Chapter 61

6.7K 222 1
                                        

Nag-aayos na sina Jan at ang kanyang Tita Glory ng kanilang gamit dahil lalabas na rin sila sa wakas mula sa ospital. "Bakit naman kasi ang dami ninyong dinalang gamit dito?" ang nasabi ni Jan at inililigpit ang mga gamit nila. "Sumakay na lang tayo ng taxi paglabas. May pila naman diyan sa labas." sagot ni Tita Glory. Napatingin ang dalawa nang makitang bumukas ang pinto at nakita si Leonard na pumasok sa silid. "Sir Leonard?!" ang nasambit ni Jan. "Nalaman kong ngayon ka i-didischarge kaya mabilis akong nagpunta dito." sabi ni Leonard sa kanila. "Ay, opo, Sir Leonard!" sagot ni Tita Glory. "Nadinig ko ang huling bahagi ng inyong usapan kaya ako na lamang ang maghahatid sa inyo pauwi." alok ng binata. "Pero wala po ba kayong pasok sa opisina ngayon?" tanong naman ni Jan dito. "Nakapagpaalam na ako kay Ms. Paloma na pupuntahan kita dito dahil ngayon ka nga i-didischarge sa ospital." sagot naman ni Leonard. "Hindi mo na naman kailangang gawin iyon. At saka kaya na naman namin umuwi, kahit mag-taxi na lamang kami." sabi ni Jan. "Nandito na naman ako kaya ihahatid ko na lamang kayo." sagot ni Leonard. "Hindi ninyo dapat pinapabayaan ang trabaho ninyo dahil lamang sa akin." wika agad ni Jan. "Hindi ko naman pinapabayaan ang trabaho ko. At saka maayos naman akong nakapagpaalam sa opisina." sagot pa ni Leonard. Naramdaman naman ni Tita Glory ang tensyon sa dalawa kaya sumabat na ito. "Hintayin na lamang kita Jan sa labas." sabi ni Tita Glory sa pamangkin at binuhat na ang mga gamit palabas ng silid ngunit pinigilan siya ni Leonard. "Sabay-sabay na po tayong lumabas at ihahatid ko na po kayo." sabi pa ni Leonard at tinulungan na si Tita Glory sa pagbitbit ng mga gamit. Wala nang nagawa si Jan nang dalhin na Leonard ang mga gamit nila palabas ng silid at papunta sa sasakyan nito. Napatingin na lamang si Tita Glory kay Jan.

"Paghahanda ko lang ng merienda si Sir Leonard." sabi ni Tita Glory nang dumating na sila ng kanilang bahay. "Mag-uusap lang po kami ni Sir Leonard sa kwarto ko po." sagot naman Jan dito. Napatingin naman si Leonard kay Jan at iniisip kung ano ang pag-uusapan nila. "Sige, kakantukin ko na lamang kayo kapag handa na ang merienda ninyo." wika naman ni Tita Glory at pagkatapos ay nagtungo sa kusina upang ihanda ang nasabing merienda. "Ok lang po ba na mag-usap tayo dito?" tanong ni Jan kay Leonard at pumasok sa silid nito. Hindi na nagsalita at sumunod na lamang si Leonard kay Jan. "Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ni Leonard nang makapasok na sila ng silid ni Jan. Bumuntong-hininga naman si Jan at iniisip kung paano sasabihin ang sasabihin nito sa binata. "Gusto ko po sanang hilingin sa inyo na kung maari sana ay huwag muna po tayong magkita?" sabi ni Jan. "Bakit?" tanong ni Leonard. Natahimik si Jan at iniisip kung anong isasagot sa binata. "Dahil ba sa nangyari dati?' tanong pa ulit ni Leonard. Napayuko na lamang si Jan. "Hindi ba napag-usapan na natin ang bagay na ito?" sabi pa ni Leonard. "Pero lalo kasi nagiging mahirap para sa akin.." wika ni Jan. "Mahirap na?" tanong naman ni Leonard. "Lalong akong nahihirapan intindihin ang damdamin ko sa inyo at kay Sir Miguel." sagot ni Jan. "HIndi ba sabi ko na sa'yo na kuntento na ako maging kaibigan mo na lamang." sabi naman ni Leonard. "Ayun nga ang problema sa akin." biglang sabi ni Jan. "I don't know why pero may bahagi ng puso ko  na hindi lang yun ang gusto ko." patuloy pa nito. "May bahagi ng puso ko na gustong mahalin ka ng higit pa sa magkaibigan. At ito ang nagbibigay sa akin ng guilt na harapin si Sir Miguel. Dahil feeling ko eh niloloko ko na siya." dagdag pa nito. Lumapit si Leonard kay Jan at hinawakan sa mukha nito. "Jan." sabi pa nito at pinawi ang mga luhang tumulo sa mga mata nito. "Hindi mo na kailangan mamili sa amin ni Miguel." sabi pa nito. "Mas gugustuhin ko nang mapunta ka kay Miguel dahil alam ko at naiintindihan kong siya na ang pangarap mo noon pa man." sabi pa ni Leonard. Napaluha naman si Jan sa tinuran ni Leonard. "Bakit ba napakabuti ninyo sa akin?" sabi naman ni Jan habang nakatingin sa maamong mukha ng binata. "Minsan, gusto ko na lamang na sana hindi na lang kayo naging masyadong mabuti sa akin nang hindi nahulog ang damdamin ko sa inyo." patuloy pa nito. "Kahit ako Jan, wala akong planong mahulog sa'yo. Pero hindi ko pinagsisihan sa kinahitnan ng damdamin ko para sa'yo." sagot naman ni Leonard. Napaluha lalo si Jan sa narinig mula sa binata. "Hindi ko akalain na darating ang araw na may magsasabi sa akin ng mga katagang yan." sabi ni Jan. "Pero please, Sir Leonard. Bigyan ninyo muna po ako ng oras upang makapag-isip. Magulong-magulo na ang isip ko ngayon." patuloy pa nito. "Kung iyan ang hiling mo, sige, bibigyan na lamang kita ng space." sagot naman ni Leonard. Pinawi ni Leonard ang mga luha ni Jan. "Alam mo naman kung saan ako hahanapin kapag kailangan mo ako." sabi pa nito. Napangiti na lamang si Jan. "Marami pong salamat." sabi pa nito. Pagkatapos ay bigla kumatok mula sa pintuan si Tita Glory. "Jan, ready na ang merienda ninyo! Yayain mo na si Sir Leonard kumain." sabi nito sa kanila. Binuksan ni Jan ang pinto at sabay silang lumabas ni Leonard ng silid nito. "Mauna na po ako, Tita Glory." paalam ni Leonard. "Ha?! Hindi mo man lang ba titikman yung ginawa kong lomi para sa inyo?" tanong naman ni Tita Glory. "Pasensya na po. May kailangan po akong agad puntahan." palusot ni Leonard. "Kung ganon eh pagbabalot na lang kita, hintayin mo na lamang ito, mabilis lang ito." sagot naman ni Tita Glory at mabilis na nagtungo sa kusina upang ibalot ang lomi para kay Leonard. Pipigilan pa sana ni Leonard ito ngunit nakapasok na agad ito nang kusina kaya hindi na nagawang pigilan ito. Nagkakatinginan lamang sina Leonard at Jan at hindi nag-uusap habang hinihintay si Tita Glory. Ilang saglit pa ay lumabas na ng kusina si Tita Glory at iniabot nito ang loming binalot kay Leonard. "Oh, dalhin mo na lamang ito." sabi ni Tita Glory. "Marami pong salamat!" ang sabi naman ni Leonard. "Naku! Kami nga dapat ang lubos na magpasalamat sa inyo dahil sa dami ninyong naitulong sa amin." sagot naman ni Tita Glory. "Sige po, mauna na po ako!" sabi ni Leonard. "Sige, mag-iingat po kayo!" sagot ulit ni Tita Glory. Nang makaalis na ang binata ay makahulugang tumingin si Tita Glory kay Jan. Nararamdaman kasi nitong may nangyayari kakaiba sa pagitan nina Leonard at Jan. Nang mapansin ito ni Jan ay umiwas ito nang tingin at nagbalik ito sa kanyang silid.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon