Twenty Six

420 31 0
                                        

Borj's POV

Para akong tanga nasa harap na naman ako ng bahay ng dalagang pinakamamahal ko. Alam kong mali pero nandito na naman ako, kusang dinadala ako ng mga paa ko dito. Gaano ba kadamot ang tadhana para sa ating dalawa Roni. Mahal kita at mahal mo ako pero bakit hindi pwedeng maging tayo. Ano na naman ba 'tong ginagawa ko? Pinilit kong umuwi kahit gusto kong masulyapan man lang sana siya. Hindi pa kami ulit nag-usap buhat noong nagtapat siya sa akin. Sa totoo lang hindi ko na nga alam ang dapat gawin sa aming tatlo nila Leslie tapos ngayon dumagdag pa si Tom. Hayyy Roni... kung alam mo lang..

Kinabukasan sa The Bachelor's pRIDE..

"Wow pare ganda ng business name niyo ha, lakas ng datingan sa chiks niyan" - si Junjun.

Nakatanggap naman siya ng pinong kurot mula kay Jelai.

Wow she's here na. Nakakatulala naman talaga ang kagandahan ni Roni. Hayyy Roni.. Sinalubong naman kagad siya ni Tom at inabutan ng flowers kaya pala merun siya nun.

"Borj ok ka lang?" - napansin yata ni Leslie na nakatingin ako sa kanila.

"Ahmmm.. yes mine.. may iniisip lang ako"

Roni's POV

"Hi sis.. nandito din kami oh.." - biro sa akin ni Jelai.

"Tara nandun din sila Yuan and Missy eh.." - si Junjun

"Teka where's Tonsi?"

"Baka parating na din yun, tara dun muna tayo." - si Jelai.

Nagtingin-tingin muna kami ng mga car models sa shop nila Borj. Pinilit kong ibaling sa iba ang atensyon ko, hindi ko na hahayaan pang makita ako ng ibang tao na umiiyak. Kailangan kong masanay. Maya-maya pa dumating na si Tonsi. I missed him, like Jelai, matagal na din kami hindi nagkakausap. Hinatak ko siya sa isang side.

"Tonsi nagtatampo na ako sayo ha, ganyan ba talaga pag may girlfriend na? Ganun na lang yun?" - biro ko.

"Sorry Roni ha.. Hindi lang naman ako kay Bea busy, may mga pinapaasikaso din kasi sa akin si Dad eh. Anyways, how's my bestfriend? Updates please.."

"Eto keeping myself busy kesa magmukmok. I'm so over with that." - pinilit kong ngumiti kahit hilaw ang mga ngiti na yon and Tonsi knew me very well para maintindihan yun.

"Come, let me give you a hug" - at niyakap niya ako.

Borj's POV

Lokong Tonsi na to ha, nakayakap na naman kay Roni. Naku! Naku! Naku! Benjamin Jimenez kalma lang. Hindi si Roni ang girlfriend mo. Wala kang karapatan. Paalala ko sa sarili ko. Ayun mabuti na lang umeksena si Yuan.

"Oy.. oy.. oy.. ano yan Tonsi? May girlfriend ka na, pinapaalala ko lang" - biro ni Yuan. Overprotective pa rin talaga to sa kapatid niya. Maswerte na din ako dahil may Yuan na poprotekta kay Roni kahit di ko magawa.

"Kuya... ikaw talaga? Namiss lang namin isa't isa no?" - si Roni.

Galit ba siya sa akin? Bakit parang hindi niya ako nakikita? Ni hindi man lang ako matingnan. Si Tom naman ngayon ang tumabi sa kanya. Gusto kong sumigaw. Lubayan niyo ang prinsesa ko. Hayyy kung pwede lang sana. Hanggang diyan ka na lang Borj.

Sa Jimenez residence..

Maganda ang tinatakbo ng business namin, mataas ang sales namin sa loob ng tatlong buwan mula ng opening. Eto nga't tamang inom lang kami ni Tom to celebrate.

"Congrats to us Tom. Kung magtuloy-tuloy to bawi kaagad ang puhunan natin"

"Oo nga pinsan, unti-unti na tayong nakikilala, cheers to us." - si Tom at itinaas ang baso ng iniinom niya.

"Cheers"

Tamang kwentuhan lang kami hanggang sa..

"Pinsan may itatanong ako sayo, medyo personal.."

Kinabahan ako.. parang alam ko na..

"Mahal mo pa ba si Roni?"

Muntik ko ng maibuga ang iniinom ko sa tanong niya. Kahit may idea na ako, hindi ko naman inaasahan na straight to the point siya.

"Ahhhmmm.. ano ba yang tanong mo?"

"Sinabi sa akin ni Roni about your past, alam mo naman na di ba na nililigawan ko siya, hindi mo kasi nabanggit na niligawan mo pala siya at hindi ko naman din naisip na siya yung naging dahilan ng pagpunta mo sa Italy five years ago. Gusto ko lang malaman ano ng status ng feelings mo for her."

Straightforward talaga si Tom. And admire him for that.

"Ah hindi ko na binanggit kasi tapos naman na yun, that was five years ago, may Leslie na ako... pero Tom aaminin ko sayo special sa akin si Roni, we grew up together, hindi man nagwork yung sa aming dalawa, ipinangako ko sa sarili ko na magiging mabuti akong kaibigan niya and I'll protect her hangga't nabubuhay ako. Kaya pinsan sana mahalin at alagaan mo siya"

Hindi naman ako nagsinungaling sa mga sinabi ko, hindi ko lang talaga kaya sagutin ang tanong niya kung mahal ko pa si Roni. Dahil hindi ko kayang magsinungaling.

"Hindi mo na kailangan sabihin yun pinsan, mahal na mahal ko si Roni, at hindi ko hahayaan na masaktan siya."

"I'll count on you on that" - kung hindi ko man malayang gawin sa ngayon, si Tom na lang pero handa na ba akong magpaubaya? Tanong na hindi ko kayang sagutin.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon