Chapter 11

11.1K 331 3
                                        

"Hoy! Nasaan ang pasalubong ko?" bungad na tanong ni Joy nang magtungo ito sa area ni Jan. "Oh ito! Dinalhan kita ng bato, panghilod!" birong tugon naman ni Jan. "Ano? Pang-hilod lang ang ibibigay mo sa akin?" asiwang tanong pa ni Joy. "Hindi naman ang libagin para bigyan ng pang-hilod!" dagdag pa ni Joy. "Sorry naman! Wala na kasi akong time makapamili ng pasalubong kasi doon ako sa sasakyan ni Sir Miguel nakasakay." sabi naman ni Jan. "Ano?!" gulat na tanong ni Joy. "Nakakahiya naman na ako ang mag-initiate na magsabi na mamili naman kami ng pasalubong. Syempre, gusto ko na siya ang mag-decide kung mamimili ba siya or not!" dagdag pa nito. "Ikaw yata dapat ang pasalubungan ko eh!" sabi ni Joy. "Pasalubungan ng ano?" tanong naman ni Jan. "Pasalubungan ng korona! Ikaw na! Ikaw na ang reyna ng kagandahan at ikaw pa ang isinakay ni Sir Miguel sa kotse niya!" birong sabi naman ni Joy. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating bigla si Leonard. "Oo, kaya masayang-masaya yang si Jan!" sabat ni Leonard sa usapan. "Para sa inyo ni Charm ito!" dagdag pa ni Leonard at saka inabot ang paper bag na puno ng sweets galing sa probinsya ng Sagada. "Wow! Thank you Sir Leonard! Buti ka pa at naalala mo kami hindi tulad nitong si Rapunzel." sabi ni Joy. "Wala ngang chance makabili, hindi ba? At saka anong Rapunzel?" sabi ni Jan. "Ikaw na si Rapunzel na may mahabang buhok!" biro pa ni Joy. Tumawa lamang si Leonard habang pinagmamasdan ang dalawa. "Kumusta naman ang biyahe mo, Jan?" tanong ni Leonard dito. "Ok lang naman po!" sagot ni Jan. "Aba! Magkwento ka! Mahigit anim na oras ang biyahe kaya for sure may nangyari!" dagdag pa ni Joy. "Anong naman ang pwedeng mangyari?" sabi naman ni Jan. "Alam mo na!" biro ni Joy. "Kung ano man yang iniisip mo, naku Joy! Hindi ako nagtitiwala sa iyong 'malikhaing' pag-iisip!" sabi ni Jan at natatawa. "Wala naman akong iniisip na malaswa! Ikaw lang ang may maduming pag-iisip!" sagot ni Joy. "Ikaw pa!" sabi naman ni Jan. Pinagmamasdan lamang sila ni Leonard sa kanilang patuloy na pag-aasaran.

Si Miguel ay abalang-abala sa kanyang mga trabaho nang mapansing may nagkakasiyahan sa labas ng kanyang opisina. Pasimple siyang sumilip sa labas at nakitang nandoon sina Joy at Leonard sa area ni Jan. "Nandito na naman si Leonard?" tanong ni Miguel sa kanyang sarili. Bumalik ito sa kanyang desk at tinuloy ang kanyang ginagawa. Naalala nito bigla noong makita niya sina Leonard at Jan sa tabing-dagat at nag-uusap. "Naging sobrang close yata ng dalawa?" tanong pa ulit nito sa sarili. "Noong isang araw rin, laging nagpupunta si Leonard kay Jan." sa isip pa nito. "Maiintindihan ko kung laging magsasama sina Joy at Charm kay Jan dahil maituturing nila itong 'girl-friend'. Pero bakit naging masyadong interesado yata si Leonard kay Jan?" patuloy pa rin sa pag-iisip si Miguel. "Imposible namang nanliligaw si Leonard either kay Charm at Joy dahil kung gusto niya ang isa sa mga ito, dapat naging interesado na siya noon pa.". "Hindi kaya may gusto talaga itong si Leonard kay Jan?" sabi pa ni Miguel sa kanyang sarili. "Ano bang paki ko kung may gusto si Leonard kay Jan, buhay naman nila yan?" sabi ulit ni Miguel sa kanyang sarili at patuloy na lamang sa kanyang ginagawang trabaho.

"Bakit hindi ka pa nag-lulunch?" tanong ni Leonard kay Jan nang puntahan niya ito. "Mag-lunch na rin ako maya-maya, tinapos ko lang itong email ko." sagot ni Jan. "Nasaan si Joy?" tanong niya ulit. "Nauna na siyang nag-lunch. Nag-treat daw kasi si Ms. Ann Therese sa buong Marketing team kaya kumain sila sa labas." sagot nito. "Wala ka palang kasabay. Hintayin na kita at sabay na tayong mag-lunch. Ikaw naman ang treat ko!" sabi ni Leonard. "Sabay na tayo mag-lunch pero kahit huwag mo na akong treat." sagot ni Jan. Habang nag-uusap ang dalawa ay biglang lumabas si Miguel sa kanyang opisina. "Hi, Sir Miguel! May kailangan po sila bago po kami mag-lunch?" tanong ni Jan dito. "Wala naman. Mag-lunch lang ako kasama si Joshua. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." sagot ni Miguel. "Ok po. Mag-lunch lang rin po muna kami ni Sir Leonard." wika naman ni Jan. "Kayong dalawa lang?" makahulugang tanong ni Miguel. "Yes po. Wala po kasi si Joy, kasama niya yung mga ka-team niya." sagot ni Jan. "Ok. Enjoy your lunch!" sagot ni Miguel. "Sige, Miguel!" wika naman ni Leonard. Habang naglalakad patungong parking lot upang puntahan si Joshua at napa-isip ulit si Miguel. "Sabay pang mag-lunch ang dalawa!" wika ni Miguel sa kanyang sarili. 

"Hoy, Miguel! Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" tanong ni Joshua dito habang sila'y kumakain sa isang restaurant. "Parang ang lalim ng iniisip mo!" dagdag pa ni Joshua. "Sorry! Naalala ko lang kung may naiwan akong trabaho." paiwas na sagot ni Miguel. Ngunit kung tutuusin, ang iniisip niya ay sina Leonard at Jan. "By the way, kumusta na ang sekretarya mo?" natatawang tanong ni Joshua. "Ayun, ok naman siya." sagot ni Miguel. "Wala ka ngayong sex life dahil wala kang 'babaeng' secretary na pwede mong bolahin at gawing 'girlfriend' kuno!" pabirong sabi pa nito. Tumawa lamang si Miguel bilang tugon dito. "Mabuti at hindi naman nahuhulog sa iyong kagwapuhan siyang bading mong sekretarya?" tanong naman ni Joshua. "Anong hindi?!" natatawang sabi ni Miguel. "Bakit? May gusto na ba yang sekretarya mo sa'yo?" tanong ni Joshua. Ngumiti lamang si Miguel bilang sagot dito. "Pare, baka naman assuming ka lang? Nasanay ka lang na lahat ng nagiging sekretarya mo ay nahuhumaling sa'yo!" sabi naman ni Joshua. "Ako pa! Nadinig ko pang patay na patay sa akin yan!" sagot naman ni Miguel. "Plano mong patulan yang sekretarya mo?" nagtatakang tanong ni Joshua. "No way!"mabilis na sagot ni Miguel. "Anong plano mo sa kanya? Kilala kita!" tanong ni Joshua. "Pinasasakay ko lang yang si Jan. Tinitignan ko lang rin kung hanggang saan itong karisma ko!" sagot ni Miguel. "Good luck sa'yo pare!" sagot ni Joshua. Ilang saglit pa ay napansin ni Joshua kung sino ang papasok sa restaurant na kinakainan nila ni Miguel. "Pare, hindi ba yung sekretarya mo yun?" tanong ni Joshua kay Miguel. Lumingon naman si Miguel sa may entrance at nakitang pumapasok nga si Jan kasama si Leonard. "Akala ko ba, patay na patay sa'yo? Eh bakit si Leonard ang kasamang mag-date?" pabirong sabi ni Joshua. "Magkaibigan lang yang dalawang yan." natatawang sagot naman ni Miguel. "Paano mo naman nasabi?" tanong ni Joshua. "Sinabi niya sa akin." sagot ni Miguel. "Tinanong mo siya?" gulat na tanong ni Joshua. "At saka aamin ba yan sa iyo kung sila man?" wika pa ni Joshua. "Pero sabagay, malabong pumatol si Leonard sa isang bading! If I'm not mistaken, Leonard got engaged before." sabi pa ni Joshua. "Yup!" maiksing sagot ni Miguel. "Kaya nga sinasabi ko nga sa'yo na magkaibigan lang talaga yang dalawang yan!" dagdag pa ni Miguel. "At talagang ikaw ang gustung-gusto niyang sekretarya mo?!" sabi naman ni Joshua. Ngumiti lamang si Miguel bilang pag-sang-ayon dito.

Habang hinahanapan naman ng table ng waiter, napansin ni Jan na nandoon din sa restaurant na pinuntahan nila ni Leonard ang boss niyang si Miguel at ang best friend nitong si Joshua. "Sir Leonard, nandito rin pala sina Sir Miguel." sabi ni Jan. Hinanap naman agad ni Leonard sina Miguel at nang makita niya ito ay kumaway ito bilang pagbati. Kumaway lang rin sina Miguel at Joshua bilang tugon nila. Pagkatapos niyon ay umupo na sila sa table nila. "Naku, Sir Leonard, nakita na naman tayong magkasama ni Sir Miguel." sabi ni Jan. "Eh ano naman?" tanong ni Leonard. "Para kasing naghihinala na yan sa ating dalawa!" sabi naman ni Jan. "Hayaan mo siya kung anong gusto niya isipin, basta wala tayong ginagawang masama." sagot ni Leonard. "At saka ayaw mo nun, pagselosin natin yang boss mo!" dagdag pa ni Leonard. "As if naman na magselos siya sa atin!" mabilis na sagot ni Jan. "Alam ko naman kasi na si Miguel talaga ang gustung-gusto mo!" sabi pa ni Leonard. "Kumain na nga lang tayo at huwag na natin siyang pag-usapan." sabi naman ni Jan. Tumawa lamang si Leonard at pagkatapos ay tinawag na ang waiter para umorder.

Sa kabilang table naman, nag-uusap pa rin ang magkaibigang Miguel at Joshua. "Mukhang masayang-masaya sila doon!" wika ni Joshua kay Miguel. "Bakit mo ba sila inoobserbahan?" tanong ni Miguel. "Tinitignan ko lang kung totoo ang sinasabi mong patay na patay nga yang sekretarya mo sa'yo." sagot ni Joshua. "Eh kung titignan mo sila, parang kay Leonard patay na patay yang sekretarya mo. Masayang-masaya sila oh!" sabi pa ni Joshua. "Tigilan mo na nga sila." saway ni Miguel. "Bakit parang affected ka sa kanila?" birong tanong ni Joshua. "Alam kong ibig mong sabihin!" natatawang sagot ni Miguel. Tumawa na lamang si Joshua. "At wala akong planong patulan yang si Jan. Tulad ng sabi ko sa'yo kanina, pinagtitripan ko lang yan." dagdag pa ni Miguel. "Siguraduhin mo lang na diyan sa trip mo eh hindi ikaw ang lumabas na talo sa huli." wika naman ni Joshua. "Kilala mo ako! Ako ba lagi ang lumalabas na talunan? What happened to Rachel and Nicole?" sabi pa ni Miguel. "Good luck na lang, pare!" nasabi na lamang sa kanyang kaibigan. "Tara na nga!" paanyaya nito sa kaibigan at pagkatapos ay umalis na sila ng nasabing restaurant. Kumaway na lamang si Miguel kay Leonard bilang paalam na aalis na sila. Kumaway lang rin si Leonard bilang tugon dito. "Aalis na ang boss mo!" wika ni Leonard. "Hayaan mo siya!" sagot naman ni Jan at patuloy sa pagkain. 

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon