Naiwan si Miguel sa kanyang condo unit at magulo ang isip. "Nasaktan na naman kita, Jan!" sabi ni Miguel sa kanyang sarili. Naalala nito ang tagpo noong araw na pinakuha nito ang PS4 niya kay Jan ngunit nadatnan lamang siya nito kasama si Helena. Naisip nitong wala siyang ginawa para kay Jan. "I won't do it this time." sabi ni Miguel sa kanyang sarili. Mabilis na nagtungo ito sa kanyang silid at kinuha ang susi ng sasakyan at mabilis na lumabas. Naisip nitong habulin si Jan at kausapin ng masinsinan.
Mabilis na nagtungo si Miguel sa parking lot ng condo at sumakay sa kanyang Toyota Fortuner. Kinuha nito ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at tinawagan si Jan. "The telephone number that you dialled is either unattended or out of coverage area, please try to call later." "Shit!" nasabi ni Miguel. Nag-isip si Miguel kung anong gagawin niya. Wala siyang idea kung saan susundan si Jan. Naisip nitong tawagan si Leonard. "Yes, Miguel?" tanong ni Leonard nang sagutin nito ang tawag niya. "Kasama mo ba si Jan?" tanong niya dito. "Hindi. Hinatid ko siya diyan sa condo unit mo ah? Hindi ba kayo nagkita?" nagtatakang tanong ni Leonard. "Nagkita kami kaso nagkaroon ng problema." sagot naman ni Miguel. Pinaliwanag lahat ni Miguel ang nangyari. "Please help me on this, Leonard." pakiusap ni Miguel. Nahihiya man si Miguel, naglakas-loob na rin itong humingi ng tulong kay Leonard. Naalala ni Miguel na nagseselos siya kay Leonard noong isang araw lamang pero ngayon dito siya humihingi ng tulong. "Sinubukan mo na bang tawagan siya sa cellphone niya?" tanong ni Leonard. "Unattended ang number niya." sagot ni Miguel. "Sige, tatawag ako sa bahay nila upang tanungin kung umuwi na si Jan. Tawagan kita agad kapag nalaman ko kung nasaan si Jan." wika naman ni Leonard. Pagkababa ay tinawagan agad ni Leonard ang telepono nina Jan sa kanilang bahay. Ang Tita Glory ni Jan ang nakasagot ng tawag. "Good evening po! Nakauwi na po ba si Jan?" magalang ni tanong ni Leonard. "Si Sir Leonard ba ito?" tanong ni Glory nang mabosesan ang binata. "Opo." sagot ulit ni Leonard. "Hindi pa. Pero nagtext siya kanina na dederecho daw siya kina Sir Miguel niya." sabi ni Tita Glory. "Ganon po ba? Sige po, salamat po!" sagot ni Leonard at binaba na rin ang tawag nang malamang hindi pa umuuwi si Jan. "Nasaan ka nagpunta, Jan?" tanong ni Leonard sa kanyang sarili. Sinubukang tawagan ni Leonard sina Charm at Joy upang tanungin kung tumawag o nakausap nila si Jan ngunit hindi rin daw nila nakausap or nakita si Jan. Patuloy na nag-isip si Leonard na maaring puntahan ni Jan. Nagtaka rin siya dahil hindi na siya sinubukang tawagan ni Jan ngayong may problema siya kay Miguel na madalas niyang gawin dati. "Nasaan ka na, Jan?" tanong pa ulit ni Leonard sa kanyang sarili. Tinawagan ni Leonard ang kanyang mama na si Anita upang alamin din kung nagpunta ba si Jan sa kanila. "Matagal ko na ngang hindi nakikita si Jan." sagot ng kanyang mama. "Tawagan mo agad ako, ma, kapag nagpunta o tumawag diyan si Jan." biin naman niya dito. "May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Anita sa kanyang anak. "Wala naman po, ma. Huwag na kayong mag-alala." pagsisinungaling niya sa kanyang mama upang hindi na ito mag-alala. Ilang saglit pa ay nag-ring ulit ang telepono nito. Si Miguel. "May balita ka na kung saan nagpunta si Jan?" tanong ni Miguel sa kabilang linya. "Hindi pa siya umuuwi. Lahat ng pwede niyang puntahan ay napagtanungan ko na ngunit hindi pa rin nila nakakausap si Jan." sagot niya. "Kasalanan ko ito eh!" sabi ni Miguel at halata na ang pagkatuliro nito. "Just be calm, Miguel. Malalaman din natin kung saan nagpunta si Jan." payo ni Leonard sa binata. "I will continue my search. Tawagan kita ulit." dagdag pa ulit ni Leonard at binaba ang tawag. "Where are you, Jan?" ang natanong na lamang ni Leonard ulit sa kanyang sarili.
