Masayang-masayang naglalaro sina Miguel at Jan ng PlayStation sa condo unit ng nauna. "Ang daya mo! Puro ganon lang lagi yung moveset mo eh!" napipikon na sabi ni Jan nang matalo siya ni Miguel sa paglalaro ng Tekken. "Eh lumalaban lang naman ako ah!" natatawang sagot ni Miguel. "Ibang character naman ang piliin mo!" sabi pa ni Jan at halata na dito ang pagkapikon. Natatawa lang si Miguel sa reaksyon ni Jan. "Ayaw ko nga! Ang galing ko na dito eh!" pang-aasar pa lalo ni Miguel. "Ang daya mo talaga!" natatawa at napipikon na sabi ni Jan. "Oo nga pala." singit ni Miguel. "Aalis pala kami ni Papa sa States kasama si Kuya Ark upang puntahan ang isang business convention doon." patuloy pa ng binata. "Kailan?" tanong ni Jan. "Next week." sagot ni Miguel. "Mga tatlong linggo din kami doon." dagdag pa nito. "Paano yung mga trabaho mo dito?" tanong pa ulit ni Jan. "Nahabilin ko na lahat kay Ms. Paloma yung mga naiwang trabaho ko." sagot ng binata. "So hindi pala kita makakasama ng tatlong linggo?" malungkot na sabi ni Jan. "Bakit? Ma-mimiss mo ba ako?" sabi ni Miguel at biglang lumapit sa tabi ni Jan. "Tinatanong pa ba yun?" sagot ni Jan. Niyakap bigla ni Miguel si Jan. "Kaya nga babawi na ako sa'yo ngayon." nakangising sabi ni Miguel. "Anong ibig mong sabihin?!" biglang sambit ni Jan at nag-blush. "Alam mo na!" makahulugang wika ni Miguel at nakangisi kay Jan. "Ay! Kung ano yang iniisip mo, parang ayaw ko niyan!" sagot ni Jan at biglang napatayo dahil nahihiya. "Nahihiya pa ito! Tayong dalawa lang naman ang nandito!" lambing ni Miguel. "Hay naku! Sir Miguel!" banat naman ni Jan at nahihiya habang pinapalo ito ng mga unan sa sofa. "Mahiyain ka pa rin talaga, Jan!" natatawa na sabi na lamang ni Miguel. "Siguro naman pagbibigyan mo ako sa isang halik?!" tanong pa nito. "Kiss lang ah?!" nahihiya na sabi ni Jan. "Oo. Walang nang iistorbo sa atin dito." wika ni Miguel. "Sige na nga." pakipot na wika ni Jan. Lumapit si Miguel kay Jan at hinawakan ang mga kamay nito. Halata kay Jan ang kaba dahil ninenerbyos pa rin ito. "Ok ka lang?" tanong ni Miguel. "Ok lang." sagot ni Jan. "Jan!" sambit ni Miguel habang hinahaplos ang mga buhok nito. Unti-unting lumalapit ang mukha ni Miguel kay Jan. Napapikit si Jan nang dumampi na ang mga labi ni Miguel sa kanyang labi. Damang-dama nito ang init ng halik ni Miguel. Hindi na rin napigilan at napahawak si Miguel sa ulo ni Jan. Napahawak na rin si Jan sa ulo ni Miguel at walang tigil ang kanilang mga labi. "Hindi pa marunong humalik itong si Jan." natatawang sambit ni Miguel sa kanyang sarili. Ngunit kahit hindi marunong si Jan ay maligayang-maligaya si Miguel sa kanilang ginagawa.
Maagang nagpunta si Jan sa condo unit ni Miguel dahil iyon ng araw ng pag-alis nito patungong Amerika kasama ang kanyang Papa at kapatid nito. Pinagluto nito si Miguel ng agahan kaya nang matapos ito ay nagtungo ito sa silid ng binata upang gisingin at yayain na kumain. Nagulat ito nang makitang naka-underwear lamang itong natulog. "Bakit nakaganyan ka lang?!" gulat na sambit ni Jan. "Good morning!" bati ni Miguel nang gisingin siya ni Jan. "Pinagluto na kita ng breakfast kaya magbihis ka na diyan." utos nito at mabilis na lumabas ng silid ni Miguel. Natatawa naman si Miguel kay Jan. "Mahiyain talaga ito." sambit ni Miguel sa kanyang sarili at pagkatapos ay nagbihis na rin ito. Pagkatapos nitong magbihis ay nagtungo na rin agad ito sa kusina upang samahan si Jan kumain. "Maupo ka na diyan. Paghahanda ko na ang pagkain mo." sabi ni Jan nang makita si Miguel. "Anong niluto mo?" tanong ni Miguel sa kanya. "Adobong manok." sagot nito. "Eh di ang aga mo palang nagpunta dito ngayon para iluto lamang yan?!" gulat na sabi ni Miguel. "Ok lang dahil tatlong linggo rin tayong hindi magkikita." sagot ni Jan. Tumayo at lumapit si Miguel kay Jan at niyakap. "Ang lambing lambing naman ng prinsesa ko." wika nito kay Jan. Nag-blush naman bigla si Jan sa sinabi nito. "Ikaw ang malambing." sabi ni Jan. "Hindi ako sanay na ganyan kayo kalambing." patuloy nito. "At saka ano na ang nangyari sa arogante at supladong si Mr. Miguel De Dios." dagdag pa ni Jan. Hinalikan bigla ni Miguel sa pisngi si Jan. "Nawala ang pagiging arogante at suplado ko nang mahalin kita, Jan." sagot ni Miguel. Lalong nag-blush si Jan sa mga sinabi ng binata. Pinaharap ni Miguel si Jan sa kanya. "I've become a better person because of you, Jan." wika pa ni Miguel. "Sir Miguel." ang nasambit na lamang ni Jan at pagkatapos ay naglapat na naman ang kanilang mga labi.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...