Chapter 21

10.3K 355 6
                                    

Dumating ang araw ng kanilang 'outing'. Sinundo ni Leonard si Jan sa bahay nito upang sabay na silang magpunta ng opisina kung saan ang kanilang meeting place. Sila'y umarkila ng van para sa iisang sasakyan na lang silang tutungo ng Laguna. "Paano itong sasakyan mo?" tanong ni Jan kay Leonard habang bimibiyahe paputang opisina. "Iiwan ko na lang sa parking sa office." sagot ni Leonard. Pagdating nila ng parking lot ay nakita nila ang van na sasakyan nila papuntang Laguna. Nakita na rin nila si Joy sa labas ng van at hinihintay sila. Bumaba na ng sasakyan ang dalawa at nagtungo na kung saan nakaparada ang van. "Nasaan si Charm?" tanong ni Jan kay Joy. "Nasa loob na, kasama ang boyfriend niyang si Matias." sagot ni Joy. Ilang saglit pa ay may lumapit na lalake sa van. "Ay Jan. Si Zanjoe pala, ang boyfriend ko!" pakilala ni Joy sa lalake. "Hello!" bati naman ni Jan. "Hon, siya si Jan, ang bff namin ni Charm sa office." sabi naman ni Joy sa boyfriend niyang si Zanjoe. Ngumiti lamang si Zanjoe. Lumapit na rin sa kanila si Leonard. "Sir Leonard, si Zanjoe po, ang boyfriend ko!" pakilala naman ni Joy sa boyfriend niya kay Leonard. "Si Sir Leonard pala, siya yung boss namin sa Creative team." sabi ni Joy sa boyfriend. "Ay boyfriend ni Jan." biro ni Leonard. "Hoy! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Baka maniwala sila." sabi ni Jan kay Leonard. Tumawa nang malakas si Leonard at Joy. Binuksan na ni Jan ang pintuan ng van para makapasok na sila. Nagulat siya nang makita niya si Miguel sa loob ng van. "Sir Miguel, anong ginagawa ninyo dito?" gulat at nagtatakang tanong ni Jan. "Bakit? Kasama ako sa outing!" sagot ni Miguel. Nadinig ni Miguel ang biro ni Leonard kanina. "Confirmed na pala na boyfriend mo na si Leonard?" tanong ni Miguel. "Nagbibiro lang po siya! Nasabi ko po kasi na kasama ni Charm at Joy ang mga boyfriend nila kaya nagbiro na lang siya ng ganon!" sagot ni Jan. Pinakilala naman ni Charm ang boyfriend niyang si Matias. "Hoy sumakay ka na at baka maabutan pa tayo ng trapik!" sabi naman ni Joy kay Jan. "Doon na kayo umupo ni Sir Leonard sa tabi ni Sir Miguel. Dito kaming magjojowa sa harap ninyo." sabi naman ni Charm. "Ano?!" gulat na sabi ni Jan. "Ay! Ang arte! Sumakay ka na! Mahuhuli na tayo!" sabi pa ni Joy. Napilitan namang sumakay at umupo si Jan sa tabi ni Miguel. Tumabi naman si Leonard kay Jan. "Ano ba ito?! Napag-gitnaan pa ako ng dalawang ito!" sabi ni Jan sa kanyang sarili. Habang nasa biyahe ay tahimik lamang ang tatlo sa likod habang naglalambingan ang mga mag-nobyo sa harap nila. 

Pagdating nila ng resort ay nag-ayos na agad sila ng kanilang gamit. Lumapit si Joy kay Miguel. "Sir Miguel, tatlo lang po kasi ang silid ng resort. Tig-isa na lang po kayo ni Sir Leonard ng kwarto. Doon na lang po kaming lima sa isang silid." sabi ni Joy sa kanilang boss. "Kailangan ninyo ng privacy. Doon na lang kayo ng boyfriend mo sa isang silid si Charm at ang boyfriend niya sa isang silid tapos kami na lang tatlo sa isa pang silid." sagot naman ni Miguel. "Ok lang po sa inyo?" tanong naman ni Joy. "Ok lang." sagot naman ni Miguel. Pagkatapos buhatin ni Jan ang mga pagkain papuntang kusina, dinala na niya ang dala niyang bag paakyat kung nasaan ang mga silid. "Saan ako pwede mag-stay?" tanong ni Jan nang makita si Joy. "Doon ka daw sa dulo." sagot ni Joy at tinuro ang tinutukoy na silid. Pagpasok niya ay nagulat siya nang makita sa loob si Miguel. "Dito rin po kayo?" tanong ni Jan. "Oo." sagot ni Miguel. Pumasok na rin si Leonard sa silid. "Tayong tatlo pala ang magkakasama sa silid." wika naman ni Leonard. "Ok lang naman sa inyo, hindi ba?" tanong ni Miguel. "Sure, no problem!" sagot ni Leonard. Si Jan naman ay natutulala na lamang sa mga nangyayari. Ilang saglit pa ay naghuhubad na si Miguel at nagpapalit ng damit. "Ay! Ano ba yan? Wait lang! Lalabas lang ako!" sigaw ni Jan at mabilis na tumakbo palabas. Natawa na lamang si Miguel. Lumabas at kumatok naman si Jan sa silid nina Charm. "Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Charm dito. "Bakit kasama kasi si Sir Miguel dito?" tanong ni Jan. "Eh gusto niya sumama eh. Pwede ba namin tanggihan ang nagpapasahod sa atin?" sagot ni Charm. "Paano niya nalaman itong outing natin?" tanong pa ni Jan. "Ang bruhang Joy, chinika kay Budoy na may plano tayong mag-swimming dito sa Laguna, Eh saktong nadinig ni Sir Miguel nang dumaan siya at tinanong kung sinu-sino ang mga kasama natin. Sinabi niya na kasama ang boyfriend ko at boyfriend niya. Sinabi niya rin na yayayain mo nga si Sir Leonard na sumama kasi nga sabi mo baka ma-out of place ka sa amin." paliwanag naman ni Charm. "Hay! Kung alam ko lang na kasama siya, hindi na lang sana ako sumama!" wika pa ni Jan. "Ang arte mo ah! Ayaw mo nun, kasama ang tinatangi mong si Sir Miguel?! May bonus ka pang Sir Leonard!" biro ni Charm. "Tse! Tumigil ka nga diyan at baka madinig ka ng dalawa!" sabi pa ni Jan. At nang makita ni Jan na lumabas na ng silid sina Leonard at Miguel pagkatapos magbihis ay pumasok na ulit ito upang makapagpalit na rin ng damit. At pagkatapos magpalit ng damit ay nagtungo na ito ng kusina upang makapagluto. 

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon