Sixty Two

356 26 1
                                    

Roni's POV

Dalawang buwan na ng maghiwalay kami ni Borj. Hindi ko pa masasabing nakamove on na ako dahil hanggang ngayon aminado ako na walang araw na hindi ko siya naisip.

Hindi pa rin siya nagpapakita sa barkada. Yung encounter namin sa bar, yun din ang huling beses na nakita ko siya. Nakakalungkot lang na sa kabila ng lahat, sa paghihiwalayan lang din pala kami mauuwi. Akala ko pa naman mayroong happy ending na naghihintay para sa aming dalawa. Balita ko din ay lumipad na sila ni Jane pa-Italy. Talagang pinili na niya siya. Kaya't malabo pa sa malabo ang magkatuluyan kaming dalawa.

Ngayon nga pala ang araw ng kasal ni Tonsi, muntik ng mawala sa loob ko. Ano na naman ba 'tong pinag-iisip ko. Ako ang maid of honor nila ni Bea kaya dapat ay maging maganda at presentable ako kaya Roni ayusin mo sarili mo. Tigilan mo muna ang bisyo mo ha. Humigit ako ng malalim na hininga at pilit na ngumiti.

Sa simbahan ay abala ang lahat sa pag-aayos ng mga huling detalye bago ang kasal. Napakabongga naman talaga ng kasalang eto. Siguradong magiging laman eto gn magazine sa loob at labas ng bansa. Muli akong dinapuan ng lungkot sa puso, kung naging maayos sana ang naging relasyon namin ni Borj ay siguradong sa takdang panahon darating din kami sa puntong ganto.

"Roni you look great." - bulong sa akin ni Tonsi.

"Thanks Tonsi. I'm so happy for you." - at niyakap ko siya.

"Thanks Ron. Alam ko in the near future, ikaw naman ang ikakasal."

"Loko.. paanong ikakasal eh boyfriend nga wala, groom pa kaya."

"Malay mo naman dito mo makilala. Baka isa sa mga bisita ko."

"Pwede ba Tonsi, hindi pa ako ready makipagrelasyon ulit."

"Okay sinabi mo eh." - at ngumiti eto ng tila may kahulugan sa akin.

Ano ba naman tong si Tonsi kung kelan kasal niya dun pa naging wirdo.

"Excuse me lang Tonsi ha punatahan ko lang sila Jelai." - paalam ko sa kanya.

"Hi Jelai.."

"Wow napakaganda mo naman sis. Kinabog mo naman ang beauty ko."

"Ay grabe naman sis. Parehas lang tayong magaganda."

"Teka Roni maiba tayo, nameet mo na ba yung bestman?"

"Hindi pa nga eh. Mukhang wala pa siya dito."

"Sino naman kaya ang best man ni Tonsi??? Bakit kaya hindi si Junjun ang kinuha niyang bestman?" - si Jelai na abot-abot ang pagtataka.

"Napag-usapan na namin yan ni Tonsi. For sure may malalim siyang dahilan. Hindi naman ibigsabihin na hindi ako ang bestman niya ay dun na natatapos ang pagkakaibigan namin. Isa pa mahirap maging bestman, baka mamaya magkamali pa ako dun o ako pa maging cause ng kapalpakan. Alam mo namng may pagkaclumsy ako Hon eh." - saad ni Junjun.

"Sa bagay, hindi lang may pagka-clumsy ka Hon. Clumsy ka talaga since birth." - sabay tawa ni Jelai.

"Anyway, let's respect na lang kung anong desisyon ng ikakasal. Naiintriga lang talaga ko pero hindi ba ang mysterious naman talaga Roni, ni hindi man lang siya umattend ng practice." - dagdag pa ni Jelai.

Nagkibit-balikat na lang ako. Tama naman si Jelai. Mapapaisip ka din talaga. Pero sabi ni Tonsi pinsan niya daw yun na manggagaling pa sa ibang bansa kaya hindi umaattend ng practice.

Ready na ang lahat pero wala pa din ang bestman. Paano ba namang naging bestman yun kung nauna pang dumating ang groom at bride. Ayokong maglakad ng mag-isa sa aisle ha. Naku sayang naman ang beauty ko kung ganun. Luminga-linga pa ako sa paligid kahit hindi ko naman talaga alam kung sino ang hinahanap ko pero walang bakas ng pagdating ng sinuman. Nagulat na lang ako ng may maglahad ng kamay sa harap ko. Napatingin ako dun at tska itinaas ang pagtingin ko sa mukha ng may-ari ng kamay na yun.

"Let's go." - sabay ngiti nito at lumitaw ang malalim niyang dimples.

Natulala lang ako sa harap niya. Hindi ko inaakalang makikita ko ang lalakeng to ngayon. Tila nahipnotismo ako sa taglay nitong kisig at kagwapuhan. Dahil hindi ako makapagsalita man lang ay kinuha niya ang kamay ko at saka inilagay sa braso niya. Parang nawala lahat ng prinactice ko dahil sa pagdating ng lalakeng to. Perfect na perfect ang timing niya para sa pagsisimula ng seremonya ng kasalang maituturing na kasalan ng taon. Habang naglalakad kami papalapit sa altar ay hindi ko maramdaman ang mga paa ko sa labis na kaba. Mabuti pa tong walang practice na bestman ay tila alam na alam ang gagawin. Hinatid pa ako nito sa upuan ko at saka pumunta sa pwesto niya ng masigurong komportable na akong nakaupo.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon