Chapter 52

7.8K 269 8
                                    

Ilang araw nang hindi nagkikita sina Miguel at Jan pagkatapos ng insidente sa bar. Si Jan ay abala sa paglalaro ng kanyang PS2 sa kanyang silid. Hindi nito alintana ang takot habang nilalaro ang larong Resident Evil Code: Veronica dahil panay panay ang kanyang tingin sa kanyang cellphone at tinitignan kung may text message or tawag mula kay Miguel. “Siya pa ang may lakas ng loob hindi magparamdam.” sabi ni Jan sa kanyang sarili at hindi maiwasang mainis. Namatay ang character nito sa laro ng atakihin ito ng zombie dahil hindi ito nagfo-focus sa laro. “Hay, hindi ko pa naman na-save yung game.” sabi pa ni Jan. Napatingin ulit si Jan sa kanyang cellphone ngunit wala pa rin kahit missed call or text message. “Hayaan mo na nga siya!” sabi pa ni Jan at halatang naiinis na. Pinalitan ni Jan ang game na nilalaro nito at pilit tinutuon ang pansin sa TV screen. Halos madurog na ang controller na hawak nito habang nilalaro ang fighting game na Tekken 5 dahil sa inis. Nang matalo ay itinigil na nito ang paglalaro. Kinuha nito ang cellphone upang tignan kung may missed call or text message ngunit nalungkot ito dahil wala kahit isa. Inisip nitong tawagan si Miguel ngunit pinigilan nito ang sarili. “Talaga bang pinanindigan mo na Miguel na kalimutan ako?” sabi ni Jan sa kanyang sarili at nahiga sa kanyang kama. Sa kahihintay at katitingin sa kanyang cellphone ay nakatulog na ito.

Kahit sabado ay pumasok isi Miguel ng opisina dahil may nakatakda itong importanteng meeting kasama ang Creative Team na pinamumunuan ni Leonard. “I’m sorry if I need to call you guys even on your rest day since we badly need to meet our deadline next week.” sabi ni Leonard sa buong team. Si Miguel naman ay nakikinig lamang. At sa gitna ng kanilang meeting ay napapansin ni Leonard na tinitignan ni Miguel ang kanyang cellphone. Naisip nito na marahil ay inaabangan ni Miguel ang text message ni Jan. At pagkalipas ng ilang oras ay natapos din ang kanilang meeting. Nilapitan ni Leonard si Miguel. “Napapansin kong kanina ka pa tuliro d’yan, Miguel.” wika ni Leonard dito. “Hindi pa kasi nagpaparamdam si Jan.” sagot nito. “Bakit hindi mo ako samahan puntahan siya ngayon?” paanyaya ni Leonard. “Baka galit pa siya sa akin?” sabi ni Miguel. “Ngayon na siguro ang tamang panahon para mag-usap kayo.” wika naman ni Leonard. “Sige.” sagot ni Miguel at pagkatapos ay sabay na silang umalis upang puntahan si Jan.

Nang malapit na ang sasakyan nila sa bahay nila Jan ay napansin nitong may lalakeng papasok ng bahay nila. Namukhaan ito ni Leonard at nalaman na si Luis ang lalakeng iyon. “Anong ginagawa ng lalakeng iyon kina Jan?” tanong ni Miguel nang mamukhaan din si Luis. Pagkatapos ay nakita nila si Jan na lumabas ng bahay at pinagbuksan ng gate si Luis. “Mukhang ine-expect ni Jan ang pagdating ni Luis ah?!” sabi pa ni Miguel at halata sa tono ng pananalita na naiinis ito. Pinarada ni Leonard ang kanyang sasakyan sa harap mismo ng bahay kaya napansin agad ito ni Jan. “Anong ginagawa ni Sir Leonard dito?” tanong ni Jan sa kanyang sarili nang makita ang sasakyan nito. Nagtaka pa lalo ito nang maaninag nitong may kasama si Leonard. Hindi nito masyado makita ang mukha nito dahil tinted ang sasakyan ni Leonard. “Sandali lang Luis, salubungin ko lang rin si Sir Leonard.” sabi ni Jan kay Luis. “Sige lang.” sagot ni Luis. Pagkababa ni Leonard ay sinalubong agad siya Jan. “Sir Leonard, anong ginagawa ninyo dito?” tanong ni Jan dito. “Binibisita ka.” sagot nito. Bumukas ang pinto sa may passenger seat at nagulat si Jan nang makita kung sino ang bumaba. “Sir Miguel?!” gulat na sabi ni Jan. “Anong gingawa ninyo rin dito?” tanong pa nito. “Binibisita ka rin.” sagot ni Miguel. “At saka hindi ka nagpaparamdam kaya pinuntahan na kita.” dagdag pa nito. “May isa rin akong bisita.” sabi ni Jan. “Oo, nakita nga namin ni Leonard.” wika ni Miguel at obvious dito na naiinis. “Dinadala niya lang yung sinasabin niyang ipapahiram niyang mga CD.” sagot naman ni Jan nang maramdamang may tono ng pagkainis sa pagsasalita ni Miguel. “Pwede ba kaming pumasok sa inyo, Jan?” singit ni Leonard nang maramdaman ang tensyon sa pagitan ng dalawa. “Sige po.” sagot ni Jan at niyayang pumasok ang dalawa sa loob ng bahay. “Luis, kilala mo na naman sila, ‘di ba kaya hindi ko na kailangan ipakilala pa sila sa iyo?” wika ni Jan dito. Ngumiti lamang si Luis bilang tugon. Nakatingin naman ng masama si Miguel kay Luis. Napatingin naman si Luis kay Miguel at nagtataka kung bakit parang mainit ang dugo nito sa kanya. Natatawa naman ng palihim si Leonard sa kanyang nakikita. Pagpasok nila ng bahay ay sinalubong sila ni Tita Glory. “Wow, ang dami mo palang bisita ngayon Jan!” bati nito sa kanila. “At ang gagwapo ng mga bisita mo ah!” dagdag pa nito. “Tumigil ka nga diyan, Tita!” sambit nito sa kanya. “Gusto ninyo ba ng snacks? Anong gusto ninyo?” tanong ni Tita Glory sa tatlo. Nang mapatingin si Tita Glory kay Luis ay nagulat ito dahil ngayon niya lamang iyon nakita. “Tita, si Luis po. Kasamahan ko po sa trabaho.” pakilala nito nang makita ang reaksyon ng kanyang Tita. “Good afternoon po!” wika ni Luis. Ngumiti naman si Tita Glory bilang tugon dito. “Gusto ninyo ba ng ginataang bilo-bilo, nagluto ako kaninang tanghali.” alok ni Tita Glory. “Hindi na po ako magtatagal, dinaan ko lamang po kay Jan itong mga bala ng PS2.” sagot ni Luis. “Ay sayang naman. Pagbabalot na lamang kita.” nasabi na lamang ni Tita Glory. “Ay hindi na po! Ok lang po. Marami pong salamat!” sabi ni Luis. Tumayo si Jan. “Huwag ka munang umalis. Sandali lang, pagbabalot kita kung talagang kailangan mo nang umalis. Kapag hindi mo dinala ito, hindi ko rin kukunin yang mga bala mo ng PS2.” ang sabi ni Jan. Wala na rin nagawa si Luis kaya pumayag na rin ito. “Sige na nga.” ang nasabi na lamang ni Luis. “Ako na lang ang magbabalot. Ikaw na lang bahala diyan sa mga bisita mo. Paghahanda ko rin sina Sir Miguel at Sir Leonard mo.” ang sabi naman ni Tita Glory at mabilis na nagtungo sa kusina. “Bakit naman kayo nanditong dalawa?” tanong naman ni Jan kina Leonard at Miguel. “Yayayain sana kitang puntahan yung bagong ramen house sa Mandaluyong kaso mukhang kailangan ninyo yatang mag-usap ni Miguel ngayon.” sagot ni Leonard. “Ano?!” gulat na sabi ni Miguel. “Wala naman kaming dapat pag-usapan.” mataray na sabi naman ni Jan. “Bakit ang taray mo?!” ang nasabi bigla ni Miguel. “Eh wala naman dapat talaga tayong pag-usapan ah?!” sagot ni Jan. Sasagot pa sana si Miguel ngunit biglang pumasok si Tita Glory dala ang ginataang bilo-bilo. “Oh ito na ang niluto kong ginataan!” sabi ni Tita Glory. “At ito na yung binalot kong ginataan para sa’yo, Luis.” dagdag pa nito sabay abot ng isang paper bag kay Luis. “Marami pong salamat!” sagot ni Luis. “Sige, mauna na po ako.” dagdag pa nito. “Hatid ko lang po siya sa labas.” sabi ni Jan at tumayo upang ihatid palabas si Luis. “Maraming salamat pala dito, ah?!” wika ni Jan at tinutukoy ang mga bala ng PS2 na dinala nito. “Walang anuman.” sagot ni Luis. “At saka hiram lang naman yan kaya huwag mo masyadong intindihin yun.” dagdag pa nito. “Oo, alam kong hiram nga lang ito.” sagot ni Jan. “Pero nag-effort ka pa talagang dalhin dito sa amin.” dagdag rin nito. “It’s not a big deal. Nagkataon din kasi na mapapadaan ako dito sa lugar ninyo kaya naisipan kong dalhin na rin ito sa’yo.” wika ni Luis. “Matanong lang kita.” dagdag pa niya. “Anong meron ba sa inyo ni Miguel De Dios?” tanong ni Luis. Nabigla naman si Jan sa tanong nito. “Anong ibig mong sabihin?” tanong pa nito. “May relasyon ba kayong dalawa?” usisa ni Luis. “Wala noh!” pagtanggi ni Jan. Kailangan niyang magsinungaling dito dahil tinatago nga nila ni Miguel ang kanilang relasyon. “Eh bakit parang nagseselos yun?” sabi pa ni Luis at napatingin sa bintana nina Jan at nakitang nakasilip si Miguel. “At ayun oh, sinisilip pa tayong dalawa dito!” natatawang sabi pa ni Luis. “Arogante lang yun. Hindi yun nagseselos.” palusot pa ni Jan. “Jan, lalake rin ako kaya alam ko kung paano magselos ang isang lalake.” ang sabi ni Luis. “Wala nga!” sagot ni Jan. “At saka huwag mo na siya masyadong intindihin. Boss ko kasi yun dati kaya akala niya siguro kaya niya pa rin akong manduhan kahit hindi ko na siya boss.” dagdag pa nito. “Sige na nga. Mauna ako dahil may kailangan pa akong gawin ngayon.” wika ni Luis. “Sige, maraming salamat ulit.” sagot ni Jan. Pag-alis ni Luis ay lumingon si Jan at tinignan ang kanilang bintana dahil nasabi ni Luis na sinisilip sila ni Miguel. Nakita nga nito na sinisilip sila ni Miguel at biglang nagtago nang siya’y lumingon. Sumimangot si Jan sa kanyang nakita at mabilis na nagbalik sa loob ng bahay. Pagpasok niya ay nakasalubong niya si Leonard at aktong paalis na rin. “Mauna na rin ako, Jan.” sabi ni Leonard. “Aalis na rin kayo?” tanong ni Jan. “Ako lang. Maiiwan si Miguel dito.” sagot naman ng binata. “May kailangan rin kasi akong asikasuhin kaya kailangan ko na rin umalis.” palusot ni Leonard dahil intensyon niya talagang makapag-usap sina Miguel at Jan. “Hatid ko na kayo sa labas.” alok ni Jan. “Hindi mo na kailangan dahil kaya ko na naman ang sarili ko.” sagot ni Leonard at mabilis na lumabas upang hindi na mabigyan ng pagkakataon na pilitin siyang ihatid. “Mauna na po ako, Tita Glory!” paalam ni Leonard at mabilis na lumabas at sumakay ng kanyang sasakyan. Naupo na ang dalawa sa may living room. “Ano bang pag-uusapan natin?” tanong ni Jan. Paglabas ni Tita Glory mula sa kusina ay nakita nito sina Miguel at Jan na nag-uusap at seryoso ang mga mukha. “Lalabas muna ako. May nalimutan akong bilhin sa grocery. Maiwan ko muna kayo diyan.” wika ni Tita Glory at mabilis na lumabas. “Ingat po Tita Glory!” ang nasabi na lamang ni Jan. Pagtapos ay lumapit si Miguel sa tabi ni Jan. “Jan, kailangan natin mag-usap.” bungad ni Miguel. “Alam kong galit ka sa akin sa nangyari noong isang gabi.” patuloy nito. “Gusto kong humingi ng tawad sa mga nasabi ko sa’yo.” sabi pa ni Miguel at hinawakan ang mga kamay ni Jan. Napatango lamang si Jan at hindi alam ang isasagot dito. "Sumagot ka naman!" wika naman ni Miguel. "Kung galit ka sa akin, sigawan mo ako, sumbatan mo ako, sapakin mo ako!" dagdag pa ng binata ngunit hindi pa rin sumasagot si Jan. "Jan." suyo pa ni Miguel. "Aaminin ko, Sir Miguel.." bungad ni Jan. "Nasaktan talaga ako sa mga sinabi mo sa akin." dagdag nito. "Pero kung titignan mo talaga ng mabuti, may point ka. May mga pangangailangan ka talaga na hindi ko kayang maibigay sa iyo." malungkot na sabi ni Jan. ""Jan!" sagot ni Miguel. "Alam mo, totoong may mga bagay na talagang hindi mo maibibigay dahil hindi ka tunay na babae." patuloy nito. "Pero kahit ang isang tunay na babae, may mga bagay na hindi rin maibibigay at ikaw lamang ang makakapagbigay noon." sabi ni Miguel. Nakatango lamang si Jan at nakikinig kay Miguel. "Jan, huwag kang mabangabag kung hindi ka tunay na babae." sabi pa ng binata dito. "Kahit naging isang tunay na babae ka, tunay na lakake o kung ano mang nilalang ka, ma-iinlove pa rin ako sa'yo dahil sa pagiging ikaw." patuloy nito. Naiyak naman si Jan sa mga sinabi sa kanya ng binata. "Jan." sambit ng binata at hinawakan ang mukha nito. Napatingin naman si Jan sa mga mata ni Miguel. "Sir Miguel." sagot nito. Unti-unting lumalapit ang mukha ni Miguel sa mukha ni Jan. Napapikit si Jan nang maglapat na sa wakas ang kanilang labi ni Miguel. Kahit isang simpleng halik lang ang nangyari ay masayang-masaya si Jan dahil sa wakas ay nahalikan na rin niya ang taong mahal na mahal niya. "Hindi ako makapaniwalang mangyayari ang tagpo ito sa amin ni Sir Miguel." sambit ni Jan sa kanyang sarili at dinadama ang bawat saglit. "Sana hindi na matapos ang mga sandaling ito." dagdag pa nito at tumulo ang mga luha nito sa saya. Naghiwalay na lamang ang kanilang mga labi nang madinig nilang tinatawag na sila ni Tita Glory mula sa labas.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon