Chapter 5

13.2K 389 5
                                        

"Good morning, Sir!" bati ni Jan nang dumating si Miguel sa opisina. "Good morning!" sagot naman ni Miguel. "Please be ready for our meeting at nine with the Marketing and Creative team. Later this afternoon, I will meet my father for the quarterly report." dagdag pa ni Miguel. "Noted Sir. Nasa table na po ninyo yung mga report na kakailanganin ninyo mamaya sa meeting ninyo sa inyong Papa." sagot naman ni Jan. "Great! I'll check it out today after our meeting with Ann Therese and Leonard's team." maikling sagot ni Miguel sabay pasok sa opisina niya. "Whoah! Daming gagawin today! Kailangan ko rin tapusin ang mga binilin ni Ms. Paloma bago siya nag-leave!" wika ni Jan sa kanyang sarili habang nagtytype sa kanyang PC at tinatapos ang mga agenda para sa araw na iyon. Ilang saglit pa ay dumating sina Charm at Joy. "Kumusta ka naman diyan?!" bati ni Charm. "Naku ate! Ang dami kong gagawin ngayon!" sagot naman ni Jan. "Ready ka na ba sa meeting mamaya?" tanong naman ni Joy. "Ito nga at tinatapos ko na yung agenda. May hiningi rin kasi si Ms. Ann Therese na report tungkol doon sa 'Dark Soul'." sagot ni Jan. "Oo nga. Pressured si madam dahil mahina ang benta ng laro." wika naman ni Charm. "Wish ko lang makabawi tayo this quarter!" dagdag naman ni Joy. "Wish ko nga! Tuliro tuloy si Sir Miguel!" wika pa ni Jan. "At sobrang concern ka naman sa kanya?!" tanong naman ni Charm. "Ano ka ba?! Syempre concern ako kasi mawawalan tayo ng trabaho kapag mababa lagi ang benta ng mga laro natin, noh!" wika naman ni Jan. "Ayun nga lang ba ang dahilan?" pang-aasar naman ni Joy. "Hay naku! Ayan na naman kayo sa mga pang-aasar ninyo! Nandiyan lang sa loob ang pinag-uusapan natin! Baka madinig kayo at mapagalitan pa ako sa mga pinagsasabi ninyo!" natatawang sabi naman ni Jan. "Eh bakit hindi maalis ang ngiti mo sa labi kapag si Sir Miguel na ang ating usapan?!" pang-aasar pa ni Joy. "Bigyan mo nga yan ng kamias at para maalis ang ngiti sa mga labi!" dagdag naman ni Charm. "Tigilan ninyo ako!" natatawang sagot naman ni Jan. "Oh sige na, Ms. Kamias, babalik na kami sa workstation namin para maghanda rin sa meeting." wika ni Joy. "Mabuti pa nga!" sabi naman ni Jan. "Bye, Ms. Kamias!" pang-aasar ni Charm. Ngumiti lamang si Jan sa mga biro at pang-aasar ng dalawa habang patuloy pa rin sa paggawa ng agenda para sa nasabing meeting.

"Good morning to everyone!" bati ni Ann Therese sa mga dumalo ng kanilang pagpupulong. "I will be presenting to you the current status of our videogame 'Dark Soul' in the market and our plans to boost its sale." dagdag pa ni Ann Therese. Nakaupo naman sa gilid ni Ann Therese sina Miguel at Leonard habang nasa kabilang dulo naman ng lamesa sina Jan, Charm at Joy. Si Jan ay abala sa paglista ng mga importanteng bagay tungkol sa nasabing meeting. Ngunit hindi nito minsan mapigilan mapatingin kay Miguel. "Kahit saang anggulo mo talaga tignan si Sir Miguel eh napaka-gwapo talaga!" kinikilig na sabi nito sa kanyang isip. Tinitigan ni Jan ang bawat detalye ng mukha ni Miguel. Ang maitim at maayos na pagkakasuklay na buhok nito. Ang makapal na kilay, maliliit na mga mata na kung tawagin ng iba ay 'chinito'. Ang matangos nitong ilong. Ang mapupulang labi. Biglang bumilis ang tibok ng mga puso ni Jan nang makita lahat ng mga katangian ng mukha nito. Hindi makakailang gwapo si Miguel. Napahawak bigla sa kanyang dibdib si Jan. Tumingin din si Jan sa katapat ni Miguel, si Leonard. Nakikita nitong gwapo rin si Leonard. Napaisip ito bigla at nagtaka kung bakit ang isang gwapong tulad ni Leonard ay gustong makipagkaibigan sa isang bakla na tulad niya. "Hindi lang talaga siguro ako sanay!" sabi ni Jan sa kanyang sarili. Kung tutuusin ay maari rin humanga si Jan kay Leonard dahil gwapo rin ito. Ngunit nang mapatingin ulit ito kay Miguel, bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso. "Ok. I will give the floor now to Miguel. He will be discussing furthermore the plans of PNYG for the game 'Dark Soul'." pagtatapos ni Ann Therese. Tumayo naman si Miguel upang ipagpatuloy ang nasabing meeting. Tinalakay ni Miguel ang mga plano ni PNYG para nasabing taon sa Marketing at Creative team. Lalong nagkaroon ng pagkakataon si Jan na matitigan si Miguel. Nakaramdam ng pag-init sa kanyang pisngi si Jan nang makita kung ganito katipuno magsalita at ang tindig ng pagtayo nito. "Posible kayang magkaroon ako ng prince charming na tulad si Sir Miguel?" tanong ni Jan sa kanyang sarili. Biglang nakadama ng kirot sa kanyang puso si Jan nang ma-realize na para sa kanya, imposible na ang gwapo at matipuno na tulad ni Miguel ay magkagusto sa kanya na isang simpleng tao lalo na isa siyang bakla. Nasasaktan siya na isipin na ang bakla na tulad niya ay walang karapatan na lumigaya pagdating sa pag-ibig sa mundong ibabaw. "Masakit para sa akin na hanggang tingin lamang ako sa taong gusto ko." malungkot na sabi ni Jan sa kanyang sarili. Si Miguel naman ay nakadama ng pagka-ilang nang mapansin na titig na titig sa kanya si Jan. Na-conscious siya bigla sa pagsasalita sa harap ng grupo. Napansin ito bigla ni Leonard at natawa ito nang makita ang dahilan ng pagiging conscious ni Miguel. "Kaya naman pala, ang sekretarya niya, titig na titig sa kanya." wika ni Leonard sa kanyang sarili. "Mukhang may gusto si Jan sa kanyang boss ah?!" dagdag pa ni Leonard at napangiti na lamang sa kanyang nalaman. Napatingin naman si Jan kay Leonard na napansin na titig na titig ito kay Miguel. Napakagat labi na lamang ito dahil nahiya sa nangyari. Nagpanggap na lamang na may sinusulat ito para mawala ang atensyon nito sa kanya. "Jan, mag-focus ka sa meeting, ano ka ba?" sabi ni Jan sa kanyang sarili. "Focus, Jan! Focus!" wika ni Jan sa kanyang sarili at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon