Araw ng sabado. Tinawagan ni Jan si Leonard sa kanyang cellphone. "Napatawag ka Jan?" tanong ni Leonard sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya. "Busy po ba kayo today?" tanong naman ni Jan. "Hindi naman. Bakit?" wika pa ni Leonard. "Balak ko po kasing ipagluto ang mama ninyo." sagot ni Jan. "Sige. Kung gusto mo dito ka na lang magluto para maka-bonding mo rin siya?" sabi naman ni Leonard. "Ok lang ba sa kanya yang idea na yan?" tanong naman ni Jan. "Oo naman. Matutuwa pa yun!" sagot ni Leonard. "Kung gusto mo, sunduin na kita ngayon diyan sa inyo?" dagdag pa ni Leonard. "Ay! Sige po! Maliligo na ako ora mismo!" mabilis na sagot ni Jan. "Ok. I'll be there in thirty minutes." wika pa ni Leonard at saka binaba ang tawag.
Pagkasundo ni Leonard kay Jan at dumaan na sila ng supermarket upang makapamili ng mga gagamiting sangkap sa pagluluto at pagkatapos ay dumerecho na sila sa bahay nito. Sinalubong sila agad ng mama ni Leonard na si Anita. "Welcome, hijo! Leonard told me na magluluto tayo today?!" bati ni Anita kay Jan. "Yes po, tita. Kung ok lang po sa inyo!" sagot naman ni Jan. "Of course I do! Tara na sa kusina para makapagsimula na tayo." wika naman ni Anita at pagkatapos ay nagtungo na sila sa kusina. Si Leonard naman ay nagtungo muna sa living room at hinayaan munang makapag-bonding sina Anita at Jan sa hiling na rin ng kanyang ina. Ilang saglit pa ay bumaba na ang papa nang madinig ang ingay mula sa baba. "Nandiyan na ba si Jan?" tanong ni George kay Leonard. "Yes, pa! Nandoon sila ni Mama sa kusina at nagluluto." sagot ni Leonard. Napatingin si George sa may bandang kusina nang madinig niya ang malakas na tawanan ng mga tao doon. Pagsilip niya ang masayang masayang nagtatawan ang kanyang maybahay na si Anita kasama sina Jan at mga kasambahay na tumutulong sa kanila. Lumapit sina George at Leonard sa may kusina upang tignan ang kanilang ginagawa. Nakita ni George kung gaano kamasayahin si Jan at tuwang-tuwa naman si Anita dito. "I never thought na mabuti pa rin pala ang mga taong katulad ni Jan." sabi ni George kay Leonard. Napatingin lamang si Leonard sa kanyang papa. "How I missed your brother, Laurence." sabi pa ng kanyang papa. "Kung naging open minded lang sana ako noon, nandito pa sana ang kapatid mo." dagdag pa ni George at hindi maiwasan ang maluha. "Pa, let's just move on. Nasa mabuting kalagayan na ngayon si Laurence." sabi naman ni Leonard at pagkatapos ay niyakap ang kanyang papa. "Bakit hindi ka na muna sumama sa kanila?' sabi pa ni Leonard. Nagtungo naman agad si George sa kusina upang sumama sa kanilang usapan. Si Leonard naman ay nagtungo sa kanyang silid upang makapagpalit ng damit.