Nang makalabas si Jan mula sa condo unit ni Miguel ay dere-derecho itong bumaba palabas ng gusali. Hindi na nito pinansin ang mga taong nagtinginan sa may lobby nang makita siyang umiiyak. Paglabas niya ng gusali ay kinuha nito ang kanyang cellphone at naisipang tawagan si Leonard. Napatigil ito nang may maalala. "Mas mabuti sigurong huwag ko nang tawagan si Sir Leonard. Siya na lamang ang lagi kong binibigyan ng problema tuwing nagkakaganito ako kay Sir Miguel." ang nasabi ni Jan sa kanyang sarili. Nahiya na ito sa gwapong binata dahil parang lumalabas na takbuhan niya na lamang si Leonard tuwing may problema ito. Pinindot nito ang power button ng kanyang cellphone upang hindi na makatawag at binulsa ang nasabing cellphone. Patuloy naman siya sa paglalakad at hindi alam kung saan pupunta. Nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad habang iniisip ang nasaksihang eksena sa loob ng condo unit ni Miguel. Nakita niya kung paanong halikan ng bagong sekretarya ang boss niyang si Miguel. Naluha ito sa naisip. "May mga bagay talaga na hindi ko kayang ibigay kay Sir Miguel." sabi pa ni Jan sa kanyang sarili. Naisip nito kung tama ba talaga na maging sila ni Miguel. Naisip kasi nitong hindi niya maibibigay kay Miguel ang sexual needs nito. Iba pa rin ang kayang gawin ng isang babae kumpara sa isang bakla na tulad niya. Kahit paano ay naintindihan niya rin si Miguel kung maghanap ito ng babae dahil may mga bagay talaga na ang babae lamang ang makakapagbigay nito sa isang lalake na tulad ni Miguel. Nasasaktan ito kapag naiisip na hindi niya kayang ibigay ang pangangailangan na iyon ni Miguel. Naintindihan niya rin kahit paano si Miguel dahil naisip din nito na kahit nga isang halik ay hindi niya maibigay sa binata. "Patawad Sir Miguel, hindi pa kasi ako handa sa mga ganyang bagay!" sabi pa ni Jan sa kanyang sarili at patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. "Kung naging babae lang sana ako, hindi ninyo na makukuha pang maghanap ng iba!" dagdag pa nito. Patuloy pa rin si Jan sa paglalakad at walang paki sa paligid dahil sa malalim na pag-iisip. Ngunit hindi namalayan ni Jan na sa kanyang paglalakad ay tumatawid na siya sa kalsada. At sa kasawiang palad, may paparating na sasakyan papunta sa kanya. Napatingin na lamang si Jan nang malapit na sa kanya ang sasakyan. "Aahhh!" biglang sigaw ni Jan nang mabangga siya nito. Biglang nag-preno namang ang driver ng sasakyan ng makita si Jan. Nang mabangga si Jan ay bigla itong gumulong sa daan. Lumabas bigla ang driver ng sasakyan at tinignan ang walang malay na si Jan. "Hoy! Dalhin mo yan sa ospital!" sigaw ng mga usisero sa nakakita ng aksidente. "Tignan ninyo, baka tumakas yung driver!" sabi pa ng ibang usisero. Mabilis naman na kumilos ang driver at binuhat si Jan papasok ng kanyang sasakyan upang dalhin sa ospital.
Patuloy na nagmamaneho si Leonard nang biglang nakatanggap siya ng tawag sa numero ng bahay nila Jan. Naisip nito na baka nakauwi na si Jan at tinatawagan siya. "Bakit Jan?" tanong agad ni Leonard nang sagutin nito ang tawag. "Hindi po ito si Jan!" sabi ng babae sa kabilang linya. "Tita Glory?" gulat na tanong naman ni Leonard. "Opo." sagot ni Glory sa kabilang linya. "Pwede po ba akong humingi ng pabor sa inyo?" dagdag pa nito. "Sige po. Ano po yun?" tanong niya sa matandang babae. "May tumawag po kasi dito kanina lang na nurse sa ospital. Tinawagan nila ang numero na nakalagay sa ID ni Jan upang sabihan kaming nabundol si Jan ng isang kotse at walang malay ngayon sa ospital." sabi ni Glory. "Ano?"!" gulat na sabi ni Leonard. "Makikisuyo sana ako na kung maari ay puntahan mo po si Jan sa ospital. Hindi ko kasi maiwan ang lola niya dito dahil hindi ko masabi sa kanya na nabundol ang apo niya." sabi pa ulit ni Glory. "Sige po, ako na po ang bahala." sagot ni Leonard. "Balitaan ninyo na lamang po agad ako kung kumusta na si Jan." sabi pa ulit ni Glory. "Huwag po kayong mag-alala. Hindi ko po papabayaan si Jan." sagot pa ulit ni Leonard at pagkatapos ay binaba na ang tawag. Niliko agad ni Leonard ang kanyang sasakyan upang mapuntahan agad ang ospital na tinukoy ng Tita Glory ni Jan.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romantikaa story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...