Si Jan ay nakahiga sa kanyang kama at malalim ang iniisip. Naalala nito ang nangyari sa kanila ni Leonard sa kanyang silid. Nakaramdam siya ng guilt dahil pakiramdam niya ay niloko niya si Miguel tungkol dito. Ngunit kahit paano pa rin ay parang masaya siya sa nangyari sa kanila ni Leonard. Lalo na nang maalala nito ang higpit ng kanyang yakap ang init ng kanyang halik. Nakaramdam ito ng init sa kanyang pisngi. “Ano ba itong nararamdaman ko?” tanong ni Jan sa kanyang sarili. “Ano ba itong nararamdaman ko para sa’yo, Sir Leonard?” tanong pa ulit nito. “Bakit ako nalilito? Bakit parang gustung-gusto ko rin ang nangyari?” patulog pa nito. Napayakap si Jan sa kanyang unan. “Sir Leonard!” sambit pa nito nang biglang pumasok sa kanyang isip si Miguel. Nakaramdam ng kirot sa puso si Jan ang maalala si Miguel. Naisip nitong porket wala si Miguel ay nakikipaghalikan na siya sa ibang lalake, at hindi lang basta kung sinong lalake. Ang lalakeng lagi nandiyan para sa kanya, si Leonard. Biglang nakadama si Jan ng pangamba. Ayaw niyang masira ang magandang pagkakaibigan nila Leonard. At naisip rin nito na gusto na ng Mama ni Leonard na si Anita na makapag-asawa at anak na ang nag-iisa na niyang anak na lalake. Naguluhan lalo si Jan dahil bakit niya naiisip ang mga ganong bagay samantalang si Miguel ang kanyang boyfriend. Si Miguel na matagal na niyang pinapangarap at minamahal. Napasabunot si Jan sa kanyang sarili dahil sa pagkalito. "Ano ba itong nangyayari sa akin?!" sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Ilang saglit pa ay tinawag siya ng kanyang Tita Glory. "Jan, nandito si Sir Leonard, hinahanap ka!" sigaw pa nito sa kanya. Napatayo bigla si Jan at kinabahan. "Nandito si Sir Leonard?!" sambit pa niya sa kanyang sarili. Mabilis na humarap ito sa salamin at tinignan ang sarili. Nakita nitong gulo-gulo ang buhok nito at lumang-luma na ang damit. "Sige po, magbibihis lang po ako!" sagot ni Jan sa kanyang tita. Naghanap agad ng maipapalit na damit si Jan at pagkatapos ay nagsuklay ng kanyang magulong buhok. Sumulyap pa ulit sa huling pagkakataon si Jan upang tignan ang sarili bago lumabas sa kanyang silid at harapin si Leonard. Tumibok ng mabilis ang puso ni Jan nang makita niya si Leonard sa kanilang sala. Kahit naka-simpleng T-shirt lamang ito at maong ay ang tikas tikas pa rin nito. "Hindi mo talaga maikakaila na gwapo rin talaga si Sir Leonard." sabi ni Jan sa kanyang sarili. Tumayo sa pagkaka-upo si Leonard nang makitang lumabas na ng kanyang silid si Jan. "Napadaan po kayo, Sir Leonard?" tanong ni Jan sa binata. "Tatawagan sana kita ngunit dahil malapit na rin naman ako dito, napagdesisyunan ko nang daanan ka upang yayain kumain sa labas." sagot ni Leonard sa kanya. Tumibok ulit ng mabilis ang kanyang puso. "Sir Leonard, lalo ninyong pinagugulo ang isip ko." sambit ni Jan sa kanyang sarili. "Pwede ka ba?" tanong ni Leonard sa kanya. "Ay! Sige po!" walang pag-aalinlangang sagot nito. "Ok lang po ba na maligo muna ako?" tanong pa ni Jan. "Sige, hihintayin na lang kita dito." sagot ni Leonard. Mabilis na bumalik si Jan sa kanyang silid upang maligo. Habang naliligo ay naisip ulit ni Jan si Leonard. "Bakit ba umoo agad ako sa paanyaya ni Sir Leonard?" sambit ni Jan sa kanyang sarili. "Si Sir Miguel ang boyfriend mo, Jan!" paalala nito sa kanyang sarili. Pagkatapos maligo ay nakita nito ang make-up na binigay sa kanya ng pinsang niyang si Che noong Pasko. Bigla nitong naisipang maglagay kahit eye liner sa kanyang mga mata na hindi niya madalas gawin dahil nga hindi niya hilig ang mag-make up. Ginaya niya ang video na napanood niya sa internet kung paano maglagay ng eye liner sa talukap ng kanyang mga mata. Nang mailagay niya ay nagustuhan niya ang naging resulta ng paglalagay ng eye liner. Binuksan nito ang kanyang cabinet at pinili ang pinakamaganda niyang damit. Bigla itong napaisip. "Ano ba itong ginagawa ko?" tanong ni Jan sa kanyang sarili. "Bakit ba ako naco-conscious ngayon sa itsura ko sa harap ni Sir Leonard?" tanong pa niya. Nang makapagbihis na ay lumabas na siya ng kanyang silid upang puntahan si Leonard. Nagulat naman si Leonard nang lumabas si Jan sa kanyang sarili dahil hindi niya ito nakilala. "Wow! Ang ganda mo ah?!" bati ng binata dito. "Hindi naman! Sinubukan ko lang yung binigay sa akin ni Che." sagot ni Jan. "Hindi ba malaswa?" tanong pa nito. "Ok lang." sagot ni Leonard. "Promise ah?!" tanong pa ulit ni Jan. "Oo nga!" sagot ni Leonard. "Tara na!" yaya ni Jan at pagkatapos ay lumabas na sila at nagpaalam kay Tita Glory.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...