"Napapansin ko na tatlong araw ka nang hindi pumapasok sa opisina ah?" tanong ng Tita Glory ni Jan nang makita itong nakahilata sa kanyang silid. "Nag-file po ako ng leave." sagot naman ni Jan. "Simula nang ihatid ka ni Sir Leonard mo noong isang gabi, hindi ka na nagpapapasok!" sabi pa ni Tita Glory niya. "Gusto ko lang po kasi magpahinga pansamantala." wika naman ni Jan. "Oh sige. Pero kung gusto mo nang makakausap, nandito lang ako ah." sabi naman sa kanya at pagkatapos ay umalis na rin ito. Humiga ulit ito at nag-isip. Naalala nito nang pagbuhatan siya ni Miguel ng kamay. Hindi ito makapaniwala na magagawa sa kanya ni Miguel ang bagay na iyon. "Dahil sa pagiging concern ko sa'yo, sasaktan mo ako." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. "Sabagay, lagi mo naman akong sinasaktan." dagdag pa ni Jan. Pinag-iisipan na rin ni Jan kung papasok pa ba siya sa opisina. Kahit pinapangarap niya pa ang nasabing kumpanya ay willing siya i-give up dahil sa nangyari. At ilang saglit pa ay hindi na nito napigilang tumulo ang luha.
"What's going on with Miguel and Jan?" tanong ni Paloma kay Leonard nang magtungo ito sa kanyang opisina. "After what happened the other day, hindi pa pumasok si Miguel at nag-file naman ng leave si Jan." dagdag pa ni Paloma. Ngunit tumingin lamang sa kanya si Leonard. "Leonard, I deserve to know. The company is at stake here if Miguel is not here." sabi pa ni Paloma. "Miguel discovered something about Helena." sagot naman ni Leonard. "Does it have something to do with Jan?" tanong pa ni Paloma. "Miguel discovered it first from Jan." sagot pa ni Leonard. "And then?" si Paloma. "Let's just say that Miguel did not believe Jan and then Miguel did something reckless." sagot ni Leonard. "Reckless?" tanong pa ni Paloma. "He unintentionally hit Jan." sagot ulit ni Leonard. "What?!" gulat na wika ni Paloma. "Well, I can't blame Jan and I will not be surprised if I received a resignation letter from him." dagdag pa ni Paloma. "I don't think Jan will resign because of what happened." sabi naman ni Leonard. "How come that you sound very sure with your statement." tanong naman ni Paloma. "Because I know him. Let's just give him time to reflect." sagot ni Leonard. "Well, I guess that's the best thing for them to do for now." sagot na lamang ni Paloma.
Si Miguel naman ay nasa kanyang silid lamang at buong araw na nakahiga at nag-iisip. Iniisip nito ang lahat ng mga nangyari tungkol kay Helena. Hindi ito makapaniwala na ang babaeng tanging minahal niya ay lolokohin lamang siya. "How can I be so dumb?" tanong pa ni Miguel sa kanyang sarili. Si Helena na kanyang minahal simula nang mga bata pa sila. Hindi rin ito makapaniwala na si Leonard pala ang gusto ni Helena. At si Leonard din pala ang dahilan ng pagpunta nito sa Paris na nagpaguho sa kanyang mundo. "How can you do this to me, Helena?" tanong pa ni Miguel. "I have loved you ever since and I know that no one can love you the way that I do." wika pa ni Miguel. Pagkatapos ay naalala naman nito si Jan. Naalala nito ang gabing sinabi ni Jan ang totoo tungkol kay Helena ngunit hindi niya ito pinaniwalaan. Naalala pa nito ang eksaktong sinabi niya. "Sabihin ninyo na sa akin ang lahat ng masasakit na salita. Pero wala kayong karapatan na kwestyunin ang kredibilidad ko dahil simula nang maging sekretarya ninyo ako, naging matapat na ako sa inyo!" ang eksaktong sinabi ni Jan. . "Ngayon, hindi ko na po kasalanan kung masaktan kayo sa huli. At least masaya ako na ginawa ko lahat ng makakaya ko mapigilan lamang na masaktan kayo dahil.." naalala niyang sabi ni Jan. "Dahil ano?" tanong naman ni Miguel. Naalala rin ni Miguel ang sinabi ni Leonard na nakita nito si Jan na umiiyak noong gabing dinala nito ang kanyang PlayStation. Naisip ito at naging masakit para sa kanya na si Leonard ang laging nakakasama nito tuwing malungkot at umiiyak si Jan dahil sa kanya. "I need to apologize to him." sabi pa ni Miguel sa kanyang sarili. Kinuha nito ang kanyang cellphone at tinitigan. "Should I call him" tanong pa ni Miguel sa kanyang sarili. Nang pipindutin na niya ang call, bigla siyang natigilan. Hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Nag-isip pa ito ng maaring sabihin. Tinignan ulit nito ang screen ng kanyang cellphone at pinag-iisipan na pindutin ang call. "Maybe I should apologize to him in person." sabi pa ni Miguel sa kanyang sarili. Ilang saglit ng pag-iisip, nakapag-desisyon na ito. "Yes, that's right. I will apologize to him personally." wika pa ni Miguel.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Storie d'amorea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...