Chapter 57

6.7K 226 3
                                        

Ilang linggo ring hindi nagparamdam si Jan kay Leonard dahil sa nangyari. Si Jan ay nakahiga sa kanyang kama at iniisip ang mga nangyari. "Ano ba itong nangyayari sa akin?" tanong ni Jan sa kanyang sarili. Pilit nitong iniisip kung ano ba talaga ang kanyang tunay na nararamdaman ngayon kay Leonard. Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Hinayaan niya na lamang ito nang makitang si Leonard ang tumatawag sa kanya. "Sorry, Sir Leonard." sabi ni Jan. "Magulo ang isip ko ngayon." dagdag pa nito sa sarili. Nang hindi nito sagutin ang tawag ay tumawag sa kanya ulit si Leonard ngunit hindi niya pa rin ito sinasagot. Nang tumunog ulit ang kanyang cellphone ay nagulat ito nang makitang si Miguel na ang tumatawag sa kanya. Mabilis nitong kinuha ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag. "Sir Miguel?" wika nito. "My princess!" bati nito sa kanya. "Nakauwi na ako from New York! I want to see you now because I really miss you!" dagdag pa nito. Tahimik lamang si Jan at hindi alam ang isasagot. "Nasaan ka ngayon?" tanong ni Miguel sa kanya. "Nasa bahay po." matipid na sagot ni Jan. "Pupuntahan agad kita diyan mula dito sa airport." sabi naman ni Miguel sa kanya. "Ok lang po ba sa susunod na araw na lang po? Hindi po maganda ang pakiramdam ko ngayon." palusot ni Jan ngunit ang totoo ay ayaw niya munang makita si Miguel dahil naguguluhan ang isip nito tungkol sa nangyari sa kanila ni Leonard. "Speaking of.." wika ni Miguel. "Mukhang matamlay ka nga ngayon." ani ng binata. "Huwag kang mag-alala, ok na naman ako. Kailangan ko lang siguro magpahinga." sagot ni Jan. "Sige, tawagan na lang kita bukas." wika naman ni Miguel at binaba na ang tawag. "Sorry, Sir Miguel." ang nasabi na lamang ni Jan.

Si Leonard ay nasa kanyang silid at iniisip ang nangyari sa kanila ni Jan noong isang gabi. Sinusubukan nitong tawagan sa kanyang cellphone ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Naisip nitong naging masyadong mapusok siya kay Jan at maaring kasalanan niya rin ang nangyari. Naisip rin nitong maaring naguguluhan si Jan dahil karelasyon niya si Miguel. At naisip rin nito na mas pinapahalagahan niya ang pagkakaibigan nila ni Jan at panghihinayangan niya na mawala iyon dahil lamang sa kanyang mga ginawa. "Kailangan makausap ko si Jan." sabi pa ni Leonard. Mabilis itong nagbihis at umalis upang puntahan si Jan sa kanilang bahay at kausapin. 

Nakatulog si Jan sa kanyang kama sa kaiisip ng kanyang kasalukuyang sitwasyon. Nagulat ito nang siya'y maalimpungatan at nakitang katabi na niya si Miguel sa kanyang higaan. "Sir Miguel?!" sambit ni Jan. "Hindi ako mapakali na hindi ka makita ngayon kaya nagpunta na ako agad dito." sabi ni Miguel sa kanya. "At saka nag-aalala ako sa'yo dahil matamlay ka kanina kaya gusto ko malaman ang lagay mo ngayon." dagdag pa nito. Nakatingin lamang si Jan kay Miguel at hindi alam ang sasabihin dito. "Ok ka lang?" tanong ni Miguel kay Jan nang maramdamang may bumabagabag dito. Napaluha naman bigla agad si Jan at napayakap kay Miguel. Niyakap naman rin agad ni Miguel si Jan at pilit na pinatatahan. "Anong problema, Jan?" tanong pa ulit dito ngunit hindi sumasagot si Jan at patuloy lamang sa pag-iyak. Hinayaan na lamang ni Miguel si Jan na ilabas ang nararamdaman nito. Ilang saglit pa ay biglang kinatok sila ng Tita Glory nila. "Jan, nandito si Sir Leonard sa labas." sambit nito. "Tara, puntahan natin si Leonard sa labas." paanyaya ni Miguel. Natigilan naman si Jan at hindi alam ang gagawin. Pinipilit ikubli ni Jan ang nararamdaman dahil nahihiya ito kay Miguel. Tumayo ito mula sa pagkakahiga sa kama kasama si Miguel at sabay na lumabas ng silid. Nakita nga nila si Leonard na naghihintay sa may sala. Nagulat naman bigla si Leonard nang makitang kasama ni Jan itong lumabas ng kanyang silid. "Miguel?!" sabi ni Leonard. "Kailan ka pa dumating?" tanong pa nito dito. "Ngayong araw lang rin." sagot ni Miguel sa kanya. "Pinuntahan ko lang agad si Jan kasi nag-alala ako dahil matamlay ito nang makausap ko sa cellphone." dagdag pa niya. "Kumusta ka na, Jan?" tanong Leonard dito. "Mabuti naman po." matamlay na sagot ni Jan. "Napadaan ka dito?" tanong ni Miguel kay Leonard. "Gusto ko sanang makausap si Jan." sagot naman nito sa kanya. Napatingin naman bigla si Jan kay Leonard at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Naramdaman naman agad ito ni Leonard kaya bumawi agad ito. "May napag-usapa kasi kami na pupuntahan ngayon kaya pwede bang ipaalam ko muna sa'yo ngayon?" sabi ni Leonard kay Miguel. "Kung may plano kayo ngayon ay wala namang problem sa akin." sagot ni Miguel. "Huwag kang mag-alala, ibabalik ko siya agad sa'yo." sabi naman ni Leonard at pagkatapos ay kinuha agad ang kamay ni Jan at dinala palabas ng bahay. Napatingin na lamang si Miguel sa kanila. 

Pinasakay agad ni Leonard si Jan sa sasakyan at mabilis na pinatakbo ito. "Saan tayo pupunta?" tanong agad ni Jan kay Leonard. "Huwag kang mag-alala, gusto lang talaga kita makausap." sagot naman ni Leonard. "Hindi mo kasi sinasagot ang tawag ko kaya napagdesisyunan ko nang puntahan ka. Hindi ko naman akalain na dumating na pala si Miguel." dagdag pa nito. Napayuko lamang si Jan. "Alam kong nababagabag ka sa nangyari sa atin noong isang araw." bungad ni Leonard. "I'm sorry for my reckless action. I shouldn't have done that to you." patuloy nito. "Ako rin dapat ang humingi ng tawad." sagot ni Jan. "Dahil ginusto ko ang nangyari." dagdag pa nito. Natahimik ang dalawa. "Sir Leonard.." sabi ni Jan. "Ano pong gagawin ninyo kung malaman ninyong mahal ko na rin po kayo?" tanong pa nito. "Do you?" tanong naman sa kanya ni Leonard. "Hindi ko po sigurado." sagot ni Jan. Natahimik ulit ang dalawa. "Hindi ko na po tuloy alam kung paano ko haharapin si Sir Miguel dahil sa nangyari." sabi ni Jan. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin sa kanya ang nangyari." sagot ni Leonard. "Pero.." sabi ni Jan. "Pero?" si Leonard at napatingin kay Jan. "Nababagabag akong harapin si Sir Miguel kung meron ako nararamdaman para sa inyo." sagot ni Jan. Hinawakan naman ni Leonard ang kamay ni Jan. "Pero naiintindihan kong mas malalim ang nararamdaman mo kay Miguel." sabi naman ni Leonard. "At mauunawaan ko kung mas pipiliin mo siya. Maligaya na ako kung meron sa atin, Jan." dagdag pa ng binata. "Sir Leonard.." ang nabanggit na lamang ni Jan at hindi mapigilang tumulo ang mga luha nito. "Maraming marami pong salamat." patuloy pa nito. "Huwag ka nang umiyak. Ayaw na ayaw kong nakikita kang umiiyak." sabi naman ni Leonard at pinawi ang mga luha nito. Pagtingin naman ulit ni Leonard sa may daanan ay nagulat ito nang biglang may pasalubong na sasakyan na nag-overtake sa kanyang linya. Napasigaw naman si Jan nang makita ito. "Sir Leonard!" sigaw ni Jan. Mabilis na niliko ni Leonard ang manibela ng sasakyan upang iwasan ang sasakyan ngunit huli na ang lahat. Nabangga ng sasakyan ang sasakyan na sinasakyan nina Leonard at Jan. Pagkabangga ay umikot-ikot ang sasakyan nila sa kalsada hanggang tumigil ito nang tumama sa isang poste. Mabilis naman kumilos ang mga tao na nakasaksi ng pangyayari at sinilip ang mga sakay sa sasakyan. "Bilisan ninyo at subukan ninyong alisin ang dalawa sa loob." sabi ng isang lalake nang lumapit ito sa sasakyan. "Hoy! Yung driver ng isang sasakyan huwag ninyo hayaang makatakas!" sabi pa ng isang lalake at tinutukoy ang nakabangga sa kanila. Sinilip ng isang lalake ang sasakyan at nakitang walang malay sina Leonard at Jan. 

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon