"Hay salamat! Makakauwi na ako!" ang nasabi ni Jan habang naglalakad palabas ng hallway galing opisina. Napagod siya sa mga trabaho niya nitong mga nagdaang araw kaya masayang-masaya ito at huling araw na ng pasok niya para sa linggong iyon. "Magtutulog lang ako bukas." sabi pa nito sa sarili at naisip na magbawi ng tulog sa darating na weekend. Pagdating niya sa labas ay nagulat ito nang biglang bumuhos ang malakas ang ulan. "Ano ba yan?!" ang nasambit na lamang ni Jan. "Wala pa naman akong dalang payong ngayon." patuloy pa nito. Sakto naman na palabas na rin si Luis at nakita si Jan sa labas. "Pauwi ka na, Jan?" tanong ng binata dito. Napalingon naman si Jan kung nasaan si Luis. "Ay, oo. Kaso inabutan na ako ng ulan." sagot ni Jan. "Gusto mo hatid na kita sa may sakayan. May dala akong payong." wika naman ni Luis nang mapansing walang dalang payong ito. "Ay wag na! Maaabala ka pa. Pipila na lamang ako doon sa sakayan ng taxi." sagot ni Jan. "Sigurado ka? Mahaba lagi ang pila doon ah? Baka anong oras ka na makauwi." tugon ng binata. "Ok lang at saka wala naman akong choice." sagot ni Jan. "Kaya nga hahatid na nga lang kita sa sakayan." paanyaya ulit ni Luis. "Ok nga lang ako. Wag mo na ako intindihin." sagot pa rin ni Jan. Habang patuloy na nag-uusap ang dalawa ay biglang may dumaan na sasakyan sa harap nila na pamilyar kay Jan. Nang bumukas ang bintana nito ay nakita nila na si Leonard ang may-ari ng sasakyan. "Sir Leonard?!" gulat na sambit ni Jan. "Sumakay ka na." paanyaya naman ni Leonard kay Jan. Bakas sa mukha ni Jan ang pagkagulat at pagkalito. "May sundo ka na pala." sabi naman ni Luis kay Jan. "Anong ginagawa mo dito, Sir Leonard?"nagtatakang tanong naman ni Jan. "Hahatid na kita sa inyo." sagot ni Leonard. "Pero.." sasagot pa sana si Jan pero nagpumilit pa rin si Leonard na pasakayin si Jan. "Pwede mo rin isabay yang kaibigan mo." sabi pa ni Leonard. Tumingin naman si Jan kay Luis tungkol dito. Nagulat naman si Luis sa imbitasyon ni Leonard. "Sabay ka na sa amin." paanyaya rin ni Jan. "Ok lang. Diyan lang naman ako sasakay." sagot ni Luis. "Sure ka?" tanong pa ulit ni Jan. Ngumiti lamang si Luis bilang tugon dito. "Sige, Luis, mauna na kami." sabi ulit ni Jan at pagkatapos ay sumakay na ito sa sasakyan ni Leonard. Nakatangin lamang si Luis dito hanggang sa makaalis na ang sasakyan nila sa vicinity ng building.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong agad ni Jan kay Leonard. May pinuntahan kasi ako diyan sa may Amorsolo, saktong dumaan ako dito ay nakita kita sa may labas. Naisip ko rin na daanan ka na rin dahil malakas ang ulan." sagot ni Leonard. "Galing mo talaga sumakto!" papuri naman ni Jan. Ngumiti lamang si Leonard dito. Napansin ni Jan na parang seryoso si Leonard kaya nanahimik na lamang ito at pinakikiramdaman ang binata. "Jan?" sambit ni Leonard matapos ang mahabang katahimikan. "Bakit po?" magalang na tanong ni Jan. Bumuntong hininga si Leonard bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Gusto ko lang malaman mo na lagi lamang ako sa tabi kapag kailangan mo ako." sabi ni Leonard. "Huwag kang mag-alinlangan kapag kailangan mo ng tulong ko." patuloy pa nito. Nagtaka naman si Jan sa mga sinasabi ni Leonard. "Bakit ninyo naman biglang nasabi yan?" tanong ni Jan. "Wala lang." sagot ni Leonard. "Gusto ko lang na malaman mo." dagdag pa nito. "Alam ko naman, noon pa, na lagi kayong nandiyan sa tabi ko tuwing kailangan ko kayo." wika naman ni Jan. "Masaya nga ako at lagi kayong nandiyan para sa akin." patuloy pa nito. "Hanggang sa mangyari yung gabi na.." biglang natigilan si Jan at hindi alam kung itutuloy pa nito ang sasabihin. "Huwag mo nang isipin ang bagay na iyon." sagot bigla ni Leonard. "Kalimutan mo na lamang na nangyari ang bagay na iyon at ibalik natin ang dati nating samahan." patuloy pa nito. "Pero Sir Leonard.." sabat ni Jan ngunit pinigilan pa siyang magpatuloy. "Tulad ng sabi ko sa'yo, huwag mo nang isipin ang nakaraan. Isipin mo na lamang na matalik pa rin tayong magkaibigan. Ako pa rin ang Kuya Leonard mo tulad ng sabi mo noon." sabi ni Leonard. Napatingin na lamang si Jan sa binata. "Jan, maaring confuse lang tayong dalawa noong mga panahon na iyon." sabi pa ni Leonard. "Nagkaroon lang rin siguro ako ng urge na protektahan ka at aaminin kong lumagpas ako sa limitasyon ko." patuloy pa nito. "Pero ngayon, sigurado na ako sa nararamdaman ko na mamahalin kita bilang isang matalik kong kaibigan." pagtatapos pa nito. "Marami pong salamat, Sir Leonard." ang nasabi na lamang ni Jan. Ngumiti naman si Leonard bilang tugon dito. "Hindi ko patatawarin si Miguel kapag sinaktan ka pa niya ulit." sambit ni Leonard. Ilang saglit pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Jan. Nang tignan niya ito ay nakita niyang si Miguel ang tumatawag sa kanya. "Sir Miguel?" sambit ni Jan nang sagutin nito ang tawag niya. "Nakauwi ka na ba? Susunduin sana kita sa inyo para mag-dinner." wika ni Miguel sa kabilang linya. "Nasa biyahe pa lamang po ako pauwi." sagot ni Jan. "Nasaan ka mismo ngayon para sunduin na kita diyan." tanong ulit ng binata. Alangan naman na sumagot si Jan. "Uhm.. Nandito po ako sa sasakyan ni Sir Leonard. Dumaan siya kanina sa office upang ihatid ako sa bahay." sagot ni Jan. "Ano?!" gulat na sambit ni Miguel. "Malakas po ang ulan kaya pumayag na po ako sa paanyaya niyang ihatid ako." sagot ulit ni Jan. "Sana tinawagan mo agad ako para ako mismo ang susundo sa'yo sa inyong opisina." wika ni Miguel at halata sa tono nito ang pagmamaktol. "Wala naman talaga akong balak magpasundo. Nagkataon lang na dumaan si Sir Leonard sa office kaya nasundo niya rin ako." sagot pa ulit ni Jan. Nararamdaman naman ni Leonard na nagkakaroon ng tensyon sa pag-uusap nina Miguel at Jan kaya sumabat na rin ito. "Kung gusto ni Miguel eh magkita na lamang tayo sa Glorietta upang doon ka na lamang niya sunduin." suhestiyon ni Leonard. "Kakain na rin kami sa labas ni Sir Miguel. Alam kong hindi ka pa kumakain kaya sumama ka na lamang sa amin." wika ni Jan. "Pero ok lang ba kay Miguel na sumama ako sa date ninyo?" tanong naman ni Leonard. Nag-blush naman si Jan nang sabihin ni Leonard na date nila ni Miguel ang pagkain nila sa labas. "Kakain lang naman sa labas." sagot pa ni Jan. "At payag ka naman po, Sir Miguel, na sumama si Sir Leonard, hindi po ba?" tanong ni Jan kay Miguel sa kabilang linya. Tatanggi sana si Miguel sa tinuran nito ngunit pumayag na lamang siya upang hindi na makipagtalo pa kay Jan. "Sige, magkita na lamang tayo sa Glorietta." sagot ni Miguel. "Sige po, malapit na rin naman po kami sa mall." wika ni Jan. "I love you!" sambit ni Miguel. "Opo." ang matipid na sagot ni Jan. "Hindi ka man lang ba sasagot ng I love you too?" sabi naman ni Miguel at halatang nagtatampo. "Nandito po si Sir Leonard sa tabi ko." sagot ni Jan at nahihiya. "Bakit? Kinahihiya mo ba ako sa kanya?" tanong ulit ni Miguel. "Hindi po. Pero.." wika naman ni Jan. "Patunayan mo sa kanya.." sabi ni Miguel. "Sige na nga po. I love you too." bulong ni Jan. "Bakit ang hina at parang napipilitan ka lang." panunukso ni Miguel dito. "Nakakahiya nga po kasi. Hindi sa kinahihiya ko kayo. Hindi lang po talaga ako sanay sa ganyan." sagot ni Jan. "Kailangan masanay ka na dahil mula ngayon, isa mo na akong proud boyfriend." sagot ni Miguel. "Ok po. I love you too." wika ni Jan. "I love you! See you in awhile." sagot ni Miguel. Binaba ni Miguel ang telepono at mabilis na inayos ang gamit sa kanyang opisina upang puntahan sina Leonard at Jan sa Glorietta. Nakangiti ito at halatang masaya. Si Jan naman sa kabilang dako ay tahimik nang ibaba ang telepono at nahihiya pa rin. Hinawi ni Leonard ang ulo ni Jan at natatawa. "Bakit ka natatawa diyan?" tanong ni Jan sa binata. "Natutuwa lang ako sa'yo dahil para ka pa rin bata pagdating sa pag-ibig." sagot ni Leonard at natatawa pa rin. "Sabi ko naman sa'yo na never pa akong nagkaka-boyfriend dati kaya bago pa ako sa mga ganitong bagay." sagot ni Jan at pagkatapos ay umismid dahil inaasar siya ni Leonard. "I really feel so grateful na mahal ako ng dalawa sa pinakamabait na lalake na nakilala ko." patuloy ni Jan. "Sino? Si Miguel at Luis?" pang-aasar pa ni Leonard. "Tse!" sagot bigla ni Jan. "Syempre si Sir Miguel at ikaw!" dagdag pa nito. "Aba! Malay ko ba!" natatawang sabi pa ni Leonard. "Ang arte!" natatawang sabi na rin ni Jan. "Salamat po talaga, Sir Leonard." dagdag pa nito. Hinawi ulit ni Leonard ang ulo ni Jan na parang nakababatang kapatid. "Kahit ano para sa kaibigan ko." sagot ni Leonard.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Storie d'amorea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...