Forty Eight

374 34 5
                                    

Roni's POV

Pilit akong nagpapakabusy sa office umaga pa lang pero si Borj panay ang pasok na sa isip ko. Namimiss ko na din siya, mahigit dalawang linggo na din ang nakakaraan buhat ng huli kaming magkita. Pero Roni handa ka na ba na patawarin siya? Sapat na ba ang mga araw na lumipas para mapatawad mo siya ng bukal sa puso mo? Naipaliwanag naman ni Kuya kung ano talaga ang nangyari sa Laguna, pagkakataon na hindi ko naibigay kay Borj. Ang hirap tuloy mag-focus sa ginagawa ko.

Toktoktok...

"Good morning po Ma'am, may bata po sa labas, hinahanap po kayo" - staff

"Bata? Ano daw ang kailangan?"

"Tinatanong ko nga po eh, ayaw naman po sabihin, kailangan niya daw po kayo makita."

"Ah sige susunod na ako. Ayusin ko lang 'to sandali."

Bata??? Sino naman kaya yung batang yun? Hindi ko pa tapos ang pag-iimbentaryo ay lumabas na din ako.

"Nasaan na yung batang naghahanap sa akin?" - tanong ko sa staff ko at itinuro naman niya yun sa akin.

Isang batang nagtitinda ng dyaryo at candy ang tumambad sa akin. Nakakapagtaka talaga, sino kaya ang batang 'to?

"Ahhh boy hanap mo daw ako, may kailangan ka?" - sabay haplos ko sa buhok niya.

"Kayo po si Ate Roni?"

"Oo, ako nga. Ikaw si?"

"Tama nga po pala si Kuya, kayo po ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Ako po pala si Popot."

"Ay grabe naman yang Kuya mo na yan Popot, kilala ko ba siya?"

"Opo, siya naman ang pinakagwapong lalakeng nakilala ko. Bagay na bagay po kayo Ate Roni." - at namilog pa ang mata nito.

"Nasaan ba ang Kuya mo na yan? Tingnan ko nga kung gwapo talaga."

"Eh wala po eh pero pinapabigay po niya eto sa inyo"

Isang card ang binigay sa akin ni Popot. Binuksan ko ang card.

I'm sorry. - yun ang nakalagay dun sa card pero walang pangalan kung kanino nanggaling. Pero may idea na din ako syempre kung kanino galing yun. Lihim naman akong kinilig.

Nang haharapin kong muli ang batang nagbigay sa akin nun ay umalis na pala eto pagkaabot sa akin ng card.

Ilang oras pa ang lumipas kumatok na naman ang staff ko.

Toktoktok...

"Pasensya na po Ma'am Roni pero may delivery po ulit sa inyo." - dala niya ang isang box ng cake.

"Delivery??? Cake natin yan ah.."

"Yes po Ma'am inorder po sa atin pero sa inyo po pinadeliver, kay Ms. Ronaliza Salcedo daw po eh." - at inilapag niya sa table ko ang box.

"Sino ang umorder?" - tanong ko habang binubuksan yun pero wala na din pala ang kausap ko at lumabas na ng opisina.

I miss you. - yun naman ang nakalagay sa dedication cake na siya ring cake na paborito ko. Wala pa din nakalagay kung kanino nanggaling pero kanino pa nga ba manggagaling ang mga yun. Hay Borj.. ang kulet mo talaga. Umorder ng cake namin tapos sa akin din naman ipapadeliver. Hanep talaga sa mga diskarte eh lalo ko tuloy siyang namimiss.

Sumapit na ang oras ng uwian. Mabuti naman at natapos ko din ang inventory ng supplies namin at iba pang paperworks kahit ako na naman ang huling uuwi. Teka bakit wala ang kotse ko??? Dito ko lang naman pinark un. Umikot ako sa paligid baka naman nagkakamali lang ako. Pero wala kahit saan ang kotse ko. Dali-dali kong tinawagan si Kuya pero cannot be reach. Ilang sandali lang ay dumating na isang pamilyar na sasakyan.

"Borj...." - nakangiti itong lumapit sa akin dala ang isang bouquet ng red and white roses.

"Wag mo na hanapin ang kotse mo, pinabatak ko na para hindi ka na makatakas at makatangging sumabay sa akin pag-uwi."

"Panong...."

"Kinontsaba ko si Yuan, hindi ba't nasa kanya ang spare key kaya nakiusap ako na iuwi na niya sa inyo ang kotse." - at ngingisi-ngisi pa eto sa kalokohang ginawa niya pero infairness ang pogi naman talaga niya pero pinigilan kong ngumiti. Imbes ay sinimangutan ko lang siya at naglakad papalayo para mag-abang ng taxi. Agad-agad naman niya akong hinarang.

"Teka Babe saan ka pupunta?"

"Mag-aabang ako ng taxi."

"Babe naman eh sorry na, patawarin mo na ako please. Bati na tayo, hindi ko na kaya eh. Alam mo yun parang mamamatay na talaga ako pag di mo pa ako kinausap. Alam mo namang hindi ko kayang nagagalit ka sa akin eh. Sorry na please." - akmang luluhod pa siya kaya dali-dali ko namang pinigil yun.

"Ano ka ba?! Yan ang wag na wag mong gagawin lalo akong magagalit sayo." - saway ko sa kanya.

"Bati na tayo?" - parang isang batang maamo ang mukha na nagtanong ito sa akin and those looks I really just can't resist.

"Oo na." - kunway napilitan ako at tumalikod sa kanya, at lalakad sana palayo ng bigla niya akong yakapin mula sa likod ko. At tuluyan na ngang natunaw ng init ng mga yakap na yon ang galit ko sa kanya.

"I love you Babe. I miss you so much." - bulong niya pa. Umikot ako paharap sa kanya upang tugunan ang mga yakap na yon.

"I love you too Babe. I'm sorry kung hindi kita pinakinggan. Sobrang sakit lang kasi ng mga nakita ko. Hindi ko yun kaya Borj." - at naiyak na naman ako.

"I'm sorry Babe, hindi ko talaga sinasadyang masaktan ka. Napagkamalan ko lang talaga na ikaw si Jane dahil alam ko nasa tabi lang kita. Patawarin mo ako Babe." - pinahid niya ang mga luha sa pisngi ko at maya-maya pa'y masuyo niya akong hinalikan sa pisngi hanggang sa unti-unti ay inangkin na niya ang mga labi ko. Kung kanina ay mabilis na ang tibok ng puso ko lalo ngayon na parang tumakbo ako ng sampung kilometro. Si Borj lang ang kayang magpatibok sa puso ko ng ganto. Mahal na mahal kita Benjamin Jimenez. At pinagsaluhan namin ang isang nag-aalab na halik ng pagmamahal at labis na pananabik sa isa't isa.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon