Si Jan ay abala sa kanyang madalas gawin sa kanyang desk. Napansin nitong may isang magandang babae ang palapit sa kanya. "Good morning! How may I help you?" bati ng Jan sa babae. "Is Miguel De Dios at his office right now?" tanong ng baba sa kanya. "Yes, ma'm. Do you have an appointment with Sir Miguel?" wika naman ni Jan. "No. But can you tell him that I'm here, my name is Helena Marfori." sabi naman sa kanya ng babae. "Ok ma'm. Please take your seat first." sabi naman ni Jan at pagkatapos ay kinuha nito ang kanyang telepono upang tawagan si Miguel. "Sir Miguel? Ms. Helena Marfori is here right now." sabi ni Jan kay Miguel. "What? You may let her enter my office right away!" utos ni Miguel. Pagkababa ng telepono ay sinabihan niya agad ang babae na pumasok ng opisina. Ilang minuto pa lang ang babae sa loob ng opisina ay lumabas agad ito kasama si Miguel. "Jan, cancel all my appointments today. I just need to attend some important matter today." sabi ni Miguel kay Jan at mabilis na umalis kasama ang babae. Nagsend naman agad ng e-mail si Jan sa mga attendees ng meeting ni Miguel para sa araw na iyon para sabihan na cancel ang meeting. Nabasa ni Leonard ang e-mail ni Jan kaya nagtungo ito sa area niya. "Bakit na-cancel ang meeting?" tanong ni Leonard kay Jan. "May pumunta kasing babae dito, ayun umalis na sila at pina-cancel lahat ng appointment niya ngayon." sagot ni Jan. "Sino yung babae?" tanong ulit ni Leonard. "Helena Marfori?" sagot ni Jan. "What?! Helena came back?" gulat na tanong ni Leonard. "Pareho kayo ng reaksyon ni Sir Miguel nang madinig ninyo ang pangalan ng babae." wika ni Jan. "Sino ba siya?" tanong pa niya. "Siya lang naman ang ang childhood sweetheart ni Miguel. Naudlot lang ang kanilang romance dahil nagdesisyon itong si Helena na magpunta ng Paris upang mag-aral." sagot ni Leonard. Nakaramdam ng lungkot si Jan nang madinig ang sagot ni Leonard. "Kaya pala ganon na lang kung ipa-cancel ni Sir Miguel ang mga appointment niya ngayon." malungkot na tugon ni Jan. "Hindi ko siya masisisi. Si Helena ang first love niya. Matagal na niyang hinihintay yang si Helena." sabi naman ni Leonard. Mahahalata sa mukha ni Jan ang kalungkutan at nakita agad ito ni Leonard. "Bakit parang malungkot ka diyan?" tanong ni Leonard. "Hindi naman ah!" sagot ni Jan at pilit ikinubli ang nararamdamang lungkot. "Nagseselos ka noh?" biro pa ni Leonard. "Bakit naman ako magseselos?" sabi pa ni Jan. "Dahil kasama ni Miguel ngayon ang kanyang childhood sweetheart!" sagot naman ni Leonard. "Hindi ako nagseselos at wala akong karapatang magselos!" sagot pa ni Jan at sumimangot na ito. Natawa na lamang si Leonard sa naging reaksyon ni Jan. "Hindi ka nagseselos niyan ah?" biro pa ni Leonard. "Hindi nga!" sagot pa ni Jan at kulang na lang ay umusok na ang ilong nito. "Sige na nga. Babalik na nga ako sa opisina ko at baka sa akin mo pa maibuntong ang galit mo dahil sa selos!" biro pa ni Leonard. "Sir Leonard!" wika pa ni Jan. Si Leonard ay nagbalik agad sa kanyang opisina nang makasalubong nito sina Charm at Joy papunta sa area ni Jan. "Good morning, Sir Leonard!" bati ng dalawang babae. "Good morning!" sagot ni Leonard. "Pupuntahan ninyo ba si Jan?" tanong naman ni Leonard. ""Yes po!" sagot ni Joy. "Naku, huwag muna kayong magpunta doon dahil mainit ang ulo niya." wika naman ni Leonard. "Anong nangyari?" tanong naman ni Charm. "Dumating kasi yung childhood sweetheart ni Miguel." sagot naman ni Leonard. "Ah ok!" sagot naman ni Joy. Nagkatinginan na lamang sila at nagkaintindihan kung anong ibig nilang sabihin sa isa't-isa tungkol kay Jan. Si Jan naman ay tinuloy na lamang ang kanyang ginagawa at makikita pa rin dito ang pagka-irita. "Bakit ba ako magseselos eh wala naman namamagitan sa amin ni Sir Miguel?!" sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. "At saka at least ngayon, masaya na siya dahil nagbalik na yung hinihintay niya!" sabi pa ni Jan.
