Roni's POV
Dear Diary,
Tatlong buwan na ang lumipas. Kamusta na kaya si Borj? Panahon na siguro para tuluyan ko ng isarado ang love story namin, and siguro panahon na din para itago ko na lang ang bracelet na binigay niya sa akin sa memory box ko. Hanggang dito na lang kami. Kakalimutan ko na ang feelings kong sumira sa pagkakaibigan naming dalawa. Pero paano nga ba ibalik ang pagkakaibigang sinira ng pag-ibig?
Lovelots, Roni.
Mula ngayon Roni, tama na yang pag-eemote mo, sige ka tatanda ka niyan. Move on na, nagmove on na nga siya diba?
Nasasaktan pa din ako sa twing nakikita ko silang magkasama, pero siguro nasanay na din ang puso kong masaktan kaya unti-unti ng namamanhid.
Isang buwan pa ang lumipas, at eto may overnight ang barkada sa Batangas, tamang bonding lang habang papalapit na ng papalapit ang kasal nila Jelai. Medyo big event din kasi sikat na ngayon ang pangalan nila Jelai at Junjun dahil pinasok na din nila ang blogging, ang love story ng isang fashion model at rockstar, ang sarap isipin na naging masaya ang love story nila kahit may ilang beses din silang nagkaproblema at may pagkakataon din na nagkahiwalay sila, tadhana nga naman, mahiwaga.
This is it. Overnight in Batangas. Bawal muna daw outsider, usapan ng barkada. Parang ayoko ng sumama, ang hirap ng may iniiwasan. Isang sasakyan lang din ang ginamit namin para daw mas masaya. Tahimik lang ako sa byahe. Wala lang. Hindi ko din alam. Wala na yata akong pakiramdam. Katabi ko si Tonsi and beside him is Borj. Nasa middle seat kami ng van. Si Kuya ang driver and syembre beside her is Missy, sa backseat naman si Jelai at Junjun. Hindi ko namalayan nakatulog na ako sa balikat ni Tonsi. Maya-maya pa we arrived na sa place.
Borj's POV
Hay invisible mode na naman ako in front of her. Hanggang kailan ba siya ganto sa akin, napapaisip tuloy ako kung mahal niya ba talaga ako, bakit parang ganun lang kadali para sa kanya na hindi man lang ako tingnan, samantalang ako panay na lang lihim na sumusulyap sa kanya. Sa bagay, baka may mahal na siyang iba, baka mahal na niya si Tom. Hay! Napabuntong hininga na lang ako. Mag-ooffer sana ako na buhatin ang bag niya kaya lang..
"Roni let me carry your bag" - si Tonsi, naunahan na ako.
Nagpahinga lang kami sandali sa room tapos nag-explore na din sa paligid. Kung nasaan ang isa, nandun din ang isa. Yun ang usapan ng barkada para no time to be alone.
After dinner, tamang inom at kwentuhan lang ang barkada pero si Roni madalang pa din magsalita, pangiti-ngiti lang. Namimiss ko tuloy siya lalo, abot kamay lang siya pero parang ang layo niya. Ni hindi man lang ako matapunan ng tingin. Para akong isang tuta, na naghihintay na mabigyan ng atensyon sa harap niya ngayon. Ang galing mo talaga Roni, ikaw lang ang nakakagawa sa akin nito. Kaya mo akong saktan at pasayahin kahit wala ka namang ginagawa. Ang pag-ibig talaga, mahiwaga.
"Alam mo baby sister kanina ko pa napapansin eh, bakit ang tahimik mo ngayon?" - mabuti na lang napansin ni Yuan.
"Tahimik? Hindi naman ah.. Nagkkwentuhan nga kami nila Jelai at Missy kanina pa, diba Jelai?"
"Correction sis, kami lang ni Missy ang nagkkwento, ikaw nakikinig ka lang" - si Jelai.
Roni's POV
Loko talaga tong si Jelai, ilaglag daw ba ako.
"Ay ganun, laglagan na pala ngayon." - biro ko.
"Eh paano totoo naman kanina ka pa hindi masyado nagsasalita" - segunda ni Missy.
"Wala naman, gusto ko lang makinig sa inyo ngayon, namiss ko ang ingay niyo eh" - pagkasabi ko nag-ingay naman sila lalo.
"Quiet!" - bulyaw ko.
"Oh diba yan ang gusto mo, yung makinig sa ingay namin" - si Kuya na nag-ingay ulit. Para pa rin talagang bata si Kuya. Lumipat ako sa tabi niya at niyakap ko lang siya.
"Woooohhh.. Ano yan sis? Ang lambing mo ngayon ah.." - niyakap na lang din niya ako. Naramdaman niya din siguro.
"Ayy sali kami diyan. Group hug!" - sigaw ni Junjun.
Borj's POV
Uyyy.. swerte group hug daw, buti na lang tumabi siya kay Yuan. Ang bango-bango niya, ayoko ng matapos ang group hug. Hehe. Pero seriously, mukhang kailangan niya ng yakap ngayon, ramdam ko yung lungkot niya. I hope I could comfort her pero paano kung ako pala ang dahilan kung bakit siya nalulungkot. Hoy Borj, wag kang feeling.
"Hoy Borj, ano yan bitaw na?, kanina pa tapos ang group hug, nakayakap ka pa din sa utol ko" - pabirong saway ni Yuan at hinilang bahagya si Roni. Nakakahiya naman. Ramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Lutang lang.
"Uuuyyyyy!" - kantiyaw naman ng iba. Kamot-kamot ko ang batok ko at bahagya kong sinulyapan si Roni para makita ko ang reaksiyon niya. Bakit ganun? Parang wala lang sa kanya, hindi katulad dati kapag tinutukso kami, nagbablush siya at may kilig ang ngiti niya. So wala na ba talaga? Hindi na ba talaga niya ako mahal? Hayyyy...
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...