Chapter 38

7.9K 260 3
                                    

"Lumina, can you come inside to my office and pick-up and documents needed by Ms. Paloma?" ang sabi ni Miguel nang tawagan nito ang kanyang sekretarya. Napalunok na lamang siya na pumasok at makita nito ang suot ng kanyang sekretarya. Hapit na hapit ang damit nito at medyo maiksi ang suot na palda. "Nasaan po yung document, sir?" tanong nito sa kanya. Makikita dito ang malalagkit na tingin sa kanya. Iniabot nito ang folder kung saan nakapaloob ang mga nasabing dokumento. Pagkakuha ni Lumina ng folder ay naglakad na ito palabas ng pinto. Ngunit bago pa man siya makapunta ng pinto ay nabitawan nito ang hawak na folder. "I'm sorry!" ang nasambit ni Lumina at isa-isang dinampot ang mga nahulog na dokumento. Napalunok lalo si Miguel nang makita nito kung paano damputin ni Lumina isa-isa ang mga dokumento dahil ilang saglit ay maari nitong makita ang suot na underwear sa ilalim ng kanyang palda. Pilit na winawaksi ni Miguel na sinasadya ipakita ng dalaga ang mga mabibilig at makinis na binti nito sa kanya. Biglang naalala ni Miguel si Jan at ang sinabi nito. "Huwag mo iparamdam ang insecurity sa akin. Babae yang bago mong sekretarya! Wala akong laban sa kanya!" ang naalala niyang eksaktong sinabi ni Jan sa kanya. Nabagabag bigla ang loob ni Miguel kaya humarap siya bigla sa may bintana ng opisina at tumingin sa labas upang maiwas nito ang tingin sa dalaga. Bigla naman siyang tinawag nito. "Let me remind you sir of your meeting with Creative Team later." sabi ni Lumina sa kanya. "Ok." matipid na sagot na lamang nito.

"This is will be summary of the upcoming game that we will be developing." ang sabi ni Miguel sa buong Creative Team habang pinag-uusapan ang mga plano sa susunod na gagawin nilang laro. Patuloy na tinatalakay ni Miguel ang lahat ng kanilang plano. Si Leonard, ang pinuno ng Creative Team ay seryosong nakikinig naman kay Miguel. Napapansin ni Leonard na naiilang si Miguel habang nagsasalita sa harap ng buong team. "Huli kong nakita na naiilang si Miguel ay noong nandito pa si Jan bilang sekretarya niya." sabi pa ni Leonard sa kanyang sarili. Napatingin si Leonard kay Lumina at napansin nito ang kakaibang titig sa kanyang boss. "Kaya pala." ang nasabi na lamang ni Leonard nang makita si Lumina. Palihim na inoobserbahan ni Leonard ang bawat kilos ang tingin ni Lumina kay Miguel. "Anong meron dito kay Lumina?" wika pa ni Leonard sa kanyang sarili. Bilang lalaki, alam nito ang mga pahiwatig na kinikilos ng isang babae kung may gusto ito sa isang lalake. "Mukhang may karibal na si Jan kay Miguel?!" sabi pa ulit ni Leonard sa kanyang sarili. "Do you have anything to say, Leonard?" tanong ni Miguel sa kanya. "Wala naman." matipid na sagot ni Leonard. "Well that concludes our meeting." pagtatapos ni Miguel. Ilang saglit naman ay lumapit si Lumina kay Miguel. Pasimpleng inobserbahan ni Leonard ang kilos ng dalawa. "Do you need anything?" tanong ni Lumina kay Miguel at pagkatapos ay hinaplos nito ang mga kamay ng binata. "None for now." sagot ni Miguel. Nakita lahat ni Leonard ang nangyari. Kinutuban ng masama si Leonard tungkol dito. "What's with these two?" sabi ni Leonard sa kanyang sarili. Nakita pa nitong sabay na lumabas ng conference room ang dalawa at derechong bumalik sa kanilang opisina. "I will not tell Jan anything about this unless I discovered something." wika ni Leonard pa sa kanyang sarili.

Pagbalik ni Miguel ay dere-derecho itong pumasok ng kanyang opisina. Ilang saglit pa ay tinawagan nito si Lumina sa kanyang telepono. "Can you please come inside my office?" sabi pa ni Miguel. "Ok sir!" sagot ni Lumina at mabilis na tumayo at nagtungo papasok ng opisina ni Miguel Pagpasok ni Lumina ay nagtanong agad ito kay Miguel. "May kailangan po sila, Sir Miguel?" tanong nito. "Hindi naman importante." bungad ni Miguel. "Pero napapansin kong medyo iba ang hawak mo lagi sa akin." dagdag pa nito. "What do you mean, sir?" paiwas na tanong ni Lumina. "Napapansin kong mahilig kang humawak sa akin." sabi pa ni Miguel. "Magiliw lang po akong tao." sagot pa ni Lumina. "I don't want that!" sabat ni Miguel. "I don't want to sound rude but I don't want you to do that to me!" dagdag pa nito. "Single naman po kayo, 'di ba?" wika ni Lumina. "Excuse me?" gulat na sabi ni Miguel. "Are you intefering with my personal life?" dagdag pa ng binata. "I'm sorry, I didn't mean to say that." sagot ni Lumina. "To answer your question, I'm sorry but I'm no longer single. I'm currently in a harmonious relationship and you don't need to know who's I'm seeing right now!" paliwanag ni Miguel. "Si Jan po ba ito, yung dati ninyong sekretarya?" sabi ni Lumina. Nagulat si Miguel sa sinabi ng dalaga. "Lumina, let me remind you that I'm your boss. Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob makipag-usap sa boss mo ng ganito. I would like to tell you that this will be your last day working for me!" galit na sabi ni Miguel. Natigilan bigla si Lumina. Naisip nitong sumobra yata siya sa mga sandaling iyon. "I'm sorry sir, hindi na po mauulit." pakiusap ni Lumina. "You may now go back to your desk. I will talk to Ms. Paloma regarding your employment status." sagot ni Miguel. "Sir?!" pakiusap pa ulit ni Lumina ngunit galit na sinagot lamang siya nito. "Go back!"

Paglabas ni Lumina ay tinignan agad ni Miguel ang record ni Lumina sa database ng kumpanya. Nakita nitong nanggaling si Lumina sa opisina kung saan namumuno ang kanyang papa. Nagulat lalo ito nang malamang direktang nagre-report si Lumina sa kanyang papa. Nabasa pa nito na personal na nirekomenda ng kanyang papa ang paglipat ni Lumina sa PNYG bilang kapalit ni Trish. Naalala naman agad din ni Miguel na biglaang nag-resign si Trish bilang sekretarya nito ngunit hindi malinaw ang dahilang ng kanyang resignation. Biglang kinutuban ng masama si Miguel tungkol sa bagay na ito. Kinuha nito ang kanyang telepono ang tinawagan si Paloma. "Yes Miguel?" tanong ni Paloma sa kanya nang sagutin nito ang tawag niya. "Can you tell me, Ms. Paloma, why Lumina was considered as replacement for Trish as my secretary?" tanong naman niya sa matandang dalaga. "I'm sorry Miguel. I was not able to read her full profile since I'm confident with her since she was endorsed by the head office." ang sagot naman sa kanya. "I need to talk to you regarding her." sabi pa ni Miguel at pagkatapos ay kinuwento ang lahat ng nangyari. "Don't worry Miguel. I won't tolerate this kind of infraction." sagot sa kanya ni Paloma. "But can you please try to know discreetly if my father is somewhat involve with her transfer?" sabi naman ni Miguel. "What's on your mind, Miguel?" ang tanong naman sa kanya. "I'm not sure yet but I will tell you soon once I confirmed it!" sagot naman niya dito. "No problem. I'll advise you right away." ang wika naman ng matandang dalaga na si Paloma.

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon