Chapter 3

15.8K 442 6
                                    

"Oh, mukhang maganda ang gising mo ngayon ah?!" bungad ni Lola Adelina nang makita ang apo pababa ng kanyang silid. "First day ko po ngayon sa trabaho!" sagot naman ni Jan. "Abay magaling apo! Kumain ka na diyan at nakapagluto na ako ng agahan." tugon naman nito sa kanya. "Salamat lola!" sagot naman ni Jan at mabilis na nagtungo sa kusina upang kumain. "Ito na! Haharapin ko lahat ng challenges para lang mag-stay sa PNYG!" sabi ni Jan sa kanyang sarili habang kumakain. Nang mapatingin ito sa wall clock at mabilis na kumilos ito. "Naku, kailangan ko nang maligo dahil hindi naman maaring ma-late ako sa first day ko!" sabi ni Jan at dali-daling tumakbo sa banyo upang maligo.

Pagdating ni Jan sa gusali ng PNYG, nagtungo agad ito sa opisina ni Paloma upang mag-report para sa kanyang unang araw. "Oh, you're here already, Jan! Good morning!" bungad na bati ni Paloma nang makita itong pumasok sa kanyang opisina. "Good morning, Ms. Paloma! Ang aga ninyo po today ah?!" wika naman ni Jan. "Yes! Marami kasi akong tatapusin bago ako mag-leave next week." sagot naman ni Paloma. Ngumiti lamang si Jan bilang tugon sa sinabi ni Paloma. "I guess, alam mo na kung saan ang workstation mo. Doon sa desk sa labas ng opisina ni Miguel. Napaayos ko na iyon last Friday. Nicole called me na kukunin niya today ang mga naiwan niyang gamit. Pinalagay ko na lamang sa isang box sa ilalim ng desk so just in case na dumating siya, ibigay mo na lamang yung box." mahabang wika ni Paloma. "At ito rin ang schedule ni Miguel today. Ito ang mga tatapusin mong reports. Basahin mo na lamang lahat yan. I know you can do this." dagdag pa ni Paloma habang inaabot lahat ng files na gagamitin at aayusin niya. "Go ahead! You can now go to your desk. Good luck on your first day!" nakangiting sabi ni Paloma kay Jan. "Thank you again, Ms. Paloma!" sagot ni Jan at siya'y nagtungo na sa kanyang desk.

Pagdating ni Jan sa kanyang desk ay inilabas agad nito ang kanyang mga gamit. Nilapag niya sa ibabaw ng kanyang desk ang mga picture frame na may picture ng kanyang mga crush na character sa isang videogame. "Good morning!" bati nito sa picture. Habang nag-aayos ay napansin nito ang box sa gilid ng desk. "Ay! Ito siguro yung gamit ng dating secretary ni Sir Miguel." wika ni Jan sa kanyang sarili. At habang patuloy na nag-aayos ng kanyang desk ay may dalawang babaeng lumapit sa kanyang desk. "Good morning!" bati ng dalawang babae kay Jan. "Good morning, ma'm!" mainit na tugon nito. "Ako pala si Charm at ito naman si Joy." pakilala ng isang babae. "Nice meeting you, ako naman si Jan."tugon nito sa kanila. "Diyan lang kami sa kabilang department, Marketing department." sabi naman ni Joy. "Naku, basta kapag kailangan mo ng kausap, lapitan mo lang kami doon sa aming desk ah. Baka kasi malungkot ka diyan kasi ikaw lang mag-isa sa area na ito." sabi ni Charm. "Syempre, eh sa loob naman kasi ng opisina niyan eh ang presidente lang naman ng kumpanya." wika ni Joi. "Hindi namin kasi masyadong nakakausap yung pinalitan mo dito kasi mataray kasi yun!" dagdag naman ni Charm. At hindi nagtagal ay biglang may pumasok na babae sa area. "I'm here to get my things!" wika ng dumating na babae. "Oh, Nicole, you're here!" medyo mataray na sabi ni Joy. "Ms. Nicole, ito na po yung mga gamit ninyo." sabi naman ni Jan habang kinukuha ang box mula sa gilid ng kanyang desk. "So, ikaw pala ang replacement ko. Good luck!" sambit naman ni Nicole, sabay kuha ng box at mabilis na umalis. "Good luck, good luck pa ang bruha!" Tse!" mataray na sabi ni Charm. "Maganda at sexy naman pala ang dating secretary ni Sir Miguel, kaya pala!" sabi ni Jan. "Kaya pala ano?!" tanong naman ni Joy. "Ay! Wala!" mabilis na sagot ni Jan. "Hay naku noh! May tsismis nga dito na parang may namamagitan sa kanila ni Sir Miguel." sabi ni Charm. "Eh feeling naman ng maarteng Nicole na yan eh papatusin siya ni Sir Miguel. Ilusyonada ang bruha!" mataray na pahayag naman ni Joy. "Kayo talaga!" nakatawa namang sabi ni Jan. "Naku! Mukhang magkakasundo tayo!" nakangiti namang sabi ni Charm. Ngunit natigil ang kanilang tawanan nang dumating na si Miguel sa opisina. "Good morning, Sir!" bati ng tatlo sa gwapong boss nila. Ngumiti lamang si Miguel bilang tugon. "Mr. Navre?!" sabi ni Miguel kay Jan. "Sir, Jan na lang po!" sagot naman niya. "Ok. Jan. May meeting tayo mamaya with the Creative Team so please be ready!" wika naman ni Miguel. "Ok. Sir." nakangiting sagot ni Jan. Pagkatapos niyon ay pumasok na si Miguel sa loob ng kanyang opisina. "Oh sige, babalik na kami sa area namin baka mapansin ni boss na wala kami doon!" wika ni Charm. "Boss?" tanong ni Jan. "Oo, si Ms. Ann Therese, ang department head ng Marketing. Mabait naman siya kaso mahigpit yun, pagdating sa trabaho!" wika naman ni Joi. "Tama naman iyon!" sagot ni Jan. "Oh sige na! Sabay ka na sa amin mag-lunch, Jan!" sabi naman ni Charm kay Jan. "Sure!" masayang sagot ni Jan sa dalawang babae at nagsimula na silang magtrabaho.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon