Araw ng Biyernes. Nang malapit nang matapos ang araw sa trabaho, nagyaya si Miguel na maglaro ng kanyang bagong PlayStation 4. "Jan, if you're free, let's play PS4 tonight." sabi pa nito. Natuwa naman si Jan sa paanyaya ni Miguel kaya tinanggap niya agad ito. "Sure!" sagot pa nito. Kaya nang matapos na nila ang kanilang trabaho, sabay na silang umalis ng opisina at nagtungo sa condo unit ni Miguel. Dumaan muna rin sila ng supermarket dahil nag-suggest si Jan na magluluto na lamang siya ng kanilang hapunan. Pagkarating nila ay sinimulan agad ni Jan ang pagluluto habang si Miguel ay derechong nagtungo sa kanyang silid upang makapag-shower. Nang maluto na ni Jan ang pagkain ay kumain na sila at pagkatapos ay nagsimula na silang maglaro ng nasabing game console. Dahil sa pagsasama nila na yun ay nagkaroon sila makapag-usap ng masinsinan. "Salamat, Jan!" sabi ni Miguel dito. "Salamat po saan?" tanong naman niya. "Salamat sa lahat!" sagot pa ni Miguel. Napatingin si Jan sa kanya. "Ilang beses na kitang nasasaktan pero nandito ka pa rin lagi para samahan ako." dagdag pa ni Miguel. Ngumiti naman si Jan sa mga sinabi ni Miguel. "Ok lang po yun kasi.." sabi ni Jan ngunit biglang natigilan at napa-isip sa sasabihin. "Kasi?" tanong naman ni Miguel. "Kasi eh.." sagot ni Jan at mabilis na nag-iisip na pwedeng sabihin. "Kasi eh boss ko po kayo!" palusot pa niya. Ngumiti na lamang si Miguel sa sagot ni Jan at kunwaring tinanggap niya ang sinabi nito at humarap sa TV screen upang tignan ang nilalaro nito. Humarap na lamang din si Jan sa TV screen. "Gusto mo ako, tama ba?" wika ni Miguel. "Bakit na naman kayo nagsasalita ng ganyan?" sabi naman ni Jan. "Eh bakit hindi mo na lang masagot ng derecho ang tanong ko?" wika pa ulit Miguel. Natahimik bigla si Jan at nag-iisip nang isasagot dito. Biglang umakbay sa kanya si Miguel. "Tama ba? May gusto ka sa akin?" sabi pa ni Miguel. "Noong una pa lang, alam ko nang may gusto ka sa akin." dagdag pa nito. Napatingin si Jan sa mukha ni Miguel. "Tama ba ako, Jan?" tanong pa ulit ni Miguel. Ngunit ilang saglit ay biglang may nag-doorbell. "Sino naman kaya ang pupunta dito ng ganitong oras?" sabi ni Miguel at mabilis na tumayo at nagtungo sa pintuan. Pagbukas niya ay nagulat ito nang makita kung sino ang tao sa likod ng pinto. "What are you doing here, Helena?" gulat na tanong ni Miguel. Lalong magulat si Miguel nang makita nitong kasama ni Helena ang kanyang papa na si Hector. "Pa?" wika pa ni Miguel. Dere-derechong pumasok si Hector at Helena sa loob. Napatayo bigla si Jan nang makita niyang pumasok si Hector. "Mr. De Dios?!" gulat na sambit ni Jan. "Good evening po!" bati niya dito. "So what I heard from Helena is true." sabi ni Hector kay Miguel. "What do you mean, pa?" tanong ni Miguel. "That you and your homosexual secretary are dating here in you condo." sagot ni Hector. Nandilat ang mga mata ni Jan sa sinabi ng papa ni Miguel. "What?!" gulat na sabi ni Miguel. "What did you say to my dad?" tanong naman ni Miguel kay Helena. "I just told him to go here to see for himself what you've been doing lately." sagot naman ni Helena. "We're not doing anything bad here, pa!" sabi naman ni Miguel kay Hector. "Then what are you two doing here?" tanong naman sa kanya. "We're just playing." sagot ni Miguel. Lumapit naman si Hector kay Jan. "Mr. Navre, right?" wika ni Hector kay Jan. "Yes po." magalang na sagot niya dito. "I really don't know what you did to Miguel for him to be acquainted with you. Helena actually told me that you might put Miguel under a spell." sabi ni Hector. Hindi naman makapaniwala si Jan sa mga sinasabi sa kanya ni Hector. "Pa, you have no right to tell those lies to Jan!" wika naman ni Miguel. "Miguel, I want you to fire Mr. Navre right away!" utos ni Hector sa kanyang anak. Napangiti naman si Helena sa kanyang mga nadinig. "Why would I?" sagot ni Miguel. "Dahil niloloko ka lamang ng taong ito!" galit na sabi na ni Hector. Hindi na napigilang mapaluha ni Jan sa kanyang mga nadidinig. "Mr. De Dios, maari ninyo pong sabihin lahat ng pwede ninyong sabihin tungkol sa akin. Wala akong pakialam. Pero gusto ko pong malaman ninyo na kailanman, hindi ako nanloko ng tao lalong lalo na ang anak po ninyo." sabi ni Jan. "Kung mamarapatin ninyo po, aalis na lamang po ako dahil hangga't maari ay gusto ko pa rin mapanatili ang respeto ko sa inyo." dagdag pa niya at pagkatapos ay mabilis na kinuha ang bag nito at naglakad patungo sa pintuan. Bigla naman siyang pinigilan ni Miguel at hinawakan sa kanyang mga braso. "Sir Miguel, mas mabuti na po ito." sabi ni Jan at mabilis na binawa ang braso sa pagkakahawak ni Miguel. Nang mapadaan naman ito kay Helena ay tumingin ito ng masama. Nakangiti at nakataas ang mga kilay naman ni Helena nang tumingin sa kanya ito. Ilang saglit pa ay tumakbo na ulit patungong pintuan at lumabas na sa condo unit ni Miguel. "Anong kasinungalingan ang mga sinabi mo sa papa?" galit na tanong ni Miguel kay Helena. "Helena has nothing to do with this." biglang singit ni Hector. "Yes, she does! Dahil kung tutuusin ay siya ang manloloko dito at hindi si Jan!" sagot ni Miguel. "I want you to fire your secretary!" utos pa ulit ni Hector. "You know that I can't do that. Wala nilabag na company policy si Jan. Malaki na rin ang naitulong ni Jan sa kumpanya dahil masipag na empleyado si Jan." pagtatanggol naman ni Miguel. "Pero sisirain niya ang magandang imahe mo. Ang magandang imahe ng ating pamilya!" wika pa ni Hector. "Walang sinisira si Jan. Sinisira lamang ni Helena ang isip ninyo tungkol kay Jan!" sagot pa ni Miguel. "Bakit mo ba pinagtatanggol yang sekretarya mo, Miguel?!" galit na tanong ni Hector. "Don't tell me na may namamagitan na sa inyo?!" wika pa ni Hector. "Huwag mong sasabihin sa akin na nagiging bakla ka na rin tulad ng sekretarya mo!" galit na sabi ni Hector. Huminga ng malalim si Miguel at lumapit sa kanyang papa. "Wala kaming relasyon ni Jan. Alam kong magkaibigan lang kami ni Jan. At gusto ko lang rin malaman ninyo na isang mabuting kaibigan si Jan. Kung papipiliin ninyo ako kina Helena at Jan, mas pipiliin ko pa si Jan sa kanya dahil mas gugustuhin ko pang tawagin akong bakla at sumama sa isang mabuting tao tulad ni Jan kaysa tawaging isang tunay na lalake at pakisamahan at isang manloloko at manggagamit na babae!" sabi ni Miguel. Kinuha rin nito ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at iniabot sa kanyang papa. "Baka gusto ninyong madinig ang mga sinabi ng babaeng mas pinaniniwalaan ninyo." dagdag pa ni Miguel sabay abot ang cellphone nito. Pagkatapos niyon ay mabilis na tumakbo palabas si Miguel at sinubukang habulin si Jan. "Miguel! Miguel!" tawag ni Hector sa kanyang anak ngunit hindi siya nito pinansin at patuloy pa rin sa pagtakbo palabas ng condo unit.
Paglabas ni Miguel ay tumingin ito sa paligid at hinanap si Jan. Nang makitang wala ito ay mabilis itong nagtungo sa elevator lobby at bumaba sa may reception area. "May nakita ba kayong bading na mahaba ang buhok na dumaan dito." tanong ni Miguel sa receptionist. "I'm sorry, Sir, hindi po namin napansin." sagot sa kanyang ng receptionist. Lumabas si Miguel ng gusali at tumingin sa paligid para kay Jan. "Hindi ko hahayaang masaktan ka ulit dahil sa akin, Jan." wika ni Miguel sa kanyang sarili. Naalala nito ang waiting shed malapit sa gusali. Mabilis na tumakbo at nagtungo si Miguel sa nasabing waiting shed at nakita si Jan na naghihintay ng masasakyan. "Jan!" tawag niya dito. Napatingin naman bigla sa kanya si Jan. Nang makita siya nito ay mabilis itong lumapit sa kanya. "Anong ginagawa ninyo dito, Sir Miguel?" tanong ni Jan sa kanya. "Gusto ko lang siguraduhin na ok ka lang." sagot ni Miguel. "Ok lang po ako, Sir Miguel." sagot sa kanya ni Jan. "Sinabi ko sa sarili ko na hindi na kita hahayaang masaktan dahil sa akin." sabi pa ni Miguel. "Masaya na po ako na makita na sinigurado ninyong ok lang ako." wika naman ni Jan. "Good to hear." sabi ni Miguel. "Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong hindi ka matatanggal sa kumpanya!" dagdag pa ni Miguel. "Maraming pong salamat, Sir Miguel." nakangiting sagot ni Jan sa kanyang boss.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...