Epilogue

14K 367 102
                                        

Makalipas ang limang taon..


Sinundo ni Miguel si Jan mula sa kanilang opisina. "Sorry Sir Miguel kung naabala pa kita na sunduin ako ngayon." sabi ni Jan sa binata. "Ang dami ko kasing kailangan dalhin sa bahay dahil kailangan tapusin ko ito hanggang Lunes." patuloy pa nito. "Ok lang. Kahit ano para sa prinsesa ko." sagot ni Miguel. Pagsakay ni Jan sa sasakyan ay biglang tumunog ang cellphone nito. "Si Sir Leonard, tumatawag." sambit nito nang makita nitong tumatawag sa kanya si Leonard. "Hello, Sir Leonard?" bungad nito nang sagutin ang tawag. "Maari ba kitang makita ngayon?" tanong ng binata sa kabilang linya. "Kailangan lang kita makausap. Nandito ako sa bahay ngayon. Pwede kitang puntahan diyan sa opisina mo." patuloy pa nito. "Actually, pauwi na po ako. Sinundo po ako ni Sir Miguel kasi nakisuyo ako sa kanya." sagot naman ni Jan. "Kung gusto ninyo po, puntahan na lamang namin kayo diyan sa inyo?" wika pa nito. "Mas mabuti nga. Gusto ko rin makausap si Miguel tungkol dito." sagot ni Leonard. "Ok po. Sabihin ko po sa kanya." sabi ni Jan. "See you in awhile." sagot ni Leonard sa kabilang linya. Pagkababa ng telepono ay nagtanong agad si Miguel. "Bakit daw?" tanong nito. "Puntahan natin siya sa kanila. Gusto niya daw tayo makausap." sagot naman ni Jan. "Sige, dumiretso na muna tayo sa kanila." wika ni Miguel. "Kumusta na pala sila ni Alisa?" tanong naman ng binata. "They are very much in love!" sagot ni Jan. "Selos ka?" tanong ulit ni MIguel. "Bakit naman ako magseselos kung meron na akong Prince Charming?" sagot ni Jan sabay sundot sa tagiliran ng binata. Natawa naman si Miguel dito. "Huwag ka makulit! Baka mabangga tayo!" saway ng binata. "Sige na, titigil na! Quota na ako sa ospital!" wika ni Jan at tinutukoy nito na ilang beses na siyang na-ospital dahil sa mga nakaraang aksidente. 

Pagdating nila ay sinalubong agad sila ni Leonard. "Miguel! Jan! Thanks for coming!" bungad nito sa kanila. "Jan, hinihintay ka ni Mama sa loob." sabi naman ni Leonard kay Jan. "Sige, puntahan ko agad siya." sagot ni Jan at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. "Salamat Miguel sa pagpunta." wika naman ni Leonard kay Miguel. "What's up?" tanong naman ng binata. "Mas mabuti na loob na tayo mag-usap." paanyaya ni Leonard. Pumasok ang dalawa at nadatnan na nag-uusap sina Anita, Jan at ang kasintahan ni Leonard na si Alisa. "Kumusta hijo?!" bungad ni Anita nang makita ang binata. "Mabuti po, tita!" sagot ni Miguel. "Mukhang hiyang na hiya ka kay Jan, ah?!" biro naman ni Anita sa binata. Napangiti naman si Miguel sa tinuran ng una. Biglang nag-blush si Jan sa hiya. "Masarap kasi magluto si Jan, eh." sagot naman ni Miguel. "Hindi ako tutol diyan. Masarap talagang magluto itong batang ito." pagsang-ayon naman ni Anita. Ilang saglit pa ay lumabas na si George mula sa dining area. "Mas mabuting dito na kayo mag-usap-usap. Nakahanda na ang pagkain." paanyaya nito. "Hindi na po sana kayo nag-abala pa." wika ni Jan. "Of course, bisita namin kayo." sagot naman ni Leonard dito. "Shall we?" paanyaya naman ni Anita. Pagkatapos niyon ay sabay-sabay na silang nagtungo sa dining area.

"Ano?!" gulat na sambit ni Jan habang kumakain. "Oo." sagot naman ni Leonard. "Napagdesisyunan namin ni Alisa na gawin kayo ni Miguel na Grooms Men at pumayag si Alisa na ikaw Jan ang gawin naming Best Man." patuloy pa nito. "Bakit naman ako?!" wika naman ni Jan. "Ang awkward naman na ako ang maging Best Man." patuloy pa nito. "Hindi ba pwedeng si Sir Miguel na lang?" hirit pa nito. "Alam naman namin lahat dito na ikaw ang pinakamatalik na kaibigan ni Leonard kaya mas nararapat sa'yo ang maging Best Man." wika naman ni Miguel. "Eh ano naman ang susuotin ko?" tanong pa ni Jan at alanganin pa rin pumayag sa gusto nila. "Pwede mo naman suotin ang suit tulad ng sinuot mo noong birthday ni Miguel." sagot ni Leonard. "Bagay na bagay nga sa'yo yun, hijo." wika pa ni Anita. "Please Jan?!" pagsusumamo naman ni Alisa. Nahihiyang tumanggi kaya pumayag na rin si Jan sa gusto ng mga ito. "Huwag lang sana ako maging katawa-tawa sa araw ng kasal ninyo!" wika ni Jan. "You won't. I promise." sagot ni Leonard. "Kung hindi ka lang malakas sa akin, hindi talaga ako papayag sa gusto ninyo." wika ni Leonard. "Thanks Jan!" sagot naman ng magkasintahan na Leonard at Alisa. 

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon