Roni's POV
Everyday after that night turns more special. My heart is filled with overflowing joy. Everything feels so right na parang hindi na matatapos ang saya. Araw-araw pa din naman kaming magkasama but what makes it feel more special is that we are both free to express our love for each other. Nawala na yung pag-aalinlangan, yung takot na baka may magbago kung sakaling maging kami. Dream come true for me. Everything seems to be pefect and that convinced me that so far this is the best decision I have ever made.
Papunta ako ngayon kila Borj, nagluto ako ng favorite niyang carbonara tutal parehas naman naming rest day today. I just want to spend the whole day with him. Pag weekdays kasi maiksi lang oras na magkasama kami. This day I want to be a full-time girlfriend to him.
"Good morning po Lola, si Borj po?"
"Wala dito si Borj hija, dinaanan ng kapatid mo kanina pa, may basketball game yatang pinuntahan, hindi ba nagpaalam sayo?"
"Aaahhmm.. opo nga po pala, nakalimutan ko nabanggit niya po kagabi. La nagluto po pala ako ng carbonara. Eto po oh."
"Mukhang masarap yan hija ah, tara sabayan mo na kami sa pagkain."
"Sige po La."
Nasa garden kami ni Lola, nakipagkwentuhan muna ako sa kanya pero dalawang oras na ang lumipas, wala pa ding Borj na dumating. Hindi naman talaga niya nabanggit sa akin na may lakad sila ni Kuya, nahiya lang ako kay Lola na ako ang girlfriend pero hindi ko alam ang whereabouts ng boyfriend ko. Nakakainis na si Benjamin Jimenez, ni walang reply sa mga messages and calls ko. Nagpasya na ako magpaalam kina Lolo at Lola. Nakakahiya naman din kung maghintay pa ako dito ng mas matagal.
After cleaning the house, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Borj's POV
Hay naku lagot ako kay Roni nito. Naiwan ko pa ang cellphone ko. Ito namang si Yuan pabigla-bigla naman kasi, ang layo pa ng venue ng friendly game na pinuntahan namin and nag-two games pa.
"Pare relax pauwi naman na tayo eh."
"Pare magagalit sa akin kapatid mo nito, hindi man lang ako nakapagpaalam eh. Alam mo naman paano magalit yun. Bakit ba kasi naiwan mo din ang cellphone mo?"
"Eh sa naiwan ko din eh. Relax lang sagot kita. Ako bahala sayo pare."
"Ikaw nga bahala, ako naman ang kawawa." - patay talaga ako nito.
Sa bahay na nila Roni ako bumaba pero mukhang natutulog siya kaya umuwi muna ako para poging-pogi naman ako pagharap ko sa kanya. Nagulat ako ng makita ko ang phone ko, ang daming calls and texts from her. Kinakabahan na ako, kaya agad-agad akong bumalik sa kanila pagkatapos kong magshower.
"Oh bakit nandito ka?!" - bungad niya sa akin, halatang halata ang pagkainis niya sa akin.
"Babe sorry hindi na ako nakapagpaalam bigla kasing dumating si Yuan eh, hindi ko naman matanggihan, hindi daw matutuloy yung game kung hindi ako sasama."
"Ah okay!" - halatang inis pa din siya sa akin.
Roni's POV
Ang totoo nagmessage sa akin si Kuya ng pagdating niya sa bahay. Nanghingi ng dispensa, well ano pa nga ba, kundi apology accepted pero naiinis pa din ako. Pag nagkakadikit tong dalawang 'to parehas nakakalimot eh.
"Sorry na Babe, please forgive me." - habang hawak niya ang kamay ko. Agad ko naman yung inalis sa pagkakahawak niya.
"Sige na may gagawin pa ako." - pag-iwas ko sa kanya. Naghanap ako ng mga bubutibutin dahil natapos ko naman na yung mga dapat kong gawin.
"Sige tulungan na lang kita Babe, ano pa bang gagawin mo?"
Hindi ako sumagot. Napagdiskitahan ko lang ang kurtina ng bintana. Akma akong tutungtong sa silya para sana kalasin yun ng biglang tumagilid ito.
"Catch you!" - nang masalo niya ako. Our eyes met. Ano bang meron sa mata niya na para akong laging nahihipnotismo. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong gawaran ng halik. Napangiti na lang ako sa ginawa niya pero ang totoo kinilig na naman ako, sa totoo lang para pa din akong kinukuryente when we touch, when we kiss.
"So hindi ka na galit niyan?"
"Sinong may sabi sayo? Anong palagay mo sa akin Mr. Benjamin Jimenez easy to get?" - kunway pagsusungit ko at pilit itinago ang kilig na nararamdaman ko.
"Easy to get ka pa ba niyan eh napakatagal mo na nga akong pinaghintay, coming from you ha" - pagbibiro nito.
"So nagsisisi ka ganun?" - kunwari pa'y pagsusungit ko kaya bigla naman din siyang sumeryoso.
"Syempre naman hindi Babe. Alam mo naman kahit gaano pa ko katagal maghintay sayo eh gagawin ko, bati na kasi tayo please.... Alam mo namang ayaw kong nagagalit ka sa akin eh. Please...." - ang galing talaga magpaawa nito, sino ba namang makakatiis sa charm niya? Makalaglag puso talaga. Sumisilip-silip na ang ngiti sa labi ko.
"Uuuuyyy.. magsmile na yan. I love you Babe" - sabay pindot sa pisngi ko. At parang magic bigla na lang naglaho ang inis ko sa kanya.
"Basta Babe promise me hindi mo na uulitin okay?"
"Promise, cross my heart, hope to die" - at tinaas niya pa ang kamay niya.
"Okay you're forgiven."
"Hindi ka na galit?"
"Hindi na nga."
"Baka naman pwedeng mayakap na ang Babe ko." - sabay yakap niya sa akin. I just hug him back. Eto yung yakap na ayaw ko ng bumitiw. Yung init ng mga yakap niya feeling ko tumatagos sa akin hanggang sa kaluluwa ko. Ilang minuto pa kaming magkayakap ng hawakan niya ang mukha ko at tsaka masuyo niya akong hinalikan sa mga labi. Halos habulin na namin ang aming hininga ng bumitaw kami sa halik na yon. At alam kong kung magpapatuloy pa kami ng ganun ay baka parehas pa kaming makalimot sa sarili.
Parehas kaming bahagyang napayuko na tila ba nagkahiyaan sa nangyari.
"Aaahhmmm.. Babe may carbonara nga pala ako niluto for you, initin ko lang, merienda ka muna." - pag-iwas ko, pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko.
"A-aahh.. sige Babe" - mautal-utal naman niyang sagot habang kamot kamot ang batok niya.
Para kaming mga high school pa lang na nagliligawan pa din. Kilig overload ika nga. Hay Benjamin Jimenez hindi mo lang alam how you make me crazy about you.
![](https://img.wattpad.com/cover/268301910-288-k985050.jpg)
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...