Sina Miguel at Helena ay nasa condominium unit nito. Sila'y nag-usap habang nagdidinner; "What have you been doing these past few years, Miguel? I heard that you're now the popular CEO of PNYG." wika ni Helena. "Papa gave me the liberty to established PNYG." sagot ni Miguel. "Ikaw, kumusta ka na?" tanong naman ni Miguel. "After I left for Paris, I proceed with my plan to pursue my career in fashion designing." sagot ni Helena. "Kaya nagbalik ako dito since I was invited by a local brand to design their summer collection." dagdag pa nito. "Paano mo ako natiis na hindi magparamdam ng anim na taon, Helena?" tanong pa ni Miguel. "Don't you know how painful is it for me to accept that you're leaving for Paris." dagdag pa nito. "I told you, I'm willing to follow you but you never contacted me again." wika pa ulit ni Miguel. "That's why I'm here, I'm here to make up for the years I'm not with you." sagot naman ni Helena. Tumayo si Helena sa pagkakaupo at lumapit kay Miguel. "I'm here for you, Miguel. I'm all yours tonight!" sabi pa ni Helena. Idinikit ni Helena ang mga labi nito sa mga labi ni Miguel. Hindi na rin nakapagpigil si Miguel at gumanti na rin sa mga halik ni Helena. "I will make up to you with the way I know you'll love!" bulong pa ni Helena sa tenga ni Miguel. Dahan dahan na tinanggal ni Helena ang pagkakabutones ng long-sleeved polo ni Miguel. "I hope that you never replaced me with someone else?" bulong ulit ni Helena kay Miguel. "No one can replace you." sagot ni Miguel. "Prove it to me then!" bulong ni Helena. Binuhat ni Miguel si Helena patungo sa silid nito at inihiga sa malambot na kama nito. "I miss you, Miguel!" sabi pa ni Helena. "I miss you too." sagot ni Miguel. At pagkatapos niyon ay mabilis nilang hinubad ang mga natitira nilang saplot sa katawan. Naging mainit ang kanilang gabi.
Kinaumagahan, nagising si Miguel at kinapa si Helena sa tabi niya. Nakita nito si Helena na nakatayo na at nagbibihis. "Where are you going?" tanong ni Miguel kay Helena. "I have an important meeting with the clothing line I'll be working with." sagot ni Helena. "Are you available tonight?" tanong ulit ni Miguel. "I'm not sure but I'll inform you right away!" sagot ni Helena. Pagkatapos magbihis ay umalis na rin agad ito. "I love you!" wika ni Miguel. "I love you too!" sagot ni Helena at pagkatapos ay umalis na ito. Si Miguel ay nakahubad pa ring nakahiga sa kanyang kama at iniisip ang lahat ng mga nangyari kagabi. "I can't believe it. Nakuha ko na ang aking minamahal na si Helena!" sabi pa ni Miguel sa kanyang sarili. Kinuha nito ang kanyang cellphone at naisipang tawagan si Joshua. "Pare, napatawag ka?" tanong ni Joshua sa kabilang linya. "Pare, nagbalik na si Helena!" sagot ni Miguel. "So you two are dating again." wika naman ni Joshua. "Yup. Actually she just left my unit." sagot naman ni Miguel. "Wow! Ang bilis mo! Naka-first base ka na agad!" natatawang biro ni Joshua. "Mukha hindi ako ang nakauna!" sabi naman ni Miguel. "Importante pa ba yun?" wika naman ni Joshua. "Yung mga nakuha mo namang babae dati eh hindi na rin virgin, si Helena pa ba na iyong first love?" dagdag pa ni Joshua. Nang madinig ni Miguel ang salitang 'virgin' ay naalala nito si Jan. "Oh shit! Anong oras na ba?" gulat na sabi ni Miguel. "Pare, alas nuebe na!" sagot ni Joshua. "Shit! Maliligo na ako! Late na ako sa office!" sabi naman ni Miguel. "Sige, mag-ayos ka na. Huwag mong pabayaan ang kumpanya dahil nandiyan na si Helena!" sabi naman ni Joshua. Natawa na lamang si Miguel at nagpaalam na kay Joshua. Pagkatapos ay nagmadali na ito nagtungo sa banyo upang maligo.