Sa kusina ay abala ang lahat sa pagluluto habang sila'y nagtatawanan. "Nasaan po si Sir Leonard?" tanong ni Jan nang mapansin na hindi nito nakikita ang nasabing binata. "Umakyat siya, baka nagpalit lang ng damit." sagot ni George. "Patitikim ko na sana itong niluluto natin." sabi naman ni Jan. "Sunduin mo na, hijo, sa taas para makasabay na rin siya sa pagkain natin nito." sabi naman ni Anita. "Sige po!" sagot naman ni Jan at pagkatapos ay umakyat na upang puntahan si Leonard. Pag-akyat niya ay nalula ito sa laki ng bahay. "Saan ba ang silid ni Sir Leonard dito?" sabi ni Jan sa kanyang sarili. Sa paglalakad niya sa isang hallway ay napansin nito ang malaking family portrait na nakasabit sa pader. "Ito siguro yung kapatid ni Sir Leonard na sinasabi niya." wika pa ni Jan sa kanyang sarili nang makita ang isang lalake na kasama nina George, Anita at Leonard. "Ayan si Laurence, yung sinabi kong kapatid ko." wika ni Leonard nang makitang tinitignan ni Jan ang kanilang family portrait sa nasabing hallway. Nagulat at napalingon si Jan sa kinatatayuan ni Leonard. Nag-blush ito nang makitang naka-towel lamang ito at halatang galing banyo. Napatakip ito ng kanyang mata sa hiya. "Ano ba yan Sir Leonard?! Magbihis naman muna po kayo!" sabi ni Jan. Natawa si Leonard sa reaksyon ni Jan. "Ano ka ba? Wala naman akong malisya. Not unless meron sayo?" natatawang sabi pa ni Leonard. "Kung gusto mo tanggalin ko pa itong towel ko sa harap mo?!" biro pa ni Leonard. "Sir Leonard!" napasigaw si Jan sa hiya. "Biro lang!" sagot ni Leonard. "Magbihis na po kayo kasi kakain na po tayo sa baba!" sabi na lamang ni Jan at tumakbo pababa ng hagdan. Muntik pa itong madulas sa kamamadali. Natawa na lamang si Leonard habang pinagmamasdan si Jan na tumatakbo.
Habang kumakain ay masaya pa rin silang nagkukuwentuhan. Si Jan ay hindi mapigilan mapatingin kay Leonard na nakaupo sa harap niya. Kinikindatan lamang siya nito tuwing nahuhuling nakatingin siya rito. Ngingiti na lamang si Jan at pasimpleng titingin sa iba tuwing nahuhuli siyang nakatingin. Naalala bigla ni Jan si Leonard na naka-towel lang kanina. Kung tutuusin ay hindi nagkakalayo ang built ng katawan ni Leonard kay Miguel. At hindi rin magpapatalo si Leonard kung kagwapuhan lang rin ang pag-uusapan. Pero nang sumagi sa isip ni Jan si Miguel, hindi na nito naalis sa kanyang isip. Ang kanyang minamahal na si Miguel. "Oh my! Minamahal talaga?" tanong ni Jan sa kanyang sarili. Naalala ulit nito ang pagkakayakad niya kay Miguel noong isang gabi. Habang patuloy na iniisip si Miguel, napansin ni Jan na nakatitig na sa kanya si Leonard. Nang mapalingon siya dito ay kumindat na lamang ulit ito sa kanya. Ngumiti na lamang si Jan bilang tugon dito.
"Oh, ihatid mo na si Jan bago pa lumalim ang gabi." sabi ni Anita kay Leonard matapos ang masaya nilang bonding.Lumapit si Anita kay Jan at nagpasalamat ito. "Thank you so much, hijo, for coming!" sabi pa ni Anita kay Jan at pagkatapos ay bumeso ito. "Maraming salamat din po tita, for everything." sagot ni Jan. "Come and visit us anytime." wika pa ni Anita. "No problem, tita!" magalang na sagot ni Jan. "Mauna na po ako, tito." sabi naman ni Jan kay George. "Ingat kayo." sagot naman ni George. "Sige, hahatid ko na siya sa kanila." singit naman ni Leonard. Pagkatapos niyon at nagtungo na sina Leonard at Jan sa sasakyan nito.
Habang nasa sasakyan at bumibiyahe papunta sa bahay nina Jan ay nag-usap ang dalawa. "Maraming salamat po, Sir Leonard!" wika ni Jan dito. "Salamat saan?" tanong ni Leonard. "Kasi kahit paano, pinaramdam ninyo sa akin na naging parte ako ng pamilya ninyo." sagot naman ni Jan. "Masaya naman ako sa kinalakihan kong pamilya, sina Lola Adelina at Tita Glory." ani Jan. "Pero minsan siyempre, darating sa point na kahit paano eh maghahanap ka pa rin ng pagkalinga ng isang ama at ina." dagdag pa ni Jan. "Nasaan ba ang mga magulang mo?" tanong ulit ni Leonard. "Ayon kasi sa kwento ng lola ko, naging kapit-bahay niya ang nanay kong tunay. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabuntis siya ng kanyang kasintahan at iniwan siya nito. Pagkapanganak daw sa akin ay ibinigay ako kay lola. Ang tatay ko daw ay nagkaroon na ng sarili niyang pamilya. Ang nanay ko naman, pagkapanganak ay pumunta na sa ibang bansa." paliwanag ni Jan. "Hindi ka ba nagdesisyon na hanapin sila?" tanong naman ni Leonard. "Tinanong ko sa lola ko ang pangalan ng mga magulang ko pero ang natatandaan niya lang ay yung first name. Hindi naman daw kasi sa amin lugar lumaki yung mga magulang ko, parang mga dayo lang sila doon." wika pa ni Jan. "At saka I think there's no need for me to find them. Masaya na naman ako sa buhay ko." sabi pa ni Jan. "Pero, like what I've said earlier, there are times na kahit paano eh hinahanap-hanap mo pa rin ang ganung klaseng kalinga." dagdag pa ni Jan. Napatingin na lamang si Jan sa labas ng bintana at hindi na naiwasan maluha sa mga sinabi. Napatingin naman si Leonard kay Jan at napansin lumuluha na ito. Nakaramdam rin ito ng lungkot nang makita si Jan na lumuluha. "Ok lang yan!" sabi pa ni Leonard at tinapik ang mga balikat ni Jan. "Pwede mo na naman kaming ituring na extended family." dagdag pa ni Leonard. Napatingin naman si Jan kay Leonard. "Thank you po!" sabi naman ni Jan. "So pwede ko na po kayong tawaging kuya ko?" biro ni Jan. Natawa bigla si Leonard sa sinabi ni Jan. "Bakit ka natawa? Eh mas matanda ka sa akin? Kaya dapat lang na tawagin kitang kuya!" wika pa ni Jan. "Leonard is fine." sagot naman niya. "Ah basta! I will call you kuya whether you like it or not!" biro pa niya ulit dito. "Sige! Kapag tinawag mo akong kuya, hahalikan kita diyan!" sabi naman ni Leonard. Nagulat naman si Jan sa sinabi ni Leonard at hindi napigilang mag-blush. "Biro lang!" sabi naman ni Leonard at nakangiti. "Huwag mo nga akong binibiro ng ganyan, Kuya Leonard!" biro naman ni Jan. "Aba! Parang gusto mo yata talagang mahalikan!" sagot sa biro ni Jan. "Ang kapal naman! Hindi ah?!" natatawang sabi ni Jan. "Pero marami po talagang salamat sa lahat!" sabi pa ulit ni Jan. "Thank you rin Jan!" sagot naman ni Leonard. Pagdating nila sa bahay ay bumaba agad si Jan mula sa sasakyan. "Thank you sa paghatid!" wika ni Jan at pakatapos bumaba. Binuksan naman ni Leonard ang bintana ng sasakyan at kinausap si Jan. "You're welcome! Ikaw pa, malakas ka sa akin!" sagot naman ni Leonard at pagkatapos ay kumindat ito. "Umuwi ka na nga!" sabi naman ni Jan. "Sige! Good night!" wika ni Leonard. "Good night!" sagot ni Jan. Pagkatapos ay isinara na ni Leonard ang bintana at pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan. Si Jan naman ay nakatanaw lamang habang nakaalis na ang sasakyan ni Leonard. Sa loob ng sasakyan, nag-iisip si Leonard. "Ano ba itong mga sinasabi ko kay Jan?" tanong ni Leonard sa kanyang sarili. "Masaya ako na nakakasama ko si Jan. Pero gusto ko lang ba siya dahil sa alaala ng kapatid kong si Laurence? O iba na itong nararamdaman ko para sa kanya?" sabi pa ni ni Leonard sa kanyang sarili.

BINABASA MO ANG
My Beki Secretary
Romancea story about an effeminate gay man and his struggle in loving his Prince Charming - his boss! Si Jan ay isang bading na nangarap na makapag-trabaho sa kumpanya ng kanyang hinahangaan na si Miguel De Dios - ang gwapo at sikat na CEO ng video game c...