Chapter 48

7.8K 253 1
                                    

Abala sa pagtatrabaho si Jan sa kanyang bagong pinapasukang kumpanya. Natanggap siya bilang isang office assistant sa isang advertising company. At sa kanyang trabaho, nakilala niya si Luis, isa sa mga web designer ng kumpanya. Nagkakilala sila nang malaman ni Luis na gamer din si Jan. “Anong nilalaro mo ngayon?” tanong ni Luis sa kanya nang lapitan siya nito sa kanyang desk. “Naku! Wala ngayon dahil mga luma na yung mga laro ko sa PS2 ko!” sagot ni Jan sa kanya. “Marami akong mga lumang laro sa PS2 ko, natapos ko nang lahat kaya baka gusto mong hiramin?” wika naman nito kay Jan. “Sige ba basta ok lang sa’yo.” sagot ni Jan. “Walang problema, dalhin ko bukas.” wika naman ni Luis. “Nakapaglaro ka na ba ng PS3?” tanong ulit ng binata kay Jan. “Oo, nakapaglaro ako noon sa bahay ng boss ko dati.” sagot ni Jan. “Boss mo?” tanong ulit ni Luis. “Oo. Si Miguel De Dios.” sagot ulit ni Jan. “Totoo palang galing kang PNYG. Naging close kayo ni Mr. Miguel De Dios?” tanong pa ulit ni Luis. “Oo. Ako kasi ang sekretarya niya dati.” sagot ni Jan. “Wow! Bigtime ka pala! Eh bakit umalis ka doon?” tanong ulit ni Luis. “Career move. Gusto ko maiba naman.” pagsisinungaling ni Jan. Ayaw ipaalam nito na may relasyon sila ni Miguel at ang tunay na dahilan ng pag-alis nito sa dating kumpanya. “Ganon? Sayang naman dahil nandoon ka na sa PNYG, umalis ka pa!” sagot ni Luis. “Gusto ko nga bumili ng PS4.” dagdag pa ni Luis. “Maganda nga ang PS4 kaso ang mahal naman. Nasubukan ko nang maglaro din nun kina Sir Miguel at talagang napakagara ng game consolena yun!” sagot ni Jan. “Sa bonus ko, bibili talaga ako nun!” wika ni Luis. “Ikaw pala ang bigtime!” biro ni Jan. Natawa na lamang si Luis.

Nag-aayos na si Jan para umuwi nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Leonard ang tumatawag. “Yes po, Sir Leonard?” wika nito nang saguting ang tawag. “Nasa office ka pa ba?” tanong ni Leonard sa kabilang linya. “Opo. Actually pauwi na po ako. Nag-aayos na pauwi.” sagot ni Jan. “Good! May pinuntahan kasi ako sa may Salcedo Village eh dadaan ako diyan malapit sa building ninyo. Maari na kitang isabay pauwi.” wika ni Leonard. “Talaga?! Hulog ka talaga ng langit!” masayang tugon ni Jan. Natawa si Leonard sa nadinig mula kay Jan. “Bakit naman?” natatawang tanong nito. “Dami ko kasing bibitbitin na report ngayon. Kailangan kong tapusin sa bahay. Feeling ko mahihirapan akong maghanap ng taxi dahil sa mga dala ko kaya hulog ka talaga ng langit dahil hindi na ako mahihirapan magbiyahe pauwi!” sagot ni Jan. “Eh pwede mo naman akong tawagan kung sakali nahihirapan kang sumakay pauwi.” wika ni Leonard. “Naku noh! Ayaw na kitang abalahin dahil alam kong busy ka rin. Ngayon pa na tinatapos ninyo na yung pinakabago ninyong laro!” sagot ni Jan. “Walang problema sa akin. Saka sasabihin ko naman sa’yo sakali kung hindi rin ako pwede.” tugon ni Leonard. “Naku baka sabihin mo kasing pwede ka kahit alam kong hindi. Kilala na kita! Ayaw ko nang inaabala kita ng masyado!” wika naman ni Jan. “That’s what friends are for!” tugon ulit ni Leonard. “Naku! Drama!” natatawang biro ni Jan. “Sige na! I will see you in awhile.” sabi ni Leonard. “Sige po! Salamat po ulit, Sir Leonard!” sagot ni Jan.

Naglalakad na si Jan patungo sa lobby ng building para hintayin si Leonard habang dala ang mga report at documents na kailangan iuwi nito at tapusin sa bahay nila. Dahil sa sobrang dami nang dala nito ay hindi sinasadyang mahulog ang mga ito habang naglalakad. Saktong napadaan sa lugar si Luis kaya nakita nito si Jan. Tinulungan nito damputin lahat ng mga nahulog na dokumento. “Ang dami nito ah?” wika ni Luis kay Jan. “Ay Luis! Salamat sa pagtulong.” sagot ni Jan nang makita nito si Luis na tinutulungan siyang pulutin lahat ng mga nahulog na dokumento. “Magcocommute ka ba pauwi  na dala ang mga ito?” tanong ni Luis kay Jan. “Hindi, susunduin ako ng dati kong boss ngayon.” sagot ni Jan. “Wow! Bigtime ka talaga! Susunduin ka ni Mr. De Dios?” gulat na tanong ni Luis. “Ay hindi! Yung matalik kong kaibigan yun na boss din sa PNYG.” sagot ni Jan. Tinulungan ni Luis si Jan bitbitin ang mga dala ni Jan hanggang sa may lobby ng building. “Samahan na kitang hintayin yung boss mo dito para matulungan kitang dalhin itong mga ito.” sabi ni Luis kay Jan habang bitbit ang mga dalang dokumento ni Jan. “Sure ka? Ok lang naman ako dito. Parating na rin naman yun.” sagot ni Jan. “Sige na. Kitang-kita ko naman kasing hirap na hirap ka na sa pagbubuhat ng mga ito kaya sasamahan na kita.” wika naman ni Luis. “Sige! Salamat!” masayang tugon ni Jan.

Kinuha ni Leonard ang kanyang cellphone nang malapit na ito sa gusali kung nasaan ang opisina ni Jan. Ngunit hindi namamalayan ni Jan na tinatawagan na pala siya ni Leonard dahil abala ito sa pakikipag-usap kay Luis at inaasahan na rin nitong magkikita sila ni Leonard. Sinubukan ulit tawagan ni Leonard si Jan ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Nang ikatlong tawag ay sinagot na rin ni Jan ang tawag nito. “Naku, Sir Leonard, sorry, tumatawag ka pala!” paumanhin ni Jan nang sagutin nito ang tawag nito. “Ready ka na ba?” tanong ni Leonard. “Opo. Nandito na po ako sa building lobby.” sagot ni Jan. “Sige, malapit na ako. Papasok na ako sa loading bay. Pumasok ka na lang sa sasakyan.” sagot ni Leonard. At nang nasa gusali na si Leonard ay pumasok na ito sa loading bay ng gusali. Nakita nito sa Jan na may kausap na lalake at masayang-masayang nakikipag-usap ito sa kanya. “May bagong kaibigan si Jan ah.” sabi ni Leonard sa kanyang sarili. Nang makita ni Jan ang kanyang sasakyan ay mabilis na lumapit ito sa kanya. “Sir Leonard, thank you po ulit!” masayang sabi ni Jan nang buksan nito ang pinto. “Sige, lagay mo na lang sa likod yung mga gamit mo.” sabi naman niya dito. “Sir Leonard, papakilala ko po pala sa inyo si Luis, isa po siya sa mga web designer ng agency.” pakilala ni Jan. Ngumiti lamang si Leonard bilang tugon dito. Tumango lang rin si Luis dito. “Salamat Luis ah?!” wika naman ni Jan dito. “Walang anuman! Sige, mauna na ako!” sagot ni Luis dito. “Sige, ingat sa pag-uwi ah?! Bukas na lang ulit!” wika ni Jan. Ngumiti na lamang si Luis bilang tugon dito at pagkatapos ay umalis na rin ito. “May bago ka na ulit kaibigan ah?” wika ni Leonard. “Opo. Mahilig din po kasi siya maglaro kaya nagkakaintindihan kami!” natatawang sagot ni Jan. “Alam ba ito ni Miguel?” tanong ni Leonard. “What do you mean?” napakunot-noong tanong naman rin ni Jan. “Alam ba ni Miguel yang bago mong kailbigan?” tanong pa ulit ni Leonard. “Ano naman ang dapat niyang malaman tungkol dito?” nagtatakang tanong ni Jan. “Baka magselos yun.” sagot ni Leonard. Natawa bigla si Jan sa sinabi ni Leonard. “Bakit naman siya magseselos ka kakakilala lang naman rin namin ni Luis. At saka magkaibigan lang naman kami.” sagot naman ni Jan. “Kung sa akin nga, nagseselos na yun, sa bago mo pa kayang kaibigan, hindi?” wika ni Leonard. “Wala naman siyang pwedeng ipagselos dahil unang-una, hindi naman kami ganoon ka-close pa ni Luis. Pangalawa, hindi ko siya type!” dagdag pa ni Jan. “So kung type mo pala siya, may pag-asa?!” tanong ni Leonard. “Wala pa rin noh! Kay Sir Miguel pa rin ako!” pagtanggi ni Jan. Natawa naman si Leonard kay Jan. “Ano ba yan? Magkarelasyon na kayo ni Miguel, sir pa rin ang tawag mo sa kanya?” natatawang sabi ni Leonard. “Eh nasanay na ako eh.” sagot ni Jan. Natatawa at naiiling na lang si Leonard habang nakikipag-usap kay Jan. “Oh sige na! Maraming salamat Sir Leonard!” sabi ni Jan nang makarating na sila sa bahay nito. “No problem, kahit ano basta ikaw!” sagot ni Leonard sabay kindat dito. “Wow! Ang pogi talaga!” pang-aasar nito sa kanya. “Kaya gustung-gusto kita dahil hindi ka talaga nagsisinungaling!” biro ni Leonard. Nagtawanan na lamang ang dalawa. 

My Beki SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon