Usual working day sa opisina ni Miguel. "Do you need anything else, Sir?" tanong ni Jan kay Miguel matapos ibigay ang lahat ng mga report na kailangan nito. "Wala na." sagot ni Miguel. "Babalik na po ako sa desk ko." sabi naman ni Jan. "By the way, Jan?" wika naman ni Miguel. "Yes po?" tanong ulit ni Jan. "Salamat pala sa regalo mo!" sabi pa ni Miguel. Nagulat si Jan. Naalala nitong naiwan pala niya ang paper bag kung nasaan ang regalo niya dito nang mabilis na umalis ito sa hotel. "Bakit mo sinabing naiwan mo yung regalo eh dala mo pala?" tanong pa ni Miguel. "Kayo ba naman regaluhan ng kotse, nakakahiya naman na bigyan ko pa kayo ng cookies!" sagot naman ni Jan. "Pero ang cookies mo ang isa sa nagbigay sa akin ng kasiyahan noong araw na iyon!" wika naman ni Miguel. Bumilis ang tibok ng puso ni Jan nang madinig niya ang mga salitang binitiwan ni Miguel. "Pero bakit ka ba biglang umalis noon?" tanong pa ni Miguel. "Sumama lang po bigla ang pakiramdam ko." sagot naman ni Jan. "Hindi nga?" usisa pa ni Miguel. "Sir Miguel, kapag nalaman ninyong niloloko lang kayo, ano ang magiging reaksyon ninyo?" tanong naman ni Jan. "Why such a question?" nagtatakang tanong naman din ni Miguel. "Gusto ko lang malaman." wika pa ni Jan. "Syempre, magagalit ako. Kahit sino naman ang lokohin ay magagalit." sabi pa ni Miguel. "Related ba ito kung bakit ka umalis nung gabing iyon?" tanong pa ni Miguel. Nag-iisip na si Jan kung sasabihin niya kay Miguel ang nalaman nito nang biglang pumasok si Helena. Natigilan bigla si Jan nang makita niya ang dalaga. Tinaasan lamang ni Helena ng kilay si Jan. "Sir, babalik na po ako sa desk ko." biglang sabi ni Jan. "Eh yung sinasabi mo sa akin?" tanong ni Miguel. "Wala lang po. Hindi naman po siya importante!" sagot ni Jan at mabilis na nagbalik sa kanyang desk. "So what are you two talking about?" tanong ni Helena. "I was asking him kung bakit siya umalis nung party." sagot ni Miguel. "What did he say?" tanong pa ulit ni Helena. Sabi niya, sumama daw ang pakiramdam niya." sagot pa ulit ni Miguel. "Miguel, I want him out of the office!" sabi naman ni Helena at lumapit kay Miguel. "What do you mean?" tanong pa ni Miguel. "I want you to fire him." wika naman ni Helena at inaakit si Miguel. "You know that I can't do that." sagot ni Miguel. "Why not? You're the boss here." sabi pa ni Helena. "I can't. There are some process if you want to fire a certain employee." paliwanag naman ni Miguel. "You can do it anytime unless you have other reason why you can't fire him!" parang naiinis na sabi na ni Helena. "But why do you want him to be fired badly?" tanong ni Miguel. "You don't need any explanation, I just want you to fire him!" sabi na ni Helena. "You're being unreasonable!" wika ni Miguel. "You're the one being unreasonable. If you do really love me, you will do anything that I will say!" galit na sabi na ni Helena. "Are you loving me or are you controlling me?!" sabi na ni Miguel. "It's up to you if you want to keep this relationship!" pagtatapos ni Helena at mabilis na lumabas ng opisina ni Miguel. "Helena!" sabi pa nito ngunit patuloy na lumakad palabas ng opisina si Helena.
Nadinig naman ni Jan na parang nagtatalo sina Miguel at Helena sa loob ng opisina nito kaya nag-alala ito. Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at lumabas si Helena. Paglabas ng opisina ni Helena, sinilip ni Jan si Miguel sa loob. "Are you ok, Sir Miguel?" tanong ni Jan. "I'm fine." malungkot na sagot ni Miguel. "Ok." wika naman ni Jan. "But if you need me, I'm just here!" dagdag pa ni Jan. "Uhm, Jan?" sabi ni Miguel. "Yes po?' tanong ni Jan. "Can you come with me at my condo unit tonight. Gusto ko lang ng makakausap." pakiusap ni Miguel. "Sure!" sagot ni Jan. "Thank you, Jan!" wika ni Miguel.
Noong gabi rin na iyon, nagkasama sina Jan at Miguel sa condo unit ng huli. Nagluto muna si Jan ng dinner at pagkatapos ay naglaro sila ng PlayStation nito. At habang naglalaro naglalaro ay nag-usap sila. "So masasabi mo na ba sa akin ang dahilang kung bakit ka umalis agad nung gabing yun?" tanong ni Miguel kay Jan. "Hanggang ngayon pa rin ba eh yan pa rin ang tanong mo?" wika naman ni Jan. "Kung sinasagot mo na eh 'di sana hindi ko na siya itatanong." sabi naman ni Miguel. "Pwede bang ibang tanong na lang?" sabi ni Jan. Patuloy na naglalaro pa rin ang dalawa. "Bakit parang gustung-gusto kang paalisin ni Helena sa kumpanya?" biglang tanong ni Miguel kay Jan. "Huh? Gusto niya akong tanggalin?" gulat na sabi naman ni Jan. "Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit." wika naman ni Miguel. "Hindi ko po alam kung tama na sabihin ko po ito sa inyo." sabi naman ni Jan. Napatingin naman si Miguel kay Jan at bakas sa mukha nito ang pagtataka. "Sir Miguel, hindi ko na po matiis na hindi sabihin ito sa inyo." sabi ni Jan. "At hindi ko rin matiis na malaman na baka sa bandang huli eh kayo rin ang lubos na masasaktan." dagdag pa nito. "What do you mean?" tanong ni Miguel. "Niloloko lang po kayo ni Ms. Helena at ginagamit niya lamang po kayo sa ambisyon niya." matapang na sabi ni Jan. Natulala si Miguel sa nadinig mula kay Jan. Nang matauhan ay nagsalita si Miguel. "Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit sa'yo si Helena. Pero hindi naman yata tama na siraan mo ang girlfriend ko sa akin." sabi ni Miguel. Parang nabuhusan naman ng malamig na tubig si Jan sa sagot Miguel. "Pero ayun po ang totoo." sabi ni Jan. "Hindi ko alam kung saan ka kumuha ng lakas ng loob na sabihan ako ng ganyan. Tandaan mo Jan na ako pa rin ang boss mo at sekretarya lang kita!" galit na sabi ni Miguel. Napatayo na ang dalawa sa kanilang pagtatalo. "Kung ayaw ninyo pong maniwala sa akin, kayo na po ang bahala dahil hindi naman ako ang talo dito!" sabi pa ni Jan. Sa galit ay biglang nasampal ni Miguel si Jan. Nagulat naman si Jan sa ginawa ni Miguel. Ilang saglit pa ay napaluha na ito sa galit at sama ng loob. "Sabihin ninyo na sa akin ang lahat ng masasakit na salita. Pero wala kayong karapatan na kwestyunin ang kredibilidad ko dahil simula nang maging sekretarya ninyo ako, naging matapat na ako sa inyo!" maluha-luhang sabi ni Jan. "Ngayon, hindi ko na po kasalanan kung masaktan kayo sa huli. At least masaya ako na ginawa ko lahat ng makakaya ko mapigilan lamang na masaktan kayo dahil.." sabi pa ni Jan ngunit siya'y natigilan. "Dahil ano?" tanong pa ni Miguel. Ngunit kesa sagutin pa ang tanong ni Miguel, mabilis na dinampot nito ang kanyang mga gamit at tumakbo palabas ng condo unit. Tinitigan lamang ni Miguel si Jan palabas ng unit nito.
Dahil hindi alam na nagpunta kay Miguel, tinawagan ni Leonard si Jan. "Kumusta ang araw sa office?" tanong ni Leonard. Hindi ito pumasok sa opisina dahil may inasikasong importante bagay. "Ok lang po." hihikbi-hikbing sagot ni Jan. Napansin ni Leonard na umiiyak si Jan. "Bakit parang umiiyak ka?" tanong ni Leonard. "Wala po." sagot ni Jan. "Nasaan ka ba?" tanong pa ulit ni Leonard. "Nandito po ako sa waiting shed malapit sa condo unit ni Sir Miguel at naghihintay ng taxi." sagot ni Jan. "Sige, hintayin mo ako diyan at pupuntahan kita." sabi pa ni Leonard. Mabilis na nagpunta naman si Leonard sa nasabing waiting shed. At nang malapit na siya ay nakita nito si Jan na nakaupo at umiiyak. "Lagi na lamang kitang nakikitang umiiyak diyan!" sabi ni Leonard sa kanyang sarili. At nang makapunta na sa waiting shed ay pinasakay na niya si Jan. "Dinatnan ninyo na naman akong umiiyak sa lugar na ito." sabi ni Jan sa kanya at parang nadinig ang sinabi niya kanina sa kanyang isip. "Ano na naman ang nangyari sa inyo ni Miguel?" tanong ni Leonard. "Sinabi ko kasi na niloloko lang siya ni Ms. Helena, nagalit sa akin dahil sinisiraan ko daw ang girlfriend niya hanggang sa pagbuhatan niya ako ng kamay." pagtatapat ni Jan. "Ginawa niya yun?" gulat na tanong ni Leonard. "Hindi naman akong makakapayag na ganyanin ka ni Miguel." dagdag pa ni Leonard. "Siguro nararapat lang rin sa akin ito. Hindi na kasi ako nadala." sabi pa ni Jan at nagsimula nang umiyak. Nabagabag naman si Leonard na makita si Jan na umiiyak. "Huwag mong sabihin yan. Hindi nararapat sa'yo na tratuhin nang ganyan." sagot naman ni Leonard. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Jan. "Ako na nga ang concern sa kanya, ako pa ang ginanito niya." sabi pa ni Jan. "Dahil mahal mo." sabi ni Leonard. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Jan. "Oo. Ang bobo ko na nagmahal ako ng isang tulad niya. Ang tanga ko. Ang tanga ng puso ko. Paulit-ulit na ngang sinasaktan, ayaw pa rin tumigil sa pagmamahal." sabi pa ni Jan. "Hindi mo kailangan tumigil sa pagmamahal. Don't worry, makikilala mo rin balang araw ang taong magsusukli ng pagmamahal na ibinibigay mo." sabi naman ni Leonard ay niyakap si Jan. Napayakap na rin si Jan kay Leonard.
Nang maihatid na ni Leonard si Jan ay kinuha nito ang kanyang cellphone at tinawagan si Joshua. "May I know who's this?" tanong ni Joshua sa kabilang linya. "Hi Joshua, this is Leonard. I got your number from Paloma." pakilala ni Leonard. "What's up?" tanong ulit ni Joshua. "I have a favor to ask from you, can I talk to you personally?" tanong naman ni Leonard. "Sure! When?" wika pa ni Joshua. "If you're available tonight, let's meet at Greenbelt." sagot ni Leonard. "Ok. I'll see you there." wika pa ni Joshua.
Si Jan naman ay tinagan si Paloma upang magpaalam na hindi ito makakapasok. "Ms. Paloma, I'm sorry to inform you late but I will not be able to come to office tomorrow." wika ni Jan. "I'm very sick right now." dagdag pa ni Jan. "Ok. But did you already informed Miguel about this?" wika ni Paloma. "I tried calling him but he's not answering his phone." pagsisinungaling nito. "Ok. I'll just inform him tomorrow then. Just text me all the necessary endorsement then." sagot ni Paloma. "Thank you, Ms. Paloma!" wika naman ni Jan. "You're very much welcome, Jan!" sagot ni Paloma.
![](https://img.wattpad.com/cover/17713200-288-k660711.jpg)
BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...