Halos mag-aalas singko na ngunit hindi pa rin tapos si Jan sa mga trabaho nito. Ginagawa niya ang schedule ni Miguel para sa susunod na linggo. "Magiging busy masyado pala si Sir Miguel next week. Kailangan paghandaan ko ito lahat dahil inaasahan niya ako!" sabi ni Jan sa kanyang sarili. Maya maya pa'y may lumapit sa desk niya. "Ay Sir Leonard, ester Leonard! May appointment po ba kayo kay Sir Miguel?" gulat na tanong ni Jan dito. "Wala naman. Pinuntahan ko lang si Ann Therese sa Marketing kaya napadaan na rin ako dito. Sabi ko naman sa'yo hindi ba, gusto kita maging kaibigan!" tugon ni Leonard. "Bakit naman sa akin ninyo pa gusto makipagkaibigan? Marami naman po diyan na sa tingin ko ay mas ok, mas normal." sagot naman ni Jan. "What do you mean?" nagtatakang tanong ni Leonard. "I mean, normal. Straight na babae or lalake. Kasi hindi po ako sanay na may lalakeng nakikipagkaibigan sa akin." sagot naman ni Jan. "Bakit? Hindi ka ba normal? Don't tell me, isa kang alien?" pabirong tanong ni Leonard. "Hindi naman po. Kasi po hindi ba, ako'y hindi normal, uhm, ganito po.." pagsasabi ni Jan nang biglang sumabat si Leonard. "Hindi ka straight na lalake? Isa kang bakla?" sabi ni Leonard. "Tama! Isa po akong bakla!" sagot ni Jan. "Eh ano naman? Wala naman problema sa akin na makipagkaibigan sa isang tulad mo, sa isang bakla." sabi naman ni Leonard. "Pasensya na po. Siguro hindi lang po ako sanay. I mean, kasi kung may lalakeng nakikipagkaibigan sa akin, usually may intensyon yan!" sagot naman ni Jan. "Wala naman akong masamang balak gawin sa'yo! Gusto ko lang makipagkaibigan." wika ni Leonard. "Sorry naman! Wala akong masamang ibig sabihin. Nasanay na talaga siguro ako na kapag may lalakeng lumalapit sa akin eh may kailangan!" sagot ni Jan. "Don't worry, ang kailangan ko lang talaga sa'yo ay ang pakikipagkaibigan mo. I find it interesting kasi nagulat nga ako na ang isang tulad mo ay gamer rin! Siguro hindi lang rin ako sanay kaya nagustuhan ko ngang makipagkaibigan sa'yo, parang something new ba!" sabi naman ni Leonard. "Something new talaga?" natatawang tugon naman ni Jan. At habang patuloy na nag-uusap ang dalawa ay biglang may dumating. "Nandiyan ba si Miguel?" tanong ng lalake. "Good afternoon! Do you have an appointment with Sir Miguel?" tanong ni Jan sa lalake. "No. But please tell him that I'm here." sagot naman ng lalake. "Sabihin mo kay Miguel na nandito si Joshua." sabat naman ni Leonard. Tinawagan naman ni Jan si Miguel sa telepono upang ipaalam na dumating nga si Joshua. Sinabihan naman ni Miguel si Jan na papasukin na si Joshua sa loob ng opisina. "You may proceed to his office, Sir!" batid ni Jan kay Joshua. "Thank you!" sagot ni Joshua at pumasok na sa loob ng opisina ni Miguel. "Iyon ang matalik na kaibigan ni Miguel." sabi ni Leonard kay Jan. "Ah ok!" sagot naman ni Jan. "My gosh! Puro gwapo naman ang nakikita ko dito! Si Sir Miguel, tapos si Sir Leonard, tapos dadagdag pa si Sir Joshua! Overkill na ito!" natatawang sambit ni Jan sa kanyang sarili. "Oh, bakit ka napapangiti diyan?" tanong ni Leonard kay Jan nang mapansing ngumingiti ito. "Wala lang po!" sagot naman ni Jan. "Huwag mo nga rin akong pino-po, bata pa ako!" wika naman ni Leonard. "Nagiging magalang lang po!" sagot naman ni Jan. "Kung ganon, hindi mo na kailangan galangin ako dahil magkaibigan na tayo, ok?!" sabi ni Leonard. "Opo!" sabi ni Jan at patuloy na nagtawan ang dalawa.
"Pare, ayun ba ang bagong sekretarya mo?" nagtatakang tanong ni Joshua kay Miguel. "Yup!" maiksing sagot ni Miguel. Biglang natawa nang malakas si Joshua. "Pinarurusahan ka na ba sa mga pinag-gagawa mo kaya ka binigyang ng baklang sekretarya?" tanong ni Joshua at patuloy pa rin sa pagtawa. "Wala akong choice dahil kung hindi ay ibubuko na ako ni Ms. Paloma kay Papa." sabi naman ni Miguel. "Hindi ko alam kung makikisimpatya ako sa'yo. Ilang sekretarya na ba ang mga napaluha mo?" tawa pa rin ng tawang si Joshua. Ngumiti lamang si Miguel sa matalik na kaibigan. "Don't tell me pare baka pati yang bago mong sekretarya eh patusin mo rin!" natatawang biro ni Joshua. " Yan ang malabong mangyari! Magugunaw muna ang mundo bago mo ako makitang papatol sa isang bakla!" sagot ni Miguel. Humalakhak lalo ng malakas si Joshua. "By the way, sasama ka ba sa lakad natin next week papuntang Boracay? Kinukulit na ako ni Naomi na magbakasyon na doon!" sabi ni Joshua. "Ang tagal ninyo na rin ni Naomi ah?!" namamanghang sabi ni Miguel. "Syempre pare, mahal ko ang taong yun!" nakangiting sagot ni Joshua. "Ewan ko ba sa'yo bakit hindi mo subukan na magseryoso na sa babae? Dahil pa rin ba kay Helena?" wika ni Joshua sa kaibigan. "Pare, kailangan ko lang mag-focus muna sa kumpanya!" pagtangging sagot ni Miguel. "Kilala kita! Alam kong hindi ka pa rin maka-move on diyan kay Helena!" sagot ni Joshua. "Kayo na lang muna ni Naomi ang mag-Boracay! Marami akong appointment next week, lalo pa ngayon na naka-leave rin si Ms. Paloma next week." sagot ni Miguel at tila hindi sinagot ang mga sinabi ni Joshua tungkol kay Helena. Napaisip bigla si Miguel. Kumusta na kaya si Helena? Ang kanyang childhood sweetheart na kanyang minahal nang todo. Ngunit dahil sa kagustuhan nitong ipagpatuloy ang napiling career sa Paris, iniwan siya nito. Tama ang kaibigan niyang si Joshua, hindi niya kayang magseryoso dahil wala pang maaring pumalit sa puso niya kay Helena. "Basta, advise me kapag nagbago ang isip mo! This Sunday na ang flight namin ni Naomi!" wika ni Joshua sa kanyang kaibigan. "Salamat, pare!" sagot na lamang ni Miguel.
BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Любовные романыa story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...