"Oh my gosh! Anong oras na pala?!" gulat na sabi ni Jan nang magising ito at makita ang oras sa kanyang cellphone. Mabilis itong bumangon at nag-ayos. May usapan sila ni Leonard na magkikita sila sa isang mall ng lunch time. Kinuha nito ang kanyang cellphone at tinawagan si Leonard. "Sir Leonard, sorry, tinanghali ako ng gising. Pasensya na at baka mahuli ako ng ilang minuto." wika ni Jan nang sagutin ni Leonard ang tawag nito. "No problem. Take your time. Paalis pa lang rin naman ako dito." sagot ni Leonard. "Thanks po! See you later!" wika pa ni Jan at pagkatapos ibaba ang tawag ay derechong nagtungo sa banyo upang maligo.
Nang matapos makapagbihis si Jan ay mabilis na itong lumabas ng kanyang silid upang umalis na. Kinuha nito ang kanyang cellphone sa bag at sinubukang tawagan si Leonard upang sabihin na paalis na ito ng kanilang bahay. Ngunit nabigla si Jan nang buksan niya ang pinto ng kanilang bahay palabas. "Sir Miguel!" ang gulat na nasambit ni Jan nang makita nito ang binata sa labas ng bahay nila. "Ano pong ginagawa ninyo dito, Sir Miguel?" tanong pa ni Jan. "Gusto kita makausap." sagot ng gwapong binata. Natigilan lamang si Jan at hindi alam ang kanyang isasagot. "Now I understand kung bakit kailangan mong lumayo sa akin." sabi pa ni Miguel. "Mas mabuti na magkalayo na tayo." sagot naman niya dito. "But you don't need to." wika naman ni Miguel. "Mas mabuti na po ito." sagot pa ulit niya. "Pero mas mabuti kung kasama kita!" wika pa ulit ni Miguel. "Hayaan mo akong makasama ka, Jan." dagdag pa nito. "Ano na lamang ang mangyayari sa inyo kapag hinayaan mong magkasama tayo?!" sabi naman niya dito. "Wala akong pakialam kung anong sasabihin at iisipin ng iba tao. Gusto kita, Jan!" sagot ng binata. "Hindi ko naman po makakaya na makita kayo ng ganon dahil sa akin." sabi pa ulit ni Jan. "Please, Sir Miguel. Babae na lamang po ang hanapin ninyo, huwag na po ako!" dagdag pa niya. "Pero Jan, ikaw ang gusto ko. Huwag mo na akong itulak pa sa iba. Alam ko naman na gusto mo rin ako." sagot ni Miguel at hinawakan si Jan sa kanyang balikat. Natahimik lamang si Jan. "Kung iniisip mong ang papa ko, hayaan mong ako ang lumutas sa problema ko sa kanya." sabi pa ni Miguel. "Hindi mo na po kailangan gawin yan para sa akin. Alam ng papa ninyo ang nakakabuti para sa inyo." sagot ni Jan. "Pero mas alam ko kung ano ang nakakabuti para sa akin. Handa akong isuko ang lahat para sa iyo." wika naman ni Miguel. Bumilis ang tibok ng puso ni Jan sa sinabi ni Miguel. Hindi ito makapaniwala na may isang tunay na lalake sa kanyang buhay ang magsasabi ng ganong kataga sa kanya. "Pero hindi ninyo kailangan gawin yan. Buhay ninyo ang PNYG, ang inyong pamilya." sagot ni Jan. "At ikaw!" sabat naman ni Miguel. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Jan. Hindi talaga siya makapaniwala sa mga salitang binibitiwan ni Miguel. Sa halo-halong emosyon na nararamdaman ni Jan, hindi na nito naiwasan ang luha na tumulo sa kanyang mga mata. Hinawakan ni Miguel ang mukha ni Jan at pinawi ang mga luhang tumulo dito. "Let me love you, Jan." sabi pa ni Miguel. "Mahirap mahalin ang isang tulad ko, Sir Miguel." sagot ni Jan. "Nandiyan na huhusgahan kayo." dagdag pa nito. "I don't care!" sagot naman ni Miguel. "Baka sabihin na bakla na rin kayo dahil dito." sabi pa ulit ni Jan. "I don't mind." sagot ulit ni Miguel. ilang saglit pa ay unti-unting lumalapit ang mukha ni Miguel sa mukha ni Jan. "Just let me love you and I'll do the rest." sabi pa ni Miguel at nilalapit na nito ang mga labi sa labi ni Jan. Pabilis ng pabilis ang kabog sa dibdib ni Jan at ipinikit ang mga mata nito habang lumalapit ang mga labi ni Miguel sa kanya. Nang maglalapat na ang kanilang mga labi ay bigla silang natigilan. "May lovebirds pala dito." sabi ng nakakita kina Miguel at Jan. Napatingin ang dalawa. "Sir Leonard?!" gulat na sabi ni Jan. Ngumiti naman si Leonard sa kanila samantalang nakatingin lamang si Miguel sa kanya. "Mukhang ok na kayong dalawa ah?!" sabi pa ni Leonard. Napayuko lamang si Jan. "Pasensya kung naabala ko kayong dalawa. Nagpunta kasi ako dito kasi naisip kong sunduin ka na dito sa inyo, Jan." sabi ni Leonard kay Jan. Napatingin si Jan sa kanyang cellphone at nagulat siya nang makita ang mga missed call galing kay Leonard. "Aalis ba dapat kayong dalawa?" tanong ni Miguel kay Leonard. "Oo, inimbitahan ko kasing samahan ako ngayon sa Glorietta." sagot ni Leonard. Kunot noong napatingin si Miguel kay Jan. "Huwag kang mag-alala Miguel, walang namamagitan sa aming dalawa ni Jan." sabi pa ni Leonard sa binata. "So iwan ko muna kayong dalawang lovebirds at hayaan na makapag-usap ng masinsinan." dagdag pa niya. "Sir Leonard!" nag-aalalang tawag ni Jan dito. "Don't worry, pwede naman akong magpunta ng Glorietta mag-isa. Mas mabuting mag-usap muna kayong dalawa." sagot ni Leonard. "Sige, mauna na ako." dagdag pa nito at mabilis na umalis. Napatingin lamang ang dalawa habang umaalis si Leonard. "So where are we?" wika ni Miguel. Nag-blush bigla si Jan nang maalalang hahalikan dapat siya ni Miguel kanina. Biglang pumasok si Jan sa bahay. "Pumasok na lang muna kayo dito baka nauuhaw kayo at ikukuha ko kayo ng maiinom!" palusot ni Jan at mabilis na nagtungo sa kusina upang kumuha ng tubig. Napakamot na lamang ng ulo si Miguel at pumasok na lamang sa bahay ni Jan.
Pagkaabot ni Jan ng tubig sa baso kay Miguel ay nagpatuloy ang kanilang pag-uusap. "Ano na, Jan?" tanong ni Miguel. "Anong ano na?" tanong rin ni Jan. "Tayo na?" wika pa ni Miguel. "Tayo na agad?" sabi ni Jan at nag-blush. "Oo. Girlfriend na kita." sabi naman ni Miguel. "Girlfriend?!" nahihiya sabi naman niya dito. "Ano ba dapat? Boyfriend?" sabi ni Miguel. "Ganon?" sagot ng isa. "Since kilos babae ka naman, nagdadamit babae, mahaba ang buhok, ituturing na lang kitang girlfriend ko." sabi pa ni Miguel. "Kayo pong bahala!" sagot niya ulit dito. "So pumapayag ka na talaga?" tanong ulit ng binata. "Kayong bahala!" pakipot na sagot ni Jan. Masayang-masaya naman si Miguel sa sinabi ni Jan. "Pero sa isang kundisyon!" sabi ni Jan. "Ano yun?" tanong ni Miguel. "Ilihim na lang muna po natin ito." sagot ni Jan. "Bakit naman?" tanong ni Miguel. "Para sa kabutihan ninyo rin ito. That's my condition. Take it or leave it!" sagot ni Jan. "Sige na nga!" ang nasabi na lamang ni Miguel at masayang-masaya pa rin. Nakangiti na rin si Jan sa nangyayari. Hindi ito makapaniwalang boyfriend na niya ang matagal na niyang pinapangarap na si Miguel. Tulad na lamang ng kataga sa isang kanta, nasabi ni Jan sa kanyang sarili; "Kung ikaw ay isang panaginip, ayaw ko nang magising."
Nang pumasok siya ng kanyang sasakyan, hindi na muna pinaandar ni Leonard ang makina nito. Naisip nito ang eksena na nakita niya kanina. Nakita nito ang pagtatangkang paghalik ni Miguel kay Jan. Para nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Iniisip niya kung nagseselos ba siya sa kanyang nakita. "Ano itong nararamdaman ko?" tanong ni Leonard sa kanyang sarili. "Nagseselos ba ako?" dagdag pa nito. Pilit niyang tinitimbang ang tunay na nararamdaman niya para kay Jan. "Don't tell me Leonard na nahuhulog ka na rin kay Jan?" wika pa ni Leonard sa kanyang sarili. Ngunit alam ni Leonard sa kanyang sarili na masaya siya para kay Miguel at Jan. Masaya siya para kay Jan dahil alam niya noon pa kung gaano ka-gusto ni Jan ang kanyang boss. Pero naisip nito kung bakit siya nababagabag ngayon sa kanyang nakita. Alam niya rin sa kanyang sarili na gusto niya si Jan ngunit hindi lamang siya sigurado ngayon kung anong klaseng pagka-gusto ang nararamdaman niya para dito. "I'm happy for you, Jan." sabi na lamang ni Leonard sa kanyang sarili at pagkatapos ay pinaandar na ang makina ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...