Chapter 10

14.5K 376 8
                                    

Dumating ang araw ng outing ng Creative team. Maaga nagpunta si Jan sa opisina dahil ayaw nitong mahuli dahil kung tutuusin ay 'sabit' lamang siya sa nasabing outing. "Si Miguel na lang ang hinihintay natin." sabi ni Leonard sa kanya nang makita siya nito. "Ok po." sagot ni Jan at nagtungo muna sa kanyang desk upang tignan kung may pwede siyang gawin habang hinihintay si Miguel. Ngunit ilang saglit pa ay dumating na si Miguel. "Sorry for coming late." wika ni Miguel nang makita si Leonard. "It's ok. Sakto ka lang naman." sagot naman ni Leonard. "But Miguel, I have a favor to ask." dagdag pa ni Leonard. "Sure! What is it?" tanong naman ni Miguel. "Hindi ko kasi na-estimate ng tama yung sasakyan. Puno na kasi kami dun sa bus. Ok lang ba na isabay mo na lang si Jan sa sasakyan mo?" sabi ni Leonard. "Ha?!" gulat na nasambit ni Jan at namutla sa nadinig. "Sure! No problem!" mabilis na sagot naman ni Miguel. "Sir Leonard, pwede naman akong sumiksik sa bus. Kung tutuusin eh sabit lang naman ako!" wika naman ni Jan. "Long trip ito, Jan. Mas ok na kumportable ang sasakyan mo dahil baka sa biyahe pa lang ay mapagod ka na." sagot naman ni Leonard. "Parang ayaw mo yata akong kasabay, Jan?" biro naman ni Miguel. "Ay hindi naman po. Nahihiya lang po akong sumabay sa inyo." matapat naman na sagot ni Jan. "Ok nga yun at least may makakasama ako sa sasakyan. Hindi naman kasi nakikipagkwentuhan si Mateo sa akin sa biyahe." sabi naman ni Miguel at tinutukoy nito ang personal driver niyang si Mateo. Napatungo na lamang si Jan bilang pang-sang-ayon dito. "Tara na! Baka maabutan pa tayo ng trapik!" paanyaya naman ni Leonard. "Ok. Kita na lang tayo sa resort." sagot naman ni Miguel. Sumunod na lamang si Jan sa kanyang boss patungo sa kanyang sasakyan. Sila ay nakatakdang mag-outing sa isang beach resort sa Sagada sa norte. "Bakit ba kasi nasabit pa ako dito." wika ni Jan sa kanyang sarili. Nag-aalala kasi ito dahil wala naman siyang ka-close sa Creative team maliban kay Leonard. At makakasama niya pa sa sasakyan ang boss niya buong biyahe. Inaasahan niyang mahigit anim na oras ang biyahe kaya baka mapanis lang ang laway niya. Ngunit kahit paano ay may konteng saya siyang nararamdaman sa kanyang puso dahil makakasama niya nga ang kanyang ultimate crush na si Miguel. "Dapat maging mahinhin ka buong biyahe, Jan." sabi niya sa kanyang sarili. Pagdating nila sa sasakyan ay sumakay agad sila ang bumiyahe. Umupo si Miguel sa passenger's seat at si Jan naman sa likod. Pagsakay niya agad ay kinabit agad nito ang kanyang earphone upang umiwas sa usapan na maaring maganap sa loob ng sasakyan. Nahihiya pa rin si Jan kahit paano sa kanyang boss. Ngunit nakikiramdam pa rin siya dahil baka tanungin rin siya tungkol sa trabaho. Nag-stop over muna sila sa isang gasoline station sa NLEX. Nagpaalam si Jan na gagamit muna ng banyo. Pumayag naman si Miguel at sinabing hihintayin na lamang siya sa may parking lot. Pagbalik nito ay sumakay agad ito at kinabit ulit ang earphone sa kanyang tainga. At habang sa biyahe ay hindi na rin napigilan ni Jan ang makatulog sa biyahe.

"Jan, gising na, nandito na tayo." sabi ni Miguel habang tinatapik ang balikat nito. Kinusot ni Jan ang kanyang mata at napakamot pa ng kanyang ulo. Nagulat ito nang malaman niyang nakarating na sila sa pupuntahan nila. "Nandito na tayo?!" gulat na tanong nito. "Oo, sarap kasi ng tulog mo diyan kaya hindi mo namalayan." sabi naman ni Miguel. "May maitutulong po ba ako, Sir Miguel?" tanong naman ni Jan. "Huwag kang mag-alala, may mga mag-aasikaso na ng lahat. Mag-relax ka na lang diyan." sabi naman ni Miguel. "Pero kaya nga po ako sumama dahil baka kailangan ninyo pa rin ako bilang assistant ninyo." sagot ni Jan. "Don't mind me. Nandito tayo para mag-relax at hindi para magtrabaho." sabi ni Miguel sa kanya. "Thank you po!" sagot na lamang ni Jan. "Huwag ka rin mag-alala, meron kang sarili mong cottage." dagdag pa ni Miguel. "Talaga po?" Thank you po!" sabi pa ni Jan. "Sige, mag-ayos ka na. Doon yung cottage mo." sabi ni Miguel at tinuro ang tinutukoy na cottage. "Eh saan po kayo?" tanong naman ni Jan. "Bakit? Gusto mo ba magkasama tayo?" biro ni Miguel. "Tinanong ko lang po dahil baka kapag kailangan ninyo ako ay madali ko po kayong mapupuntahan!" sagot naman ni Jan. Tumawa lamang si Miguel. "Sige po. Pupunta na po ako ng cottage." sabi naman ni Jan at binitbit ang gamit nito. Pagpasok naman niya sa cottage ay nagpalit agad ito ng damit ngunit hindi na ito lumabas. Kinuha nito ang kanyang cellphone at nagpadala ng text message kay Miguel. "Dito lamang po ako sa cottage ko. Sabihan ninyo lamang po ako kung may kailangan po kayo." sabi ni Jan sa kanyang text message. Pagkatapos ay inilabas nito ang kanyang handheld gaming console at naglaro. Ilang saglit pa ay may kumatok sa kanyang pintuan. Pinagbuksan niya ito at nakitang si Leonard ang kumakatok sa pintuan. "Yes po, Sir Leonard?" tanong nito sa kanya. "Sinama kita dito para mag-enjoy at hindi para magkulong diyan." sabi naman ni Leonard sa kanya. "Nakakahiya naman po kasi. Ako lang po ang hindi parte ng team." sabi naman ni Jan. "Nandoon naman ako." sabi ni Leonard. "At saka nandoon din si Miguel mo!" dagdag na biro pa nito. "Ayan na naman tayo, Sir Leonard!" naasar na sabi ni Jan. "Biro lang!" sabi naman ni Leonard. "Pero halika na! May hinanda kaming palaro at kasama ka sa listahan kaya huwag kang killjoy!" dagdag pa ni Leonard. "Bakit sinama ninyo pa ako?! Nakakahiya!" sabi pa ni Jan. "Mas nakakahiya kung hindi ka makikisali sa team!" sabi naman ni Leonard. Wala rin nagawa si Jan kung hindi sumama. Naisip nitong baka isipin ng mga kasama ay pa-importante ito. Nagtungo ang dalawa sa isang malaking hall kung nasaan ang lahat ng mga kasama. Hindi nakakawala sa mga mata ni Jan si Miguel. Nakita nito sa Miguel na nakasando at naka-shorts lamang. Tinitigan nito si Miguel. "Ang gwapo talaga ni Sir Miguel!" sabi ni Jan sa kanyang sarili. Tinitigan nito ang malapad nitong balikat, ang buffed na braso't dibdib na sa tingin niya ay saktong lamang para sa kanya. Biglang napatingin si Miguel kung nasaan si Jan kaya nahuli tinititigan siya nito. Nabigla si Jan kaya mabilis na lumingon sa ibang direksyon si Jan. Napangit lamang si Miguel nang mahuli nitong nakatitig sa kanya si Jan. "Pasensya na at sinundo ko pa ang prinsesa natin!" biro ni Leonard sa buong grupo. Nagtawanan naman lahat sila. Aware ang buong Creative team na naging malapit na magkaibigan sina Leonard at Jan. Ngunit hindi pa rin maiiwasan na mag-isip ng hindi maganda ang iba tungkol kung anong meron sa dalawa. Alam ito ni Leonard ngunit hindi na lamang niya ito pinapansin. "So guys, w'ere here to enjoy the moment. Pero may hinanda kaming program para sa inyo lahat." dagdag pa ni Leonard at tinawag ang isang miyembro ng team na si Ciprina. "Ciprina, lumapit ka dito at sabihin sa kanila ang mga activities natin today." dagdag pa ni Leonard. Pumunta naman si Ciprina sa harap. "Inatasan ako ni Sir Leonard na gumawa ng mga palaro. Lahat tayo ay kasali rito ngunit ang mga games natin ay by pair." sabi ni Ciprina. "Kaya gumawa ako ng mga list ng names dito at bubunutin ko kung sino ang magiging magkapareha." dagdag pa ni Leonard. Kinuha na Ciprina ang palabunutan para kay Leonard. Tinawag ni Leonard ang mga pangalan ng mga magkakapareha hanggang sa matawag ang pangalan ni Jan. "Ang makakapareha ni Jan ay si Ana!" sabi naman ni Leonard. "Aba! Ciprina, ang makakapareha mo ay si Miguel!" sabi naman ni Leonard kay Ciprina. "Wow! Ang swerte ko naman!" masayang sabi naman ni Ciprina. Lumapit si Miguel kay Ciprina. Nakadama ng disappointment si Jan dahil umasa itong makakapareha niya si Miguel. "Tinulugan mo nga lang sa biyahe tapos ngayon umaasa kang makakapareha mo!" sabi ni Jan sa kanyang sarili. "Ano ba ang unang game natin, Ciprina?" tanong ni Leonard dito. " Race lang naman. Paunahan lang sa paglangoy doon sa olympic pool." sagot naman niya. Namutla naman si Jan nang malaman ang game. "Ana, hindi ako marunong lumangoy." sabi ni Jan sa kapareha niyang si Ana. "It's ok. I have no plans to swim rin naman dahil baka masira ang make-up ko." sagot naman ni Ana sa kanya. Tinawag naman ni Jan ang atensyon ni Leonard. "Sir Leonard, pass po kami ni Ana dahil hindi po ako marunong lumangoy." sabi nito sa kanya. Natawa bigla si Leonard sa nalaman mula kay Jan. "Hayaan mo, Jan. Bibigyan kita ng swimming lessons." sabi pa nito sa kanya. Sumimangot lamang si Jan bilang pang-aasar nito kay Leonard. Tumingin naman si Miguel kay Jan at lihim na natawa. "Hindi ka pala marunong lumangoy, Jan." sabi ni Miguel sa kanyang sarili.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon