Chapter 62

6.2K 230 5
                                    

Dahil malungkot ay naisipan ni Jan na magtungo sa mall upang libangin ang sarili. Dumaan muna ito sa isang fastfood chain at bumili ng sundae na paborito niyang kainin tuwing malungkot. Pagkatapos niyon ay nagtungo ito sa arcade shop upang maglaro. Naglaro ito ng paborito niyang fighting game na Tekken ngunit natalo agad siya dahil hindi makapag-focus sa laro dahil maraming bagay ang pumapasok sa kanyang isip. Nagtungo na lamang siya sa kanyang paboritong coffee shop at umorder na paborito niyang kape. Naupo ito sa pinakadulong pwesto ng shop at nag-isip-isip. Napatingin ito sa labas ng coffee shop at nakita nito ang magkasintahan na magkasama at makikitang masayang-masaya sila sa isa't-isa. Nakita ni Jan sa mga mata ng lalake kung gaano nito kamahal ang kanyang kasintahang babae. Napaisip bigla si Jan na mas mabuti siguro na babae na lamang ang maging kasintahan nina Miguel at Leonard. Nagtaka pa ito bakit bigla niya rin naisip si Leonard kahit hindi naman sila magkarelasyon. Nag-isip pa lalo si Jan sa magiging hinaharap kung magpapatuloy pa ang relasyon nila ni Miguel. Naisip nito na mas mabuti pang magkaroon na lamang si Miguel ng isang babaeng kasintahan si Miguel na maari makapagbigay ng lubos na kasiyahan sa kanya. Dahil maibibigay ng isang babae na lubos na kaligayahan at mabibigyan rin siya nito ng masaya at "normal" na pamilya. Maibibigay ng isang babae ang isang anak na maaring makapagpaligaya kay Miguel. Naisip rin ni Jan na maaring dumating din ang panahon na iwan siya ni Miguel kapag nagsawa na siya sa relasyon nila at ipagpalit sa ibang babae. Napagtanto nito na mas mabuti wakasan na nito ang kanilang relasyon upang makaiwas pa sa mas lalo pang sakit na idudulot kung maghihiwalay din lamang sila. Itigil na ang kanila relasyon hangga't kaya niya pang tiisin ang sakit na idudulot ng paghihiwalay. Naisip nito na kung magtatagal pa lalo ang kanilang relasyon, baka dumating ang panahon na hindi na niya kayang mabuhay nang wala si Miguel. Naisip rin nito ang pangyayari sa pagitan nila ni Miguel at ng ama nito. Kung gaano hinahadlangan nito ang kanilang relasyon. Napangiti si Jan nang maala kung paanong pinaglaban ni Miguel ang pagmamahal nito sa kanya. Nakaramdam naman agad bigla ito ng guilt dahil nasasaktan itong parang mapupunta lang sa wala ang pinaglaban ni Miguel. Lalo itong nakaramdam ng guilt ng pumasok sa isip niya si Leonard. Ang parang pagtataksil niya kay Miguel nang dahil kay Leonard. Napaisip itong maaring sabunutan na siya ng lahat ng bading sa buong Pilipinas dahil itong may dalawang gwapo at matipuong lalake ang handang mahalin siya pero ito siya ngayon at nagdadalawang-isip sa mga pag-ibig nito. Napakuskos ito ng kanyang mukha sa pagkalito. Nahiya ito nang mapansing tinitignan siya ng mga tao sa katabing lamesa. Napangiti na lamang si Jan sa mga ito sa pagkapahiya. Humiwa na lamang ito ng kanyang paboritong blueberry cheesecake at kinain ito. Nang maubos nito ang kanyang iniinom na kape, lumabas na ito ng coffee shop at nag-ikot-ikot sa park ng mall. Kinuha nito ang baong lollipop at nagpatuloy sa pag-iisip. Napatingin ito sa isang pamilyang kumakain sa isang restaurant. Nakita nito kung gaano kasaya ang mga ito, ang mga ngiti sa mga mukha ng mag-asawa habang tinitignan ang kanilang anak na masayang-masayang kumakain. Nakaramdam ito ng kurot sa kanyang puso dahil naisip nito hindi nito kayang ibigay kay Miguel. Naisip din bigla ni Jan si Leonard. Naisip nitong itigil na ang magandang pagkakaibigan nito sa kanya dahil habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagtingin nito sa kanya. Naisip nito kung paanong laging nandiyan si Leonard sa kanya tuwing kailangan niya ito. Naisip nitong lumalabas na unfair siya kay Leonard dahil ito lamang ang kanyang igaganti sa kabuting ipinakita sa kanya. Ngunit naisip nitong mas mabuti lumayo na lamang siya mula sa binata para na rin sa ikabubuti nito upang makatagpo ng babaeng karapat-dapat sa pagmamahal nito. Naisip nito kung gaano ka-swerte ang babaeng pipiliin nito. Nakaramdam man ito ng panghihinayang, naisip nito mas mabuti na iyon kesa sa sayangin nito ang oras ng binata upang hanapin ang babaeng karapat-dapat para sa kanya. Naisip nitong nasasayang lamang ang panahon nito sa patuloy na pagbibigay ng atensyon sa kanya. "Ano ba ang dapat kong gawin?" tanong ni Jan sa kanyang sarili. "Dapat ko bang isuko ang pag-ibig ko sa kanila?" patuloy pa nito. "Matagal ko nang pinapangarap ang pag-ibig na ganito ngunit bakit ganito itong nararamdaman ko?" tanong pa nito. Naupo ito sa isang bench malapit sa sapa at tinignan ang mga isda na lumalangoy dito. Ilang saglit pa ay nabigla ito nang biglang may umakbay sa kanyang lalake. "Anong ginagawa mo dito mag-isa?!" tanong ng lalake sa kanya. Napatingin ito at nakitang si Luis ang nasabing lalake. "Mukhang malalim ang iniisip mo diyan, ah?!" sabi pa nito sa kanya. "Luis!" nasambit na lamang ni Jan. "Bakit nag-iisa ka dito?" tanong ulit sa kanya ni Luis. "Wala lang, gusto ko lang maglibang." sagot niya dito. "Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong naman niya sa binata. "Bumili lang ako ng bagong laro." sagot sa kanya nito. "Ano bang iniisip mo at kanina ka pa tulala diyan?" tanong naman ulit ni Luis dito. "Wala naman." matipid na sagot ni Jan. Katahimikan ang namagitan sa kanila. "Luis." sabi bigla ni Jan ngunit nagdadalawang isip na ituloy ang sasabihin. Napalingon lamang ang binata sa kanya. "Sa tingin mo ba, mas ok ba na isuko ang pinapangarap mong pag-ibig kung sa tingin mo eh ang pagsuko mo ay kapalit niyon ay mas mabuti kinabukasan para sa kanila?" tanong ni Jan. Kumunot naman ang noo ni Luis at hindi mawari kung naintindihan ang tanong nito sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong naman ni Luis. Hindi naman makuha ni Jan ang tamang salita sa sasabihin nito kay Luis dahil hangga't maari ay ayaw niya pa rin mabuking ang pag-ibig nito kay Miguel. Napansin naman ni Luis na hindi masabi ni Jan ang gusto sabihin nito sa kanya. "Mukhang umiibig ka na ah?!" biro naman ni Luis. Nag-blush bigla si Jan sa pagkapahiya. "Ito lang ang masasabi ko sa'yo, Jan." pasimula ni Luis. "Bakit mo isusuko kung nasa iyo na pala yang pangarap mo? Bakit mo iniisip na mas makakabuti para sa kinabukasan ng taong yan kung isusuko mo yan?" sabi pa ni Luis. "Dalawa lang naman yan. Maging maligaya ka diyan sa pangarap mo ngayon o isuko siya dahil iniisip mo ang mas nakabubuti para sa kanya." dagdag pa nito. Napakunot rin ang noo ni Jan sa pagkalito. Napansin naman ito ni Luis. "Kung ako sa'yo, sundin mo na lamang kung ano ang nasa puso mo." ang nasabi na lamang ni Luis. Napangiti naman si Jan sa sinabi nito. "Salamat ah?!" sagot ni Jan. Nagpaalam naman na si Luis. "Sige, mauna na ako dahil excited na akong masubukan itong larong binili ko." sabi ng binata. "Ingat!" ang nasabi na lamang ni Jan. 

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon