One

1K 36 0
                                    

Roni's POV

Excited na ako para sa reunion ng barkada pero hindi ko maialis ang kaba para sa muli naming pagkikita-kita. Matagal na din nung huling magkasama-sama ang barkada. After graduation nila Kuya, naging busy na din ang bawat isa.

Si Kuya Yuan na ang nagmamanage ng resto namin, and just married Missy. Maganda naman ang takbo ng family business namin. Si Jelai at Junjun were finally engaged, sa haba-haba nga naman ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. I am happy for them. While Tonsi naman is exclusively dating someone. Nakakatampo nga kasi ako ang naturingan niyang bestfriend pero hindi ko pa namimeet ang lucky girl.

Ako naman sinuwerteng nagkawork din kagad pagkatapos ng graduation ko and after ko makaipon ng puhunan nagsimula rin ako ng isang maliit na business, ipinagpatuloy ko ang hilig ko sa baking, nag explore din ako sa coffee-making kaya ngaun may sarili na akong coffee shop, I mean sa amin pala yun ni Tonsi.

All is well naman except...

Si Borj...

Si Borj na lang ang wala akong balita. Kamusta na kaya siya? Right after graduation nila, bigla na lang siya umalis, umalis siya ng hindi nagpapaalam. Sumunod siya kay Tita Kristine sa Italy. Wala kaming balita sa kanya kahit si Kuya. Hindi na din nakapagtataka kasi few weeks before grad nila, he kept distant sa barkada. I miss him so much at nahurt talaga ako sa bigla niyang pag-alis. Ilang buwan ko din tinago ang nararamdaman ko dahil ayoko naman magduda sa akin si Basti. Sinagot ko si Basti that time out of my belief sa mga signs na hiningi ko at siya ang naging answer kahit alam ko sa sarili ko na may ibang laman ang puso ko. Nabulag ako ng sarili kong fantasy at sa paghahangad ng isang perfect relationship. Napansin kong doon nagsimulang maglie-low si Borj sa barkada, he started dating different girls at panay din naman ang palit ng girlfriend.

Inaamin ko, hindi ko napahalagahan ang pagmamahal sa akin ni Borj, since high school nililigawan na niya ako, nalagay pa sa alanganin ang pagkakaibigan nila ni Kuya. Napaka-thoughtful, caring at sweet niya pero I am not ready yet for a relationship kahit na na-fall naman na talaga ko sa kanya that time, hindi ko kayang sumugal at ayoko din sirain ang tiwala sa akin nila Mommy at Daddy.

Hangang nung college, pumasok na sa eksena si Basti, mabait naman din si Basti, caring din siya at thoughtful, he was special to me also that time. Naguguluhan talaga ko sa nararamdaman ko ng mga panahong yun kaya humingi ako kay Lord ng mga signs kaya naging kami ni Basti pero hindi din nagtagal ang relationship namin, 6 months.. umabot kami ng 6 months dahil ayokong mapahiya, ayokong aminin sa sarili ko at sa barkada lalo na kay Borj na nagkamali ako. Ang tanga-tanga ko talaga.. Bakit natakot ako? Bakit ako nagduda sa nararamdaman ko para kay Borj and now he's gone..

"Roni, roni...," - Tonsi
"Are you ok Roni?, Kanina pa ako nagkukwento dito pero it seems that you're not listening? May problema ka ba?" - Tonsi

"Ah wala naman pasensya ka na Tonsi, may iniisip lang ako," - nahihiya kong sagot.

"It's ok Roni, you can tell me naman everything di ba? Is it about Borj again?,"-Tonsi na hinawakan ako sa balikat.

Nasa coffee shop kaming magkaibigan ng gabi na yun.

"Tonsi wag na natin siya pag-usapan, ilang years na din naman siyang nananahimik sa Italy, may sarili na siyang buhay doon, baka nga may asawa at anak na siya doon, hindi na tayo parte ng buhay niya ngayon,"- malungkot kong sagot sa kanya.

"Alam mo Roni malay natin baka naman dumating siya sa reunion natin, baka naging busy lang siya sa family business nla doon sa Italy," - Tonsi

"Hay naku Mr. Rodriguez, wag na natin lokohin ang sarili natin, yearly tayo nagrereunion, last year lang tayo hindi nakapagreunion, may nakita ka ba ni anino niya?, Wala di ba? Hayaan na lang natin siya manahimik kung saan man lupalop ng mundo siya nandon, wag natin hanapin ang taong ayaw magpakita," bitter kong sagot.

"Okay sige na nga sabi mo eh," - Tonsi

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon