Borj's POV
I admire Roni for being honest to me. And that makes me feel more guilty and miserable. Sana may ganoon din akong tapang para magsabi ng totoo. Pero ang laki ng takot ko dahil nung last time na nainvolve si Jane sa akin ay nalagay sa panganib ang buhay niya.
Ilang araw na din ang lumipas. Nadelay ang flight ni Tonsi ng two days dahil sa lakas ng bagyo. But he confirmed na tuloy na ang flight niya bukas. Mabuti naman dahil sa susunod na araw na ang banta ni Jane sa akin. Pakiramdam ko pasikip ng pasikip ang mundo ko hangga't hindi ko naayos 'to.
Roni's POV
Day off muna si Inday today. Magkikita kami ni Jelai, miss ko na din besty ko. Worried din ako kasi mukhang may problema siya nung tinawagan niya ako. Waiting na lang ako sa pagdating niya.
Borj is about to see a friend also. Nagpaalam siya sa akin kagabi, tamang-tama lang pagkatawag ni Jelai.
Beep.. beep.. Busina ng kotse sa labas..
At mukhang eto na nga si Jelai. Girl's bonding muna.
....................
We went sa isang salon para magpabeauty and dito na kami dumiretso sa paborito naming resto sa isang mall. At ayun na nga nagsimula na siyang magkwento tungkol sa recent nilang issue ni Junjun.
"Parang nanlalamig na siya sa akin Roni, alam mo yun minsan lumilipas ang araw na wala kaming heart to heart talk." - Jelai
"Wala ka bang maisip na dahilan kung bakit siya ganun ngayon sayo? Baka naman may nagawa kang hindi niya gusto.."
"Iniisip ko ngang mabuti yan eh pero wala naman akong maisip na nagawa ko."
"Kung sa tingin mo wala ka naman nagawa na ikasasama niya ng loob sayo baka naman yun nga ang problema sis."
"Ha?! Hindi ko gets sis..."
"What I mean to say baka naman meron kang hindi na nagagawa na nagagawa mo naman dati."
"Hmmmm.. mukhang yan nga ang problema sis.. Medyo naging busy kasi ako sa career ko lately. At hindi magtagpo ang schedule namin."
"Alam mo sis, ang mga boys parang mga bata yan eh, they need extra time and attention, lalo na pag naglalambing dapat bigyan mo ng full attention mo."
"Tama ka sis. Guilty naman ako, inaamin ko may mga effort siyang nabalewala ko baka kaya siya ganun ngayon sa akin."
"You have to make up with Junjun, actually sis hindi mo ba kinoconsider na maglie low muna sa career mo. Diba gusto nio naman na din magka-anak? Lalo na si Junjun."
"Siguro nga sis. Dapat muna ako magpahinga sa career ko. Medyo napapagod na din naman na ako at syempre priority ko pa din yung sa amin ni Junjun."
"Pero pag-isipan mo pa ding mabuti sis ha, advice lang naman ang sa akin."
"Matagal ko na din naman kinoconsider yun. Nanghinayang lang ako sa mga projects, nagsunod-sunod kasi. Plano ko kasi tapusin ko lang mga sunod-sunod na projects na 'to then magfocus na lang muna ako sa aming dalawa ni Jun at sa business namin."
"Ayun naman pala eh. Ipaliwanag mo na lang kay Junjun. Dapat kasi alam din niya ung plans mo para naman hindi niya maramdaman na nate-taken for granted mo siya."
"Tama ka naman sis. Bawi talaga ko sa kanya. Eh kayo naman ni Borj, wala pa ba kayo plan na magpakasal?"
"Sis ano ba naman yang tanong mo? Nakakabigla naman."
"Alam mo Roni kundi lang kita bestfriend naku may kurot at sabunot ka na talaga sa akin."
"Sakit naman nun sis. Bakit mo naman gagawin yun?"
"Ayyy.. kainis ka na talaga sis.. hindi na uso ang Maria Clara ngayon.. Don't tell me virgin ka pa din?!" - at napalakas ang pagkakasabi niya. Napakataklesa talaga nitong sis ko na 'to eh. Ibang-iba na talaga siya ngayon.
"Sis boses mo naman, nakakahiya oh nakatingin na sila lahat sa atin." - at pinandilatan ko siya ng mata sabay kurot.
"Eh kasi naman Roni ha.. kawawa naman si Baby Borj sayo, hanggang saan pa lang ba kayo umaabot?" - bahagyang hininaan na ni Jelai ang boses niya. Pero grabe naman ang tanong niya, para akong nasa hotseat.
"Ano Roni?" - atat na tanong niya ulit.
"Eh di kiss and hug.."
"Ano?!" - gulat ni Jelai.
"Eh bakit ka naman nagulat? Pag mag-asawa na kami gagawin din namin yun" - bigla ko tuloy naimagine na.... Kahiya... Ano ba Ronalisa pinag-iisip mo??? Nakakagulat naman kasi tong mga tanong ni Jelai.
"Hala ka Roni. Bantayan mo yang boyfriend mo at baka sa iba niya hanapin ang hindi mo maibigay sa kanya. Lalake pa din yan."
"Jelai?! Iba naman si Borj, he respect me at ni minsan hindi pa naman siya nag-insist na gawin namin yun."
"Oo naman iba si Borj pero ang mga lalake mahina yan sa tukso. Sige ka ikaw din."
"Hindi pa din ako ready Jelai para dun at thankful ako na Borj respect me that much."
"Knowing Borj malaki talaga ang pagmamahal sayo nun, kaya Roni wag mo na hayaan pang may makasira pa sa inyo."
"Syempre naman Jelai. Teka nga, I have to use the comfort room, natetense ako sa mga tanong mo.. ikaw?"
"Maya na muna ako Roni. I have to take this call, dami ko na palang tawag."
"Okay sige sis."
Dali-dali akong tumayo para pumunta sa CR. Palabas na ako ng makabangga ko ang isang babae. Nalaglag ko ang phone na hawak niya kaya I picked it up. Pero nagulat ako ng mapagmasdan ko ang nasa phone niya. Si Borj... Pagtayo ko ay laking gulat ko ng makita ko si Jane.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
FanfictionIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...