"Come in!" wika ni Miguel nang madinig nitong kumakatok si Jan sa kanyang opisina. "Ito na po yung kailangan ninyong report." sabi ni Jan kay Miguel nang pumasok ito at iniabot ang mga nasabing dokumento. "Kumusta naman yung feedback na binigay ni Ann Therese?" tanong naman ni Miguel. "Ok na po. Sinend ko na po sa inyong e-mail yung result." sagot ni Jan. "Kumusta ka na?" tanong pa ni Miguel. "Ok naman po." maiksing sagot ni Jan. "Gusto mong maglaro ng PlayStation 4?" tanong pa ulit ni Miguel. "Hindi na po. Busy po kasi ako." sagot pa ni Jan. "Kung gusto mo, hiramin mo na lang yung PS4 ko." sabi pa ni Miguel. "Thank you na lang po. Baka masira ko pa yun. Wala po akong pambayad." sagot pa ni Jan. "Bakit parang ang suplada mo na akin nitong mga nagdaang araw?" tanong pa ni Miguel. "Wala naman pong nagbago. Boss ko po kayo, sekretarya ninyo ako." sagot pa ni Jan. "Galit ka ba sa akin?" tanong pa ni Miguel. "Hindi po ako galit." sagot pa ni Jan. "Kung hindi ka galit, siguro nagseselos ka?" sabi naman ni Miguel. "Bakit naman ako magseselos?" sagot pa ni Jan. "Kasi nga may gusto ka sa akin." sabi pa ni Miguel. "Excuse me po Sir. Masyado naman po yata kayong assuming?" ang sabi ni Jan. "Kung hindi ka galit sa akin, siguro naman magpupunta ka sa birthday ko." wika naman ni Miguel. "Titignan ko po kung hindi ako busy sa araw na iyon." sagot pa ni Jan. "Kapag hindi ka nagpunta, iisipin ko talagang galit ka sa akin." sabi pa ni Miguel. "Hindi nga po ako galit!" sagot ni Jan. "Nagseselos?" biro pa ni Miguel. "Hindi po magandang biro yan. Kapag nalaman yan ni Ms. Helena!" sagot pa ni Jan. Ilang saglit pa ay biglang pumasok sa opisina si Helena. "What's going on here?" tanong ni Helena nang makitang nag-uusap si Miguel at Jan. "Sir Miguel, babalik na po ako sa desk ko." sabi naman ni Jan at mabilis na lumabas ng opisina ni Miguel. Tinignan lamang ng nakataas ang kilay ni Helena si Jan habang palabas ito. "What are you two talking about?" tanong ni Helena kay Miguel paglabas ni Jan. "I'm just inviting him on my birthday." sagot ni Miguel. "What?! What for?" tanong pa ni Helena at halatang nainis. "Well, he's my secretary and he's my friend." sagot ni Miguel. "I really can't see the logic why you and Leonard became friends with that person?" sabi pa ni Helena. "How come you're affected with Leonard being friends with Jan?" nagtatakang tanong ni MIguel. Nagulat si Helena. "Well.. I just don't like that Jan!" palusot naman ni Helena. "Anyway, I'll be going out with my friends tonight. I'll see you afterward at your place." dagdag pa ni Helena. "Ok." maiksing sagot ni Miguel.
Paglabas ni Jan ay nakita nito si Leonard na naghihintay sa kanya sa kanyang desk. "Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ni Jan. "Gusto lang kita makita." sagot naman ni Leonard. "Ayan na naman kayo! Tigilan ninyo na nga ako sa mga pambobola ninyo at baka talagang mahulog na ako sa inyo niyan!" sabi naman ni Jan. "That's my intention." sagot ni Leonard. Nabigla si Jan sa sinabi ni Leonard. "Hay naku Sir Leonard. Mga biro ninyo talaga!" sabi na lamang ni Jan. Ngumiti lamang si Leonard. "Ano ba itong si Sir Leonard, nagbibiro nga lang ba ito o totohanan na?" tanong ni Jan sa kanyang sarili. "Naku, hindi ko pwedeng totohanin lahat ng mga sinasabi nito at baka ako rin ang masaktan sa huli!" dagdag pa ni Jan at iniisip ang mga ito. "By the way, pupunta po ba kayo sa birthday party ni Sir Miguel?" tanong ni Jan kay Leonard. "Yup. My family si coming. I guess you're invited too." sagot ni Leonard. "Oo nga po eh. Sinabihan ako kanina na pumunta. Sinabi niya pa na kung hindi daw ako nagpunta, ibig daw sabihin nun galit ako sa kanya." sabi naman ni Jan. "So pupunta ka?" tanong ni Leonard. "Ano pa nga ba? Eh boss ko siya!" sagot ni Jan. "Yun nga lang ba ang dahilan?" usisa pa ni Leonard. "Oo naman. Meron pa bang iba?" sabi naman ni Jan. "Minsan naiinggit na ako diyan kay Miguel, sa atensyon na binibigay mo sa kanya." sabi pa ni Leonard. "Hay naku Sir Leonard. Kung anu-ano na ang mga pinagsasabi ninyo diyan." sabi naman ni Jan. Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Miguel at lumabas si Helena. Napatingin si Leonard at Jan dito. Tumingin rin naman si Helena sa dalawa. Sumimangot ito nang makitang magkasama na naman ang dalawa. Pagkatapos ay mabilis itong lumakad palayo.
Sa isang restaurant, nagkasundong magkita ang magnobyo na sina Joshua at Naomi. Naunang dumating si Naomi sa nasabing restaurant. "I believe I have a reservation for two, reserved by Joshua Romero." sabi ni Naomi sa attendant. "Yes, ma'm. Please follow me and let me take you to your table." sagot naman ng attendant at sinamahan siya patungo sa nasabing table. Pag-upo nito ay kinuha nito ang kanyang cellphone at tinawagan ang nobyong si Joshua. "Hi hon, I'm here already!" wika ni Naomi nang sagutin ni Joshua ang tawag. "I'm sorry hon, I got stuck in a traffic but don't worry, I'll be there in a minute." sagot ni Joshua sa kabilang linya. "Don't worry. I'll be ok. I'll just wait for you." sagot ni Naomi. "Ok. I love you!" wika ni Joshua. "I love you too!" sagot naman ni Naomi at binaba ang tawag. Ilang saglit pa ay biglang may tatlong babae ang umupo sa tabi ng table nila. "Is that Helena?" tanong ni Naomi sa kanyang sarili. Umupo ang tatlong babae at hindi nila napansin si Naomi dahil may mga halaman na nakaharang sa pagitan ng kanilang table. Hindi naman sinasadyang madinig ni Naomi ang usapang ng tatlong babae. "I heard you and Miguel are dating!" wika ng isang babae kay Helena. "Yes!" sagot ni Helena. "So what's the real score between you two! I know you girl!" sabi pa ng isang babae. "I'm just playing around with Miguel." sagot ni Helena. "But he'll be broken hearted once he discovered that you still like Leonard." sabi naman ng isang babae. "I know you girls are aware that I'm just using Miguel and his connections with the corporate world. Once I established my clothing line, I'll be making sure that Leonard will be mine!" sagot pa ni Helena. "You're so mean!" sabi pa ng isang babae at biglang tumawa. "That's the easiest way for me to make my dreams come true!" sabi pa ni Helena. Pagkatapos ay nagtawanan na ang tatlong babae. Nagulat naman si Naomi sa mga nadinig mula sa kabilang table. Kinuha agad ni Naomi ang kanyang cellphone at tinawagan ulit si Joshua. Habang tinatawagan si Joshua ay tumayo ito at lumapit sa attendant. "We'll just cancel our reservation." sabi naman ni Naomi sa attendant. At nang matawagan na si Joshua ay kinausap niya ito. "Yes hon?" tanong ni Joshua sa kabilang linya. "I cancelled our reservation!" sagot ni Naomi. "Why? What happened?" tanong pa ni Joshua. "Let's just meet somewhere else. I'll tell you everything later." sagot pa ni Naomi. "Meet me at our favorite coffee shop!" dagdag pa ni Naomi. "Ok. I'll see you." sagot ni Joshua.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romansa story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...