"Good afternoon, Sir Miguel!" bati ng sekretarya ng Papa niya sa kanya. "The quarterly meeting was cancelled since your brother has an important appointment given by Sir Hector." dagdag pa ng sekretarya. "Oh?!" maiksing sagot ni Miguel. "But Sir Hector wanted to talk to you. He advised me to inform him once you arrived." sabi naman ng sekretarya. "Let me just inform him that you're here." dagdag pa ulit ng sekretarya sabay kuha sa kanyang telepono upang tawagan ang kanyang boss. "Good afternoon, Sir. Sir Miguel is here already." wika ng sekretarya sa telepono. "You may let him enter my office now." tugon naman ni Hector sa kabilang linya. "Ok. Sir. I'll inform him right away." sagot ng sekretarya. "Sir, you may now go to his office." nakangiting sabi naman ng sekretarya kay Miguel nang ibaba na nito ang telepono. "Thank you!" sagot ni Miguel at nagtungo na ito sa opisina ng kanyang Papa.
"Nice to see you, Miguel." bati ni Hector sa kanyang bunsong anak nang makitang pumasok ito sa kanyang opisina. "Pa!" maikling sagot ni Miguel. "Take your seat, Miguel. Gusto kita kausapin about sa PNYG." sabi naman ni Hector. "What about it, Pa?" tanong ni Miguel. "I saw na annual report sa huling board meeting. Mukhang hindi maganda ang stand ng PNYG. Sa lahat ng kumpayang hawak natin, ang PNYG ang mayroon, uhm, sabihin natin na nasa hindi magandang katayuan." wika ni Hector. "I'm aware of that." sagot ni Miguel. "Kaya mo pa ba, Miguel?" tanong naman ng kanyang Papa sa kanya. "I'm doing my best!" maikling sagot nito. "But you're best is not good enough!" wika naman ni Hector. "Gusto mo bang patulungan na kita kay Ark?" tanong naman ni Hector. "Pa, kaya ko ito! At saka ito ang chance ko na mapatunayan ko na kaya ko rin gawin ang mga ginagawa ni Kuya Ark!" sabi ni Miguel. "Pero hindi biro ito, Miguel. Kumpanya natin ang nakasalalay dito!" sabi pa ni Hector. "Yan ang mahirap sa inyo, Pa! Wala kayong tiwala sa akin. Lagi na lang si Kuya Ark ang magaling. Si Kuya Ark ang bida sa inyo. Bakit hindi ko gayahin si Kuya Ark." pagmamaktol ni Miguel. "I'm not comparing, Miguel. Gusto ko lang na baka gustuhin mo ang tulong ng iyong kapatid. In the first place, magkapatid kayo!" sabi naman ni Hector. "Let me do this, ok?!" sabat agad ni Miguel. "Ok. Do something within this year. Pero kapag ganito pa rin, I'm sorry Miguel but expect the worst thing that I can do." banta naman ni Hector sa kanyang anak. Umismid na lamang si Miguel at pagkatapos ay dali-daling kinuha ang mga gamit at lumabas palabas ng opisina ng kanyang Papa. "Miguel!" tawag ni Hector ngunit hindi ito pinansin ni Miguel at patuloy na lumabas ng opisina.
Dere-derechong bumaba si Miguel sa parking lot ng gusali at sumakay sa kanyang Toyota Fortuner. Kinuha nito ang cellphone at sinubukang tawagan si Joshua. "What's up, Miguel?" sagot ni Joshua sa tawag ni Miguel. "Pare, wanna go to the bar tonight?" tanong ni Miguel. "Pare, you forgot, nandito ako ngayon sa Boracay. What happened at gusto mong uminom ngayon?" sabi ni Joshua sa kabilang linya. "Wala lang, Gusto ko lang uminom." sagot naman ni Miguel. "Kilala kita, pare. Nagyayaya kang uminom kapag may nangyari." sabi naman ni Joshua. "Wala nga lang." tugon ni Miguel. "Pagbalik ko na lang diyan sa Manila, inom agad tayo!" paanyaya ni Joshua sa kaibigan. "Sige. Pagbalik mo." malungkot na tugon naman ni Miguel. Pagbaba ni Joshua ng telepono, hindi nito naiwasang mag-alala para sa kaibigan. Naisip nitong maaring tumuloy pa rin itong uminom sa bar na lagi nilang pinupuntahan. Naisip nitong tawagan si Paloma kung tignan ang lagay ni Miguel. "Ms. Paloma, I'm sorry to bother you kaso ikaw lang naisip kong tawagan. Nag-aalala kasi ako kay Miguel. Tumawag siya kanina lamang at nagyayayang uminom. Nandito ako ngayon sa Boracay kaya hindi ko siya masamahan. Ang inaalala ko ay baka uminom yun mag-isa. Kilala mo naman yun kapag nalalasing." sabi ni Joshua habang kausap ni si Paloma. "Naku! Wala rin ako sa Manila ngayon. But don't worry, let me handle this. I think I know someone who could help us with Miguel." tugon naman ni Paloma. "Great! Thanks Ms. Paloma." sabi ni Joshua. "You're welcome!" sagot nito at saka binaba ang tawag upang tawagan si Jan.
"Nakakainis na itong larong ito!" sigaw ni Jan habang naglalaro ng kanyang lumang PlayStation 1. Nagulat ito nang makitang may tumatawag sa kanyang cellphone. "Bakit tumatawag si Ms. Paloma?" tanong ni Jan sa kanyang sarili. Tumingin ito sa oras ang nakitang halos mag alas diyes na ng gabi. "May nakalimutan ba akong bilin ni Ms. Paloma?" nag-aalalang sabi ni Jan sa kanyang sarili. "Good evening, Ms. Paloma! What can I do for you?" tanong ni Jan nang sagutin nito ang kanyang cellphone. "Good evening, Jan! Sorry to bother you during this time. Alam kong sobrang late na kaso ikaw lang ang maaasahan ko sa bagay na ito." sabi ni Paloma sa kabilang linya. "No problem, Ms. Paloma. Kahit ano po gagawin ko." sagot naman ni Jan. "Maari mo bang puntahan si Miguel sa bar na ito at tignan ang lagay niya?" sabi naman ni Paloma. "Wala pong problema!" mabilis na sagot ni Jan. "Uhm, Jan. Kung sa tingin mong nakakarami na siya nang inom, maaari mo ba siyang pilitin na umuwi na agad?" dagdag pa ni Paloma. "I will do my best!" sagot naman ni Jan. "Alam kong hindi ako nagkamali na ikaw ang tinawagan ko, thank you, Jan!" masayang tugon ni Paloma. "You're most welcome!" sagot naman ni Jan. Pagkababa ng tawag ay napaisip si Jan. "Ano naman kaya ang ginagawa ni Sir Miguel doon? Oh well!" sabi ni Jan sa kanyang sarili at mabilis na nagbihis at nag-ayos upang puntahan ang kanyang boss.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...