Eighteen

373 31 0
                                    

Roni's POV

Muntik ko na makalimutan ang lakad namin ni Basti kung hindi pa siya tumawag. Anyways, ayoko man pero sa tingin ko kailangan ko 'tong gawin. Hindi naman sa pagiging rude pero tama lang naman siguro na wag ko na siya paasahin.

Umuwi muna ako sa bahay, I have to change my clothes after it got stained sa binake ko sa shop. Basti called again nasa shop na siya and when he found out na umuwi muna ako, he offered to pick me up. Past 7pm ng dumating siya and waited for a while for me.

"Ano Basti? Hindi pa ba tayo aalis?" - nagulat siya at parang bumalik sa katinuan. Kanina pa kasi niya ako tinititigan.

"Sorry Roni. Sa sobrang ganda mo kasi I can't take my eyes off you." - si Basti.

"Bastiii" - yes, pinuri niya ako pero hindi ako komportable sa mga tingin niya.

"Ok Roni, sorry, let's go" - si Basti.

He brought me to a fancy restaurant in Makati. Napaka-elegant ng place.

"Have a seat" - Basti then pulled a chair for me. The place is so romantic para sa mga nagmamahalan pero not for me. Sana si Borj ang kasama ko dito. As we wait for our food..

"Roni kamusta ka na? It's been years.." - si Basti.

"Ok naman Basti. Ayun business partners kami ni Tonsi dun sa shop, mag-two years pa lang naman ang business namin" - kaswal akong sumagot sa kanya.

"Ikaw how are you doing?"

"Ahhh.. wala naman.. ako na nagmamanage ng resort namin sa Batangas, gusto mo let's go there some time." - yaya niya.

"Ah sige sabihin ko na lang kila Kuya." - iwas ko. Buti na lang dumating na yung food namin at nainterrupt siya. Ayoko naman din kasi na diretsahin siya kagad. Mahirap din para sa akin 'tong gagawin ko pero I have to.

At the other side of the resto..

"Borj look, is that Roni? And sino nga yung guy?" Si Leslie

Borj's POV

Iginala ko ang aking mata sa direksyong iminustra ni Leslie. And hindi nga nagkamali si Leslie at ibinaling ko ang tingin ko kung sino ang kasama niya, kinutuban na ako kagad kung sino pero lihim ko pa din dinasal na sana si Tonsi ang kasama niya pero bigo ako.

"That's Basti" - tipid kong sagot.

"Are they together?" - tanong ulit ni Leslie out of her curiosity.

"Ahhmm.. I don't know.. pero naging sila during college"

"Ah so my past pala sila, they look good together, don't you think?"

"Les... pwede ba wag na lang natin sila pag-usapan?" - medyo tumaas ang boses ko. Hindi ko na natiis, hindi ko na gusto pang isipin ang sagot sa mga tanong ni Leslie.

"Is she the reason Borj?" - si Leslie.

Napatingin ako sa kanya..

"Reason?" - pagmamaang-maangan ko pero alam ko na ang ibig niya sabihin. Siguro ganon ako kahalata.

"Come on Borj! You're so obvious, kahit naman nung nandun tayo sa anniversary ng parents ni Roni, panay ang sulyap mo sa kanya. So siya nga ba ang dahilan bakit magulo ang utak mo kahapon?" - si Leslie.

"Ganon ba ako kahalata?" - tanong ko.

"Yes Mr. Jimenez, kaya pala ayaw mo din sa Beanery tayo kumain, you like her?" - si Leslie.

"No... I love her, I love Roni since childhood namin" - I confess to Leslie about my feelings for Roni, yung mga pinagdaanan ko. She listened to every details.

"Suko ka na ba?" - diretsang tanong niya.

"Honestly? I don't know where I stand lalo ngayon nasa eksena na naman si Basti. After all the things that happened in the past, sa tagal ng panahon na hinintay ko siya pero si Basti pa din ang pinili niya sa huli, I got lost Les. And that was the worst day of my life."

"Hindi pa naman huli ang lahat Borj, magtiwala ka sa nararamdaman mo para sa kanya, subukan mo ulit baka hindi pa lang right time nung mga panahon na yun." - payo niya sa akin.

"Sa tingin mo may pag-asa ako Les?"

"Naman.. sa gwapo mong yan nagdududa ka pa.. di hamak naman mas gwapo ka kay Basti na yun.. tsaka alam mo sa basa ko lang sa mga tingin sayo ni Roni, mahal ka din nun" - si Leslie talaga pinapalakas niya lagi ang loob ko.

"Alam mo sa tingin ko binobola mo lang ako eh" - biro ko.

"Of course not, seriously Borj, subukan mo.. ