Twenty Eight

374 29 2
                                    

Roni's POV

"Roni usap tayo" - si Kuya Yuan as expected. Niyaya niya ako sa labas.

"Anong problema?" - seryosong tanong niya.

"Wala naman Kuya, namiss ko lang kayo lalo ka na, di na kita nakakasama eh"

"Isa pa lahat kayo taken na, ako na lang naiiwan. Alam mo yun..."

"Eh bakit nga ba? Si Borj pa din ba ang hinihintay mo?"

"Kuya..." - at tiningnan ko lang siya sa mata.

"Roni... ngayon ko lang sasabihin to, sorry kung pinigilan ko ang love story niyo dati, kung nagalit ako na nagkagusto sayo si Borj. Mga bata pa kasi kayo nun. At natakot din ako na masira ang friendship namin kung sakaling magkaroon kayo ng problema."

"Kuya tapos na yun."

"Tapos na nga ba? Oo, may girlfriend na si Borj pero Roni sigurado ako ikaw pa rin ang mahal niyan, kilalang-kilala ko yan at alam na alam ko kung gaano kapatay na patay sayo yan"

"Kuya naririnig mo ba ang sarili mo? Nasaan na yung overprotective kong brother?" - saway ko sa kanya.

"Eh ang sa akin lang, nahihirapan na ako sa iniong dalawa eh. Long due na yang pagmamahalan na yan."

"Kuya kung mahal ko siya at mahal niya ako pero hindi kami baka kabilang kami dun sa pinagtagpo pero hindi tinadhana" - biro ko, ayoko na lang kasi isipin yung mga sinasabi niya. Tama na yung nareject ako ng taong mahal ko. Hindi ako yung tipo ng babae na magpapakita pa din ng motibo o maghahabol.

"Basta Roni nandito lang lagi si Kuya kung kailangan mo ng makakausap. Hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ni Kuya sayo"

"Thanks Kuya" - at niyakap ko siya ulit.

"Tara na, pumasok na tayo at magsitulog na. May bukas pa."

Kinabukasan...

Nag-usap lang kami tulad lang ng mga seryosong usapan namin nung mga bata pa kami.

"Jelai and Junjun in 2 months, you will tie a knot na, sana maging mas matatag pa kayo" - si Tonsi.

"Lapit na nga eh, kinakabahan na nga ako." - si Jelai

"Bakit ka naman kinakabahan pa Love? Nagdadalawang-isip ka pa ba?" - biro ni Junjun.

"Alam mo Jelai wag ka na kabahan, dapat nga maging masaya ka kasi yung taong mahal mo ang maghihintay sayo sa dulo ng altar" - masaya ako para kay Jelai, wala na sigurong sasaya pa kung ang lalakeng mahal mo at mahal ka ay siya ring makakasama mo sa habang buhay. Dream come true para sa isang babae.

"Tama ka sis, masyado lang siguro ako ako nagwworry sa details ng kasal namin"

"Basta Jelai magsabi ka lang sa amin ni Roni kung need mo ng help, we will be glad to help you" - si Missy.

Maya-maya pa nasa byahe na kami pabalik ng Manila, medyo mahaba din ang byahe dahil sa trapik. I got a call from Tom.

"Hello Tom, yes, napatawag ka"

"Wala miss na kasi kita eh, pabalik na ba kayo?"

"Miss agad, parang isang gabi lang eh"

"Isang gabi nga pero dalawang araw naman" - si Tom

"Haha.. okay fine.. namiss naman din kita, wala kasing nangungulet sa akin eh.."

"Totoo ba namiss mo din ako? Eh kasama mo naman diyan yung pinsan ko ha, baka nga hindi mo man lang ako naisip.. hmmmp.." - si Tom

"Ewan ko sayo.. sige na pabalik na din kami, as in malapit na kami, see you in less than an hour"

"Okay sige, I'll be waiting for you. Ingat ka."- si Tom.

"Ingat ka din.. Bye.."

Nakatanaw lang ako sa bintana, how sweet of Tom, he never fails to make me feel loved. Nung una ayoko sana maging malapit sa kanya dahil kay Borj pero hindi ko namalayan na naeenjoy ko na din yung company niya. I learned to open my personal life to him, including yung past namin ni Borj. Naging komportable na kami sa isa't isa. Kung ganoon nga lang ba kadali na siya na lang sana ang mahalin ko, parehas siguro kaming magiging masaya.

Borj's POV

Hindi na niya suot ang bracelet na binigay ko sa kanya. Dahil ba may Tom na siya? Mukhang nagkakamabutihan na ang pinsan ko at si Roni. Mabuti pa si Tom napapasmile siya, ako kaya kelan nia ulit ngingitian o kahit tingnan man lang niya sana.

Mag 6 pm na ng makarating kami sa bahay nila Roni.. and guess what???

"Uuuyyy.. Roni.. manliligaw mo mukhang kanina ka pa hinihintay.." - tukso ni Jelai habang pababa kami ng sasakyan.

Agad naman sumalubong sa amin si Tom, inabutan niya ng flowers si Roni at hinalikan pa niya sa pisngi. At this moment parang gusto kong magwala at magsisigaw. Ang sakit panoorin lang ang taong mahal mo habang nawawala siya sayo. God damn it! Nagpaalam na lang din akong uuwi na baka makalimutan kong pinsan ko si Tom.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon