Chapter 29

9.9K 327 12
                                    

Nagkasundo ang mga magkakaibigan na sina Jan, Leonard, Charm at Joy na magkita sa isang mall sa Makati. Napag-usapan nilang kumain sa isang buffet restaurant na noon pa nila balak gawin. Kasama rin nila ang nobyo ni Charm na si Matias at ang nobyo ni Joy na si Zanjoe. "Bakit hindi natin sinama si Sir Miguel?" natanong ni Charm. "Eh bakit hindi mo niyaya?" biglang tanong naman ni Joy. "Bakit ako ang magyayaya eh si Jan ang may close doon?" sagot ni Charm. "Close agad?!" hirit naman ni Jan. "Bakit, hindi ba?" biro naman ni Joy. "Sabagay, bakit pa natin kailangan isama si Sir Miguel eh kasama naman niya si Sir Leonard!" nakisabay na rin sa biruan si Charm. Natawa at napangiti na lamang si Leonard sa biruan. "Oo nga! Kasama ko naman ang baby ko!" nakisakay na rin si Jan sa biruan ang napahawak sa mga braso ni Leonard. Tumingin naman si Leonard nang kumapit sa kanya si Jan. "Bakit ninyo pa nga hinahanap si Miguel eh nandito naman ako. Ang sweet kaya ng 'girlfriend' ko." wika naman ni Leonard at umakbay kay Jan. Naghiyawan naman ang dalawang babae at napahawak rin sa kani-kanilang boyfriend. "Ang sweet!" hirit ni Joy. "Bagay kayo!" sabi naman ni Charm. Humirit naman ang dalawang lalake. "Kiss na yan!" biro ni Zanjoe. Napatawa ng malakas sina Charm at Joy. Nag-blush naman bigla si Jan sa hirit nila. "Oh, paano ba yan, Jan?! Kiss daw?!" hirit naman ni Leonard kay Jan. "Tigilan ninyo nga ako!" sagot ni Jan. "Ay! Choosy pa ang ate!" humirit si Joy sabay sundot sa tagiliran ni Jan. "Nakakaloka na yang biro ninyo ah!" sagot na lamang ni Jan. "Sino ba ang nagsabing nagbibiro ako?" sabi naman ni Leonard kay Jan. Nagtawanan at nagtilian naman sina Charm at Joy si kilig. Kahit alam nilang biro lang iyon ay kinilig sila para sa kaibigan nilang si Jan. "Kiss daw?"! hirit ulit ni Leonard kay Jan. Ngumiti na lamang si Jay kay Leonard at pagkatapos ay kinurot na lamang ang pisngi nito. Nagtawanan na lamang silang magkakaibigan.

Ilang saglit pa ay natapos na silang kumain at nagkayayaan nang umuwi. "So paano ba yan? Kanya-kanya na tayo?!" sabi ni Charm sa grupo. "Oo, alam naman namin na may iba pa kayong lakad ni Matias." hirit ni Joy. Tse na lamang ang nasagot ni Charm at tumawa. "Kay Sir Leonard ka na sasabay umuwi?" tanong ni Joy kay Jay. "Ano pa nga ba eh may iba rin kayong lakad ni Zanjoe eh." sagot ni Jan. "Of course! Hindi naman pwedeng si Charm lang ang masaya!" wika naman ni Joy. "So ikaw na pong bahala sa kaibigan nating si Jan." sabi naman ni Joy kay Leonard. "Huwag kayong mag-alala, iuuwi ko ng buong-buo itong si Jan." sagot ni Leonard. Nagtawanan na lamang sila at sila'y tumayo na upang umalis. Ngunit nang paalis na sila ay nakasalubong nila si Helena. Hindi nila namalayan na nasa nasabing restaurant din pala si Helena. "Look who's here?"! mataray na sabi ni Helena na nakataas pa ang mga kilay lalo na nang makita si Leonard at Jan. Sumimangot naman bigla si Jan nang makita nito si Helena. "I never thought that a faggot like you is allowed here." mataray na sabi ni Helena. "Helena, stop it!" saway ni Leonard. "Why are you keep on defending this low-life creature, Leonard?" wika naman ni Helena. "And you'd rather choose this faggot than a woman like me?!" dagdag pa ni Helena. "Excuse me!" singit ni Jan. "Hoy! Kung noong una ay pumayag akong lait-laitin mo, pwes! ngayon hindi na!" hirit pa ni Jan. "At saka tigil-tigilan mo na akong manggagamit na babae ka! Bakla nga ako pero at least hindi ako isang babaeng parang puta na ipagamit lang ang katawan kahit may matapakan nang ibang tao upang makuha lamang ang gusto nito!" dagdag pa niya. "What did you say?!" galit na sagot ni Helena at biglang hinawakan ang braso nito. "At huwag na huwag mo akong mahahawakang babae ka kung ayaw tumambling palabas ng restaurant na ito! Bakla nga ako pero pwede akong magtransform na incredible hulk kaya matakot ka!" sabi pa ni Jan sabay bawi sa pagkakahawak ni Helena. Hindi na rin naiwasan ni Joy ang magkomento nang mainis nang sobra kay Helena. "Hay naku! Tara na! Inggitera lang sa'yo yan Jan dahil naka-close mo lang si Sir Miguel. Kinabog mo siya dahil nakukuha ni Sir Miguel makipaglaro sa'yo ng PlayStation sa kanila!" sabi ni Joy. "Tama! Umalis na tayo dito!" hirit pa ni Charm. Kaya mabilis na umalis na ang grupo nila upang makaiwas na rin sa gulo. Ngunit bago pa sila makaalis ay naka-hirit pa si Jan kay Helena. "Echoserang frog!" sabi ni Jan kay Helena at mabilis na umalis. "What?! That faggot can stay at Miguel's place?"! sabi ni Helena sa kanyang sarili at sumimangot. "We'll see who will have the last laugh!" sabi pa ni Helena.

Paglabas nila ng restaurant ay sandaling silang nag-usap-usap tungkol sa nangyari sa loob. Napag-usapan nilang kalimutan na lamang ang nangyari. Pagkatapos niyon ay nag-paalam na sila sa isa't-isa at sila'y naghiwa-hiwalay na. Si Leonard at Jan naman ay nagtungo na sa parking lot upang magtungo sa sasakyan ng nauna. Pagsakay nila ng sasakyan ay biglang natawa si Leonard. "Anong nakakatawa?" nagtatakang tanong ni Jan. "Naalala ko lang yung mga sinabi mo kay Helena." sagot ni Leonard. "Eh ano naman ang nakakatawa doon?" tanong pa ulit ni Jan. "Nagulat lang rin ako kasi ang taray mo kanina." sabi pa ulit ni Leonard. Si Jan naman ay naging malayo at tingin at ilang saglit pa ay ngumiti ito. Napansin ito ni Leonard. "Bakit ka naman nakangiti diyan?" tanong niya dito. "Naalala ko lang rin lahat." sagot ni Jan. "Lahat?" tanong pa ni Leonard. "Lahat ng mga nagawa mo sa akin. Naalala ko kasi yun sinabi ni Ms. Helena na mas pinili mo pa ang isang bakla na katulad ko kesa sa isang maganda at sexy na babae na tulad niya." paliwanag ni Jan. Ngumiti rin si Leonard sa sinabi nito. "Thank you!" wika pa ni Jan. "Marami pong salamat, Sir Leonard sa lahat. Naisip ko na sa simula pa lang, kayo lagi ang nandiyan. Salamat at pinakilala ninyo ako sa pamilya ninyo. Nakilala ko ang papa at mama mo at masaya ako na tinuturing na nila ako bilang isang parte ng pamilya ninyo. Salamat po at tuwing kailangan ko kayo, nandiyan kayo. Lagi ninyo akong sinusuportahan. Lagi ninyo akong tinutulungan. Kaya maraming maraming salamat po." mahabang wika ni Jan. Tinapik lamang ni Leonard ang mga braso ni Jan bilang tugon dito. "Minsan nga, natatakot na nga akong mahulog ang loob ko sa inyo." sabi pa ni Jan. "Mahulog na umabot pa sa pagkakataon na mahalin ko na kayo!" patuloy ni Jan. "Sorry kung sinasabi ko na sa inyo ito pero gusto ko kasing maging completely honest sa inyo, sa nararamdaman ko para sa inyo." wika pa niya. "Mahal ko po kayo Sir Leonard pero.." natigilan si Jan at napaisip. "Pero mas mahal mo si Miguel?" patuloy naman ni Leonard. "Sa totoo lang po, hindi ko po alam." sagot ni Jan. "Pero pwede ko po ba malaman?" tanong naman niya dito. "Malaman na?" ani ni Leonard. "Bakit ang bait-bait ninyo sa akin? Hindi ba kayo natakot sa akin? Natakot rin na baka mahalin ko kayo?" tanong ni Jan. "Aaminin ko sa'yo Jan." pasimula ni Leonard at tumingin si Jan sa kanya sa mga mata. "Noong una talaga, natuwa lang ako sa'yo dahil hindi ako makapaniwala na ang isang tulad mo ay magiging hardcore gamer. Na-curious lang ako noong una sa'yo. Tapos nang makilala kita noong una, naalala ko ang kapatid kong si Laurence sa'yo. Sabihin na natin na naging mabait lang ako sa'yo noong una kasi parang ayun na yung paraan ko para sarili ko na makabawi sa mga pagkukulang ko sa kapatid ko. Pero nang lalo pa kitang nakilala, yung mga strength and weaknesses mo, lalo na kitang nagustuhan. Tapos nang makita pa kitang laging nasasaktan, parang nadudurong ang puso ko na makita ka sa ganoong sitwasyon. Parang nagkaroon ako ng drive sa aking sarili na protektahan ka hindi ko alam kung bakit. Inisip ko na baka isa rin yung paraan na makabawi sa aking yumaong kapatid. Pero minsan naiisip ko na parang higit pa doon ang nararamdaman ko." paliwanang ni Leonard. "Ano po ba talaga ang turing ninyo para sa akin?" tanong ni Jan. "Maaring mahal na kita, Jan." sagot ni Leonard. Nabigla si Jan sa sinabi ni Leonard sa kanya. "Pero.." dagdag ni Leonard. "Hindi ko pa masabi sa'yo ito dahil hindi rin ako sigurado sa sarili ko. Nasasabi ko na willing akong isuko ang pagkalalaki ko, tawagin na nilang akong bakla para sa'yo. Pero sa totoo lang, hindi rin talaga ako sigurado sa nararamdaman ko para sa'yo. At dahil dito, ayaw rin kitang masaktan dahil alam ko na sa personality mo ay madali ka ma-inlove." wika ni Leonard. "At saka alam kong ang talagang mahal mo ay si Miguel." dagdag pa niya. Tumulo ang luha sa mga mata ni Jan. "Kaya mas gugustuhin ko maging kuya mo na lamang, mahalin ka bilang nakababatang kapatid ko." sabi ni Leonard at pinunasan ang mga tumulong luha nito. "Marami pong salamat, Sir Leonard." sagot ni Jan. "Kung kakailanganin ninyo po ang tulong ko, huwag po kayong mag-atubiling tawagin ako. Kahit nasa Tawi-tawi ako, lilipad ako para sa inyo!" wika ni pa ni Jan. Natawa bigla si Leonard sa sinabi ni Jan. Napangitin ito dahil nakuha pa nitong magpatawa sa gitna ng kanilang seryosong usapan. "At kapag nagkaroon na kayo ng girlfriend, sabihin ninyo lang sa akin kung sinasaktan kayo, ipapatikim ko sa kanya ang bagsik ng isang naghihimagsik na bading, dahil karapat-dapat lamang kayong mahalin ng tunay at totoo." sabi pa ni Jan. "Huwag kang mag-alala, kapag nagka-girlfriend na ako, ikaw ang unang makakaalam." sagot naman sa kanya ni Leonard. "Basta, huwag lang yang si Ms. Helena!" hirit pa ni Jan. Natawa na lang ulit si Leonard sa sinabi ni Jan. "Don't worry, hindi ko magiging girlfriend si Helena." sagot pa niya dito.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon