?" sabi ni Jan. "Alam kong mahal mo si Miguel." wika naman ni Leonard. "I already given up on him. Pinipilit ko nang tanggapin na wala naman patutunguhan itong nararamdaman ko para kay Sir Miguel." sagot ni Jan. Natahimik lamang si Leonard. "Anyway, let's just move forward. Huwag na natin pag-usapan si Sir Miguel dahil masaya na naman siya sa kanyang Helena!" sabi pa ni Jan na halatang may pagka-bitter niyang sinabi. Natawa na lamang si Leonard. "Oo nga pala." dagdag ni Jan. "Ano yun?" tanong ni Leonard. "Nagyayaya pala si Joy mag-swimming diyan lang sa Laguna next week." sabi naman ni Jan. "Sinu-sino ang sasama?" tanong ni Leonard. "Naku, ayun nga. Mga boyfriend nila ang kasama. Wala daw yata kasing mag-outing ang Marketing team, hindi tulad ng Creative team, kaya gumawa na lang ng sariling outing ang dalawa. Ayun nga lang, mga boyfriend nila ang kasama nila. Kaya tinanong ko kung pwede ba kitang imbitahan since ayaw kong lumabas na parang third wheel sa kanila." wika ni Jan. "So lalabas na ako ang boyfriend mo sa outing na yun?" biro ni Leonard. "Hoy! Hindi ah! Wala kasi akong maisip na isama kung hindi ikaw! Ok lang naman kung ayaw mo!" sabi naman ni Jan. "Sige, sasama ako!" sagot ni Leonard. "Yehey! Pero hindi kita boyfriend ah! Aasarin na naman ako ng dalawang yun!" sabi ni Jan. Natawa na lamang ulit si Leonard.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon