Roni's POV
Lumipas ang mga oras, mga araw at linggo... mga buwan... Nung una tumatawag pa siya or nagmemessage man lang pero nagdecide na din ako na hindi na sagutin pa ang mga yun para makapagfocus din siya sa anak niya. Kaya siguro hindi na din siya nagparamdam. Wala na ngang Tom.
"Roni" - tawag ni Jelai.
"Hi sis.. Napadalaw ka. Tara kain."
"Kakatapos ko lang. Free ako today tara labas tayo maya."
"Talaga ba? Himala hindi ka busy."
"Yes, nagrequest kami ni Jun ng vacation. May plan kami magbakasyon ng makabuo na kami." - sabay tawa niya.
"Ay mabuti naman, kumukunat na 'yong matres mo.. haha" - natatawa kong sabi.
"Ay nagsalita oh. Ikaw nga no tutut since birth eh. Hahaha"
Loka tong babae na 'to. Natawa na lang din ako.
"Seriously Roni, anong plano mo? Magmamadre o magmomongha?"
"Hindi ako papayag." - nagulat ako sa nagsalita.... si Borj. Nakapasok na pala siya ng di namin namamalayan. Napatingin kami ni Jelai sa kanya.
"Yan na pala Prince charming mo eh." - biro ni Jelai.
"Jelai..." - at tinitigan ko siya ng masama.
"Aba Borj bilis-bilisan mo at baka maunahan ka na naman dito kay Roni." - kantiyaw pa niya.
"Paano Roni? Maya na lang ha. Iwan ko muna kayo ni Baby Borj. Bye Borj." - nagpaalam na si Jelai.
"Bye Jelai" - si Borj.
"Loko talaga yun si Jelai. Upo ka muna Borj. Nagbreakfast ka na ba?" - at binigyan niya lang ako ng nagpapacute na ngiti.
Pinaghanda ko na siya ng plate, spoon and fork. At pinagprepare ng favorite niyang hot chocolate. Tinitingnan lang niya ako habang ginagawa ko yun at ngumingiti-ngiti.
"Oy bakit ka ganyan makatingin at ngingiti-ngiti ka pa diyan."
"Wala... may naiimagine lang ako." - at ngingiti-ngiti pa din ito.
"Ano naman naiimagine mo Mr. Benjamin Jimenez?"
"Naiimagine ko si MRS. Benjamin Jimenez." - diretsang sagot nito habang nakatitig sa akin. Naconscious naman ako sa sagot niya. Panandalian kaming natahimik pero sa loob ko grabe yung kilig.
"Let's eat na nga. Gutom lang yan." - pagbasag ko sa katihimikan naming dalawa.
Borj has always been there pero hindi naman siya nanliligaw, I guess. Since Tom left, araw-araw niya akong pinpuntahan, as in walang paltos. Sabi niya hindi daw niya ako bibigyan ng pagkakataong malungkot kapag kasama ko siya.
"Saan nga pala lakad niyo ni Jelai mamaya?" - tanong niya.
"Hindi ko din alam eh. Malling lang siguro. Gala lang. Bakit mo tinatanong?"
"I'm just glad to hear na finally lalabas ka na Roni. 3 months ka na kasi nagmumukmok dito. Sa Beanery-bahay lang umiikot ang mundo mo. Does it mean you are finally moving on?"
"Hmmmm.. Maybe I'm getting there. Salamat sa mga kaibigang tulad niyo lalo na sayo Borj. I have no dull moments when I'm with you." - I look into his eyes then smile.
"Alam mo naman lahat gagawin ko para sayo Roni. Kahit maging isang kaibigan na lang kung yun ang makakapagpasaya sayo."
"Borj... thank you ha."
"At talagang thank you lang???? Talagang tanggap mo na friends na lang tayo???" - pangungulet nito.
Tinawanan ko na lang siya kahit na panay pa din ang kulit niya sa akin.
Sa mall...
"So kamusta na kayo ni Borj sis? What's the score between the two of you?" - tanong sa akin ng aking sissy. Nasa isang resto kami sa mall that afternoon.
"We're friends, we're better than before I can say."
"As in friends lang? Bakit? Mahal mo pa ba si Tom?"
"Hanggang ngayon naman mahal ko pa din si Tom. The first month when he left, masyado akong nalungkot and I thought na mahal ko nga siya ng higit pa sa kaibigan but the next 2 months pinag-aralan kong mabuti kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya kaya nga I choose to be alone most of the time. And in that 2 months, I found out na mahal ko nga si Tom pero bilang isang matalik lang na kaibigan. Kaya siguro naging ganon na lang din ang nangyari sa amin. Siguro sabi ni Lord Tom deserves someone better."
"And of course, you deserve also someone else sis. Wag mong kalimutan yun."
"Jelai iniisip ko nga baka kaya walang dumadating para sa akin baka talagang meant ako maging old maid."
"Ano ba sis yang pinagsasabi mo?! Sa ganda mong yan naiisip mo yan, matagal ng may dumating, pero hindi pa lang panahon. Buksan mo ang puso mo at aminin mo sa sarili mo na hanggang ngayon si Borj ang nag-iisang mahal mo."
"Alam ko naman yun sis pero don't you think it's inappropriate. Hindi man naging kami ni Tom officially pero sa mata ng lahat we are steady dating, we're almost a couple."
"Sis ano ka ba?! Hindi mo ba naiisip si Borj? Paano naman yung tao? Kahit ako ramdam ko kung gaano ka niya kamahal, don't you think it's unfair for him and ganoon na din sa part mo na isipin ang sasabihin ng ibang tao bago ang happiness niyo."
"Sa tingin mo sis? Okay lang yun kahit kina Lolo at Lola?"
"Sis hindi mo naman ginusto ang mga nangyari at ikaw naman ang iniwan. They knew you naman very well. Eh parang mga tunay na Lolo at Lola naman na din natin sila."
"You're right sis. Salamat sa advice."
"So kelan mo sasagutin si Borj?"
"Bakit nanliligaw ba siya? Haha.."
"Eh ano pa ba tawag mo dun? Araw-araw eh hindi ka nakakalimutan puntahan. Siguro hindi din alam nung tao na ready ka na, bigyan mo ng clue sis and I'm pretty sure he will be the happiest lalo pag naging kayo na."
"Hmmmmmmm... Galing mo sis, pero I don't know how. Hindi ko yata kaya, trauma na ako nung umamin ako sa kanya and got rejected."
"Walang duda na si Borj talaga ang mahal mo kasi kay Tom naka-move on ka kagad pero yung pagreject sayo ni Borj hanggang ngayon hindi ka makaget-over."
"Una pa lang I have no doubt na mahal ko si Borj, ang doubt ko eh kung mahal ko din ba si Tom. And God put me into instances para maging malinaw sa akin ang mga nararamdaman ko. God is really great."
"Indeed. Pero wag mo na dagdagan pa ang problema ni Papa God kung kaya mo naman din ayusin." - at nagkatawanan naman kami sa sinabi niyang yun.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...