Saktong dumating na sina Anita at Tita Glory nang magkamalay na si Jan. "Tawagin ko lang yung nurse!" ang sabi ni Tita Glory nang makitang nagkamalay na ang kanyang pamangkin at mabilis na lumabas ng silid. "How are you, Jan?" tanong ni Anita dito. "Medyo masakit po ang ulo ko." sagot ni Jan. Napatingin si Jan kay Miguel na nakatayo sa gilid ng kanyang kama. "Sir Miguel?" ani nito. "Nandito po pala kayo?" patuloy pa niya. "Nag-alala ako nang mabalitaan ko ang nangyari kaya nagpunta agad ako dito." sagot ni Miguel. "Marami pong salamat." wika ni Jan sa binata. "Hindi mo kailangan magpasalamat dahil boyfriend mo ako. Responsibilidad ko ang kalagayan mo." wika naman ni Miguel. Napatingin naman si Anita sa kanila at napatotohanan nito ang kanyang hinalang may namamagitan kina Miguel at Jan. "Sir Miguel?" ang nasabi na lamang ni Jan dahil nag-aalala ito sapagkat nasa silid rin ang mama ni Leonard na si Anita. Hinawakan na lamang ng mahigpit ni Miguel ang kamay ni Jan bilang tugon at nagsasabing huwag na itong mag-alala.
Matapos ang ilang araw ay naunang na-discharge si Leonard sa ospital. "So maiwan na muna kita dito, Jan." ang sabi ni Leonard kay Jan. "You need to take your rest, hijo. At saka kailangan pang obserbahan ang MRI scan result mo just to make sure na walang damage sa utak mo." dagdag ni Anita. "Marami pong salamat sa tulong ninyo." sagot naman ni Jan. "Hindi mo kailangan magpasalamat. Dahil nga sa akin kaya ka nandito ngayon sa ospital. Ako dapat ang humingi ng paumanhin sa'yo." wika naman ni Leonard. "Huwag nga po kayo magsalita ng ganyan. Hindi naman natin parehong ginusto ang nangyari." ani ni Jan. "Don't worry hijo, we're making sure na malalagot ang driver ng sasakyan na bumangga sa inyo." sabat ni Anita. "Salamat po ulit!" tugon ni Jan. "Sige, dadalaw na lamang kami sa'yo Jan dito." ang wika naman ni Leonard at pagkatapos ay umalis na rin sila. Naiwan naman si Tita Glory upang bantayan ang pamangkin nito. "Jan, magtapat ka nga sa akin." paunang salita nito. "Anong meron sa inyo ni Sir Miguel?" tanong pa nito. Nagulat naman bigla si Jan sa tanong ng kanyang Tita Glory. "Anong ibig ninyo pong sabihin?" kunot noong tanong nito. "Nagdududa na ang mama ni Sir Leonard sa inyo." wika naman nito. Natahimik naman bigla si Jan at hindi alam ang isasagot sa kanyang Tita Glory. Naalala nitong nalaman na ng mama ni Leonard kung anong relasyon nila ni Miguel nang sabihin ito nang binata sa harap nito. "Hindi naman ako tutol kung may namamagitan na talaga sa inyo ni Sir Miguel." wika ni Tita Glory. "Pero pinapaalalahanan lang kita kung anong estado ninyong dalawa. Sabihin na natin na para itong telenovela sa TV pero langit siya at lupa ka." patuloy pa nito. "At ang pinaka-importante sa lahat na kailangan mong pag-isipan ay tunay na lalake si Sir Miguel at isa kang bakla." dagdag pa ni Tita Glory. "Porket bakla ba eh wala nang karapatang mahalin ng isang tunay na lalake?" tanong naman bigla ni Jan. "Hindi naman sa ganon. Pero tandaan mo na sa lipunan natin, parang kahamak-hamak ang mga ganyang relasyon. Lalo pang galing sa isang kilalang pamilya si Sir Miguel." sagot naman sa kanya nito. Napaisip naman si Jan sa mga sinabi sa kanya ng Tita Glory niya. "At saka nagdududa na rin si Ma'm Anita sa kanyang anak na si Sir Leonard. Iniisip nitong may something na rin ito para sa'yo." wika pa ni Tita Glory. "Naku Jan! Pinapaalalahanan lang kita. Tandaan mo na baka sa huli eh ikaw lang rin ang masasaktan." dagdag pa nito. Napayuko na lamang si Jan at inisip ang mga sinabi sa kanya. Ilang saglit pa ay biglang may kumatok sa pintuan. Napatingin na lamang ang dalawa nang makitang si Miguel ang nasa pintuan nang pumasok na ito sa silid. "Sir Miguel?" sambit ni Jan. "Kumusta ka na?" tanong naman nito sa kanya. "Mabuti na po ako pero anong ginagawa ninyo dito? Hindi po ba dapat eh nasa opisina kayo?" wika ni Jan. "Nagpaalam ako kay Ms. Paloma na dadaanan kita dito ngayon." sagot ni Miguel. "Pero dapat hindi ninyo pinapabayaan ang kumpanya dahil lamang sa akin." ang sabi ni Jan. "Huwag ka nang mag-isip ng ganyang bagay." sagot ni Miguel at lumapit ito sa kanya. "Sakto ang nandito si Tita Glory dahil may gusto rin akong sabihin sa inyo." sabi pa ni Miguel. Napatingin lamang si Tita Glory sa binata at hinintay ang sasabihin nito. Kinuha at hinawakan ni Miguel ang kamay ni Jan. "Gusto ko lang pong malaman ninyo na kami na po ni Jan. Hinihingi ko po sa inyo ang pahintuloy ninyo sa pakikipagrelasyon ko kay Jan." sabi pa ni Miguel. Napatingin sa gulat at nanlaki ang mga mata ni Jan sa sinabi ni Miguel. "Sigurado po ba kayo SIr Miguel sa bagay na yan?" tanong naman ni Tita Glory. "Ibig kong sabihin, paano yung pamilya ninyo? Yung posisyon ninyo sa kumpanya? Yung pangalan ninyo." patuloy pa nito at halata sa tono ng pagsasalita ang pag-aalinlangan. "At saka Sir Miguel, masyadong malayo ang agwat ng estado ng inyong buhay ni Jan. Hindi po kami lumaking mayaman tulad ninyo." dagdag pa nito. "Aaminin ko pong kumplikado ang relasyon namin ni Jan pero sinisiguro ko po sa inyong ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang solusyunan lahat ng problema ng aming relasyon." sagot ni Miguel. Hindi naman alam ni Tita Glory kung anong isasagot niya kay Miguel dahil nag-aalala pa rin ito sa kahihitnan ng relasyon nila ni Jan. Si Jan naman ay hindi makapaniwala na aamin ito sa relasyon nila kay Tita Glory. "It's too good to be true." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Napansin ni Tita Glory na malalim ang iniisip ni Jan. "Tita, ok lang po ba na mag-usap kami ni Sir Miguel?" tanong sa kanya bigla nito. Naramdaman nitong kailangan talaga mag-usap ang dalawa kaya nagpaalam na lang rin itong lalabas sandali. "Sige, kakain na lang muna ako sa labas. Mag-usap muna kayong dalawa dito." sagot ni Tita Glory at pagkatapos ay lumabas na ng silid upang hayaang makapag-usap ang dalawa.
"Bakit sinasabi mo na sa kanila ang tungkol sa ating dalawa? Paano na yung imahe mo kapag nalaman pa ng iba ang tungkol sa atin?" tanong agad ni Jan kay Miguel pagkalabas ng Tita Glory niya. "Naisip ko lang kasi na mas mabuti na rin na malaman na rin nila ang totoo." sagot naman ni Miguel. "At naisip ko na rin na siguro mas mabuti na malaman na talaga nila ang totoo tungkol sa atin. Gusto kong malaman mo na proud ako na maging boyfriend mo." dagdag pa nito. Hinawakan at hinaplos ni Miguel ang mukha ni Jan. "Jan, masaya ako maging boyfriend mo. Sana ikaw rin." sabi pa nito kay Jan. "Sir Miguel." ang nasabi na lamang ni Jan habang nakatingin sa mga mata ng binata. "Mula ngayon, paparamdam ko na sa'yo ang tunay na pagmamahal ko sa'yo, Jan." sabi pa ni Miguel. Biglang nabagabag si Jan nang maalala si Sir Leonard. "I don't think I'm worthy of your love, Sir Miguel." malungkot na sabi ni Jan at napayuko na lamang. "Why are you saying that?" tanong naman ni Miguel at hinahaplos ang mukha nito. Napaluha na lamang si Jan at hindi alam ang isasagot dito. "Jan, hindi ko alam kung anong pinagdaraanan mo ngayon pero gusto kong malaman mo na nandito lang ako lagi para sa'yo." sabi pa ni Miguel. "Patawad po, Sir Miguel. Gusto ko po sana mapag-isa ngayon." ang nasabi ni Jan. "Jan?" ani ni Miguel. "Please po, Sir Miguel." patuloy pa niya. Malungkot na nakatingin lamang si Miguel kay Jan. "Sorry po Sir Miguel, but please." pagsusumamo pa nito. "Ok. Pero gusto ko lang na malaman mo na nandito lang ako lagi Jan para sa'yo." ang nasabi na lamang ni Miguel. Mabigat man sa kanyang loob ay umalis na lamang ang binata tulad ng pakiusap ni Jan sa kanya. Paglabas ni Miguel ay nakasalubong nito si Tita Glory. "Mauna na po ako, Tita." paalam ni Miguel at umalis. "Salamat po, Sir Miguel." ang nasagot na lamang ni Tita Glory at napansin nitong malungkot ang mukha nito nang lumabas mula sa silid.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...