"Good morning, Sir Miguel!" matamlay na bati ni Jan nang dumating na ang kanyang boss. "Sorry, I'm late." sagot naman ni Miguel. "Nasa table ninyo po yung mga for signature na naiwan kahapon." wika naman ni Jan. "Sige, I'll check it." sagot naman ni Miguel at pumasok na sa kanyang opisina. Pag-upo ni Miguel ay nakita nito ang mga papeles na kailangan pirmahan tulad ng sabi ni Jan. Katabi naman nito ang isang cup ng coffee na may note. "Have a great day, Sir Miguel! <3" nakasulat sa post-it na nakadikit sa cup ng coffee. Napangiti lamang si Miguel nang makita niya ito. Ngunit napansin nitong matamlay si Jan ngayong araw na ito. Lumapit ito malapit sa pintuan at sinilip si Jan. Nakita nitong abalang-abala si Jan sa pagtatrabaho. Ilang saglit pa ay nakita nitong dumating si Leonard. "Jan, gusto mo ba akong samahan doon sa bagong bukas na ramen house? Alam ko kasing mahilig kang kumain ng ramen kaya naisip kong isama ka dahil balita ko'y sikat at masarap ang mga ramen nila" tanong ni Leonard. "Tingnan ko po kapag matatapos ko lahat ng trabaho ko ngayon." matamlay na sagot ni Jan. "Bakit parang matamlay ka ngayon?" tanong ni Leonard. "Kulang lang po ako sa tulog. Hindi kasi agad ako nakatulog kagabi." sagot ni Jan. "Baka naman kasi kung anu-ano ang iniisip mo kagabi kaya hindi ka nakatulog agad." sabi naman ni Leonard. "Napagod lang po siguro ako." sagot ni Jan. Pero ang totoo ay hindi agad nakatulog si Jan kakaisip tungkol kina Miguel at Helena. "Basta, hihintayin na lang kita mamaya para siguradong makasama ka." wika naman ni Leonard. "Thank you po, Sir Leonard!" sagot ni Jan. Parang nakadama ng pagka-inis si Miguel habang sinisilip ang dalawa lalo na nang malaman aalis na naman ang dalawa mamayang gabi. Mabilis itong bumalik sa kanyang desk, kinuha nito ang telepono at tinawagan si Jan. "Jan, are you busy tonight?" tanong ni Miguel nang sagutin ni Jan ang tawag. "Hindi naman po." sagot ni Jan. "I have a favor to ask." wika naman ni Miguel. "Sure! Ano po yun?" tanong ni Jan. "Gusto ko sana ipa-pick-up sa'yo yung inorder kong PlayStation 4 sa game shop na pinagbilhan ko at dalhin yun sa condo unit ko. May importante kasi akong pupuntahan after office kaya hindi ko siya madadaanan ngayon." sabi ni Miguel. "No problem, Sir Miguel. Dadalhin ko na lang po sa inyo tonight." sagot naman ni Jan. Pagkatapos ay ibinaba na nito ang telepono. "Sir Leonard, cancel ang ramen house natin tonight dahil inutusan ako ni Sir Miguel." sabi naman ni Jan kay Leonard. "Ok. Magpunta na lang tayo doon some other time." sagot naman ni Leonard. Mabilis na nagtungo naman si Miguel at sinilip ang dalawa sa labas. "Babalik na ako sa opisina ko." sabi pa ni Leonard. "Sige po, Sir Leonard." wika naman ni Jan. Napangiti naman si Miguel habang sinisilip ang dalawa. "Ayan! Napa-cancel ko ang date ninyo tonight!" sabi pa ni Miguel sa kanyang sarili. Nagbalik si Miguel sa kanyang desk upang basahin lahat ng dokumentong kailangan niyang pirmahan. Nakita ulit nito ang kapeng inihanda sa kanya ni Jan. Kinuha at tinupi ni Miguel ang note at itinabi sa kanyang bulsa.
BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...