“Tara na, tinatawagan na tayo doon sa table.” ang sabi ni Luis nang lapitan at akbayan nito si Jan. Nakatulala lamang si Jan. “O anong nangyari sa’yo diyan?” tanong pa ni Luis ngunit nakatingin lamang sa isang banda si Jan. Nang tingnan ni Luis kung saan ito nakatingin ay nakita nito si Miguel.
Nakayakap at nakaakbay pa rin si Lucrecia kay Miguel habang patuloy na sinusuyo ito ngunit binabalewala lamang ito ni Miguel. “What’s wrong, don’t you like me?” tanong pa nito sa binata. “It’s not that.” sagot ni Miguel. Nagulat si Miguel nang mapatingin ito sa isang banda at nakita si Jan na nakatingin sa kanya. “Jan!” gulat na sabi ni Miguel at napatayo. “What’s wrong, Miguel?” tanong bigla ni Joshua nang makitang tumayo si Miguel ngunit hindi siya pinansin ito lalo na nang umalis ito sa kanilang table. “Miguel, where are you going?” tanong pa ulit nito. Nagulat na rin lamang si Lucrecia at ang mga babaeng kasama nito.
“What are you doing here?” tanong ni Miguel nang lapitan nito si Jan. Nagulat si Luis nang hindi akalain na lalapit sa kanila si Miguel. “Nagyaya sila na magpunta dito.” matipid na sagot ni Jan. “Sila?” tanong pa ulit ni Miguel. “Siya si Luis, kasamahan ko sa trabaho.” pakilala naman ni Jan dito. “Pare, ako pala si Luis.” wika nito kay Miguel habang nakaakbay pa rin kay Jan. Ngumiti lamang si Miguel ngunit pagkatapos ay mabilis na kinuha nito ang kamay ni Jan at dinala palabas ng bar. Natigilan na lamang si Luis sa nangyari at bakas sa mukha nito ang pagkalito.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ulit ni Miguel nang makarating sila sa isang lugar na walang masyadong tao malapit sa bar. “Sumama na lang ako sa kanila kasi hindi naman tayo natuloy ngayon.” sagot ni Jan. “At sino naman yung kasamahan mo sa trabaho at nakaakbay pa sa’yo?” tanong ulit ni MIguel. “Wala namang malisya ang pag-akbay niya sa akin.” sagot ni Jan. Natahimik lamang si Miguel. “Kaya ba tayo hindi natuloy ngayon dahil may ka-meet kang babae dito?” mahinahon ngunit may lamang tanong ni Jan. Alam ni Jan na itatanong ito ni Jan kaya kahit paano ay handa na siya dito. “Hindi tayo natuloy ngayon dahil nagyaya si Joshua na uminom. Hindi ba naiintindihan mo naman na matagal na kaming hindi nagkikita ni Joshua kaya nakipagkita na ako sa kanya.” sagot ni Miguel. “Pero bakit may kasama kayong babae?” tanong pa ulit ni Jan. “Lumapit lang sa amin yun. Hindi namin talaga kasama ni Joshua yun.” sagot ulit ni Miguel. “Hindi kasama pero dikit na dikit sa’yo?” medyo naiinis na sabi na ni Jan. “Lumapit nga lang sa amin yun. Hindi ba dapat ako ang magtanong sa’yo dahil hindi lang tayo natuloy, may ka-date ka nang iba?” sabi naman ni Miguel. “Gusto ko lang po na malaman ninyo na hindi date yun! At saka may karapatan naman ako sumama sa ibang kaibigan ko.” sagot ni Jan. “Kitang-kita ko kung paano ka akbayan nang lalakeng yun!” sabi pa ulit ni Miguel. “At kitang-kita ko rin kung paano ka puluputan ng babaeng kasama mo.” sagot ni Jan. “Siya ang nagpupumilit na lumapit sa akin.” wika ni Miguel. “At gustung-gusto mo naman!” sagot ng isa. “Kung tutuusin nga eh madali lang para sa akin na makuha ang babeng yun. Kung hindi lang dahil sa’yo, kinagat ko na yun!” mariing sabi ni Miguel. “Eh kung gusto mo eh ‘di kagatin mo!” naiinis na sabi na ni Jan. “Hayaan mo, since gusto mo naman eh papayag na rin ako sa gusto ng babaeng yun since hindi mo naman kayang ibigay yun sa akin!” galit na sabi na ni Miguel. Nasaktan si Jan sa sinabi ni Miguel kaya hindi nito maiwasan maluha sa sakit at galit. “Sige, enjoy na lang!” matipid sa sabi ni Jan at mabilis na umalis. Natauhan naman bigla si Miguel sa kanyang nasabi kaya mabilis na kinuha nito ang kamay ni Jan at pinigilang umalis. “Jan!” sabi ni Miguel ngunit binawi ni Jan ang kamay nito at pumasok pabalik ng bar. Nang makapasok ito ay dumecho ito sa kanilang table at kinausap si Luis. “Aalis na ako Luis.” sabi ni Jan. Napansin naman ni Luis na parang naiiyak si Jan. “Anong nangyari sa’yo?” tanong nito sa kanya. "Wala naman. Kailangan ko lang talaga umuwi." sagot ni Jan. "Hatid na kita sa labas." alok ni Luis. "Hindi na kailangan. Salamat!" sagot ulit ni Jan at mabilis na umalis. "Anong meron sa kanila?" tanong ni Luis sa sarili at hindi maiwasang maghinala sa dalawa.
Matamlay na bumalik si Miguel sa table nila. "Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Joshua dito. "Dumating kanina dito si Jan." sagot ni Miguel. "Nagkayayaan daw sa opisina nila at dito nila naisipang magpunta." dagdag pa nito. "Alam naman niyang ako ang kasama mo, 'di ba?" tanong pa ulit ni Joshua. "Oo. Pero ang nakitang niyang eksena ay yung kasama ko si Lucrecia." sagot ulit ni Miguel. "Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Lagi kang naaabutan ni Jan sa hindi magandang sitwasyon." wika ni Joshua. "Anong sinabi mo sa kanya?" tanong pa ulit nito. "Nakita ko rin kasing may umaakbay sa kanyang lalake nang pumasok sila dito kaya inusisa ko rin siya tungkol doon." sagot ni Miguel. "Don't tell me na nagsumbatan kayo sa mga nakita ninyong dalawa?" usisa ng isa. "Yes." sagot ni MIguel. "Sino naman ba yung lalake na kasama niya?" tanong pa ulit ni Joshua. "Kasamahan niya daw sa opisina." sagot pa ulit nito. Natawang bigla si Joshua. "Hindi ako makapaniwala na ang isang Miguel De Dios ay nagseselos na. You're now getting a taste of your own medicine." biro ni Joshua dito. Napasimangot lamang si Miguel tungkol dito. "So anong plano mo?" tanong pa ulit nito. "Nabigla ako kaya nakapagsalita rin ako ng hindi maganda kay Jan." sagot ni Miguel. "Sinubukan ko siyang tawagan pero nakasarado na ang cellphone nito." dagdag pa nito. "Palipasin mo na lang muna ang galit ninyo sa isa't-isa. Huhupa rin yan." payo ni Joshua at inakbayan ang matalik na kaibigan. "Sana nga." malungkot na sagot ni Miguel.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...