Kumain ang magkaibigan na sina Leonard at Jan sa paborito nilang restaurant sa isang mall. "Kumusta na kayo ni Miguel?" tanong ni Leonard kay Jan. "Hindi pa rin kami nag-uusap since noong huli naming pagkikita." sagot naman niya dito. "Bakit naman?" tanong pa ulit ng gwapong binata. "Aba! Hindi porke't gwapo siya ay hahabul-habulin ko siya!" sagot ni Jan. "Kailangan niya ring malaman sa sarili niya na mali siya!" dagdag pa nito. "Ano ba ang nangyari?" tanong pa ulit sa kanya. Dahil sobrang 'open' naman si Jan kay Leonard kay kinuwento niya ang buong nangyari dito. "Pati ba naman ikaw ay pinagseselosan!" sabi pa ni Jan. "Hindi ko nga alam kung kikiligin ako dahil feeling ko ang haba ng buhok ko sa pagseselos niya." dagdag pa ni Jan. "Pero kasi napaka-immature na pati ba naman ang matalik kong kaibigan ay pagseselosan niya." wika pa ulit niya. Napangiti lamang si Leonard sa tinuran nito. "Siyempre, hindi ko pa rin maitatangging naging bahagi na kayo ng buhay ko ang isa kayo sa mga mahalagang tao para sa akin." wika pa ni Jan. "Salamat Jan!" ang sagot na lamang ni Leonard dito. "Pero balak ko nga siyang sopresahin this weekend. Pupuntahan ko siya bigla sa kanyang condo para ibigay yung monthsary gift ko sa kanya." sabi pa ulit ni Jan. "Monthsary?" usisa ni Leonard. "Oo, alam ko! Parang mga teenager lang. Pero siyempre, para sa akin ay 'big deal' iyon dahil wala naman akong nakarelasyong nung teenager ako!" sagot ni Jan. Natawa naman bigla si Leonard. "Makatawa naman ito! Ikaw na ang gwapo dahil alam ko namang marami kang naging girlfriend noong teenager pa kayo!" ang sabi ni Jan habang nakanguso. "Napaka-sensitive mo talaga!" sabi naman ni Leonard. "Bakit kasi hindi ka na maghanap ng girlfriend mo!" wika ni Jan sa kanya. "Kasi may ibang gusto na ang gusto ko." sagot ni Leonard. Napalunok bigla si Jan sa sinabi ni Leonard. "Huwag kang assuming, Jan." sabi niya sa kanyang sarili. "Sino ba ito, baka matulungan kitang ilakad sa kanya since simula pa lang, lagi mo na akong tinutulungan." sabi naman ni Jan kay Leonard. "Huwag na. Ayaw ko naman na parang nanghihingi ako ng kapalit sa mga bagay na ginawa ko para sa'yo." sagot ni Leonard. "At saka kung ano man yung mga ginawa ko, ginusto ko yun para sa'yo." dagdag pa nito. Napangiti si Jan sa sinabi nito. "Salamat!" masayang sagot ni Jan. "Napakaswerte ng babaeng pipiliin mo dahil napakabuti mo. Hindi ko tuloy malaman kung bakit hindi ikaw ang pinili ng taong gusto mo." dagdag pa nito. Ngumiti rin si Leonard. "Dahil kailanman, hindi talaga natin kayang diktahan ang puso natin kung sino ang ating mamahalin." sabi ni Leonard. "Hay naku, Sir Leonard. Napaka-cheesy mo na! Baka gutom lang yan. Kumain na tayo!" biro ni Jan. Napatawa na rin si Leonard. "Ang cheesy ba?" sabi pa nito. "After natin kumain, ok lang ba na dumaan tayo sa isang store?" sabi naman ni Jan. "Sure!" sagot ni Leonard. "Gusto ko lang kasi bumili ng stuffed toy. Susupresahin ko lang si Sir Miguel. Pupuntahan ko siya mamaya sa condo niya." dagdag pa nito. "Sino sa atin ang cheesy?" biro ni Leonard. "May pa-stuffed toy pa nalalaman." dagdag pa nito at nakangiti. "Nagpapaka-sweet lang ako noh! Siyempre, nagkatampuhan kami." sabi naman ni Jan at halatang parang napipikon pero natatawa pa rin. "Mag-girlfriend ka na kasi para maging cheesy ka na rin!" dagdag pa nito. "Hayaan mo, kapag may girlfriend na ako, ikaw ang unang makakaalam!" sagot ni Leonard.
Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo sila sa isang hobby shop at bumili si Jan ang malaking stuffed toy na teddy bear. "Hahatid na kita papunta kina Miguel." sabi ni Leonard nang pabalik na sila sa parking lot. "Ok lang sa'yo? Pwede naman akong mag-taxi na lang." sagot ni Jan. "May dala kang malaking teddy bear, hassle pa sa'yo kung magta-taxi ka." wika ni Leonard. "Sige, salamat!" sagot ulit ni Jan. Kaya pagsakay nila ng sasakyan ay dinaan ni Leonard si Jan patungo sa condo ni Miguel.
Abalang-abala si Miguel sa paglalaro ng kanyang PS4 nang biglang may nag-doorbell. "Baka si Jan na yan." sabi ni Miguel sa kanyang sarili at mabilis na nagtungo papunta sa pinto. Matagal niya na ring hindi nakita si Jan kaya na-miss niya ito. Naalala nito nang simula nang maging sila ni Jan, hindi niya pa ito nahahalikan. "I'll make sure na magaganap ito ngayon." sabi pa ni Miguel sa kanyang sarili. Naalala nito noong oras na nagtapat siya kay Jan, naudlot ang pag-asang mahalikan niya ito nang biglang dumating si Leonard. Hindi rin sila nagkakaroon ng pagkakataon na gawin ito dahil hindi rin nagpapahiwatig si Jan. Naisip nitong naiilang pa si Jan gawin ito. Pagdating niya ay sinilip muna nito sa door peephole kung si Jan nga ang nasa pintuan. Nagulat ito nang makita si Lumina ang nasa tapat ng pinto. "Anong ginagawa niya dito?" tanong ni Miguel sa kanyang sarili. Pinagbuksan niya pa rin ito ng pintuan. "What do you want?" matabang na tanong ni Miguel kay Lumina. "Gusto ko lang po sana humingi ng tawad sa nagawa at nasabi ko." sagot ni Lumina. "I know that you're planning to terminate me kaya naglakas-loob na po akong nagpunta dito upang humingi ng paumanhin." dagdag pa ni Lumina. Nakatingin lamang si Miguel sa kanya. "Kung tatanggalin ninyo po ako, makikiusap po sana ako na kung maari ay ilipat ninyo na lamang po ako ng ibang department." sabi pa ni Lumina. "Hindi ko po kayang mawalan ng trabaho dahil sa akin lang po umaasa ang pamilya ko." dagdag pa nito at biglang umiyak sa harap ni Miguel. Biglang nabagabag ang loob ni Miguel nang makita niyang umiyak si Lumina. "Dito tayo sa loob mag-usap." sabi ni Miguel at pinapasok si Lumina sa loob. Pagpasok nila ay pinaupo niya si Lumina sa couch. "Maupo ka muna diya, ikukuha lang kita ng maiinom." sabi ni Miguel at nagtungo muna sa kusina at kumuha ng juice mula sa refrigerator. Pagbalik niya ay nakita niya si Lumina na nakaupo sa sofa at hinihintay siya. "Aaminin ko sa'yo, Lumina. Kinausap ko na si Ms. Paloma na tanggalin ka sa kumpanya dahil sa mga ginawa mo." bungad ni Miguel. "Patawad po, Sir Miguel." sagot ni Lumina. "Pero sana bigyan ninyo pa ako ng isa pang pagkakataon. Ako lang po ang tumutulong sa mga magulang ko upang pag-aralin ang lima ko pang nakababatang kapatid." dagdag pa ni Lumina. "Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit kailangan sabihin mo ang mga sinabi mo sa akin noon." sabi ni Miguel. "Sorry po talaga." wika naman ni Lumina. "Aaminin ko po sa inyo. Attracted po ako sa inyo. Hindi ko lang po napigilan ang sarili ko." dagdag pa nito. "But I hope you know na I'm already taken." sagot naman ni Miguel. "Opo." maiksing sagot ni Lumina. "Sige, I will talk to Ms. Paloma again to revised your emplotment status. I'll be endorsing you to the Marketing Team instead." sabi ni Miguel. Sa tuwa ay biglang lumapit at napayakap si Lumina kay Miguel. "Salamat po, Sir Miguel!" ang nasabi ni Lumina. Hinawakan ni Miguel at mga balikat ni Lumina. "Sige na. Hindi mo na ako kailangan yakapin." sabi pa ni Miguel. "Sorry po." sagot ni Lumina at bumitaw sa pagkakayakap kay Miguel. "Naglalaro pala kayo ng PS4?" tanong naman bigla ni Lumina nang makita ang nasabing game console. "Oo." sagot ni Miguel. "Panood ninyo naman po sa akin kung paano maglaro niyan." pakiusap naman ni Lumina. Umupo ang dalawa sa sofa at pinakita ni Miguel kay Lumina ang paglalaro nito. Umupo malapit kay Miguel si Lumina. "Ito na ang chance ko." sabi ni Lumina sa kanyang sarili. Ilang saglit pa ay biglang tinulak ni Lumina si Miguel pahiga sa sofa. Nagulat si Miguel lalo nang biglang halikan siya ni Lumina sa kanyang mga labi. "Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Miguel. "Matagal ko na po kayong gusto, Sir Miguel. Ito lang ang pagkakataon kong matikman kayo. Kahit ngayon lang, ok na sa akin." sagot ni Lumina at mabilis na hinuhubad ang mga saplot nito. Alangan naman si Miguel sa nagaganap. Nang ang matira na lamang sa suot ni Lumina ay ang kanyang underwear, pilit na tinatanggal ng babae ang polo na suot ni Miguel. Nang makita ni Miguel at magandang hubog na katawan ni Lumina ay unti-unti na itong nadadarang. Naisip nitong matagal na panahon na rin nang huli niyang karanasan. Natatandaan niya ang hui niya ay nang makasama niya si Helena at ilang buwan na rin ang nakalipas. Nang matanggal ni Lumina ang suot na polo ni Miguel ay mabilis ulit nitong hinalikan sa mga labi si Miguel.
"Salamat po, Sir Leonard." sabi ni Jan nang bumaba na ito sa tapat ng condominium ni Miguel. "Sige, ingat ka sa pag-uwi!" sagot ni Leonard. Nang makita ni Leonard na nakapasok na ng gusali si Jan ay umalis na rin ito. Pagpasok niya ay binati siya ng receptionist dahil kilala na rin siya nito. "Ang laki po niya, sir ah?!" sabi sa kanya ng magandang receptionist. Dahil tago pa rin kahit paano ang relasyon nila ni Miguel, nagsinungaling pa rin ito. "Pinabibili ng boss ko eh." sagot niya dito. Ngumiti lamang ang receptionist. Pinindot ni Jan ang 'up' button sa elevator at hinihintay na makarating ang elevator car. Nang makarating na siya sa palapag ay mabilis na itong nagtungo kung nasaan ang unit ni Miguel. Magdodoor-bell sana siya nang maalala niyang may susi pala siya ng unit nito. Para masupresa niya ang kanyang nobyo, kinuha niya ang susi mula sa kanyang bag at dahan-dahan na pumasok ng condo unit. Pagpasok niya ng unit ay dahan-dahan din itong naglakad patungo sa living room upang silipin ang nobyo sa bedroom nito upang supresahin. Ngunit siya mismo ang nasupresa sa nakita niyang eksena sa living room. Napatingin si Miguel kay Jan nang makitang may taong pumasok sa unit niya. "Jan?!" gulat na sabi ni Miguel. Halos gumuho ang mundo ni Jan sa nakita niyang eksena. Nabitawan nito ang hawak na malaking teddy bear at mabilis na lumabas ng unit. Tumayo bigla si Miguel at sinubukang habulin si Jan. "Jan!" tawag pa nito sa kanya ngunit parang bingi itong tumakbo palabas. Napatingin na lamang si Miguel kay Lumina. "Magbihis ka na!" utos nito sa babae. "At kung pwede sana umalis ka na muna." dagdag pa nito. Mabilis na nagbihis si Lumina, kinuha ang bag at lumabas ng condo unit ni Miguel. Nagtungo si Lumina sa elevator lobby habang hinihintay ang elevator car na makarating sa palapag kung nasaan siya. "Naging matagumpay ang plano ko!" nakangiting sabi ni Lumina sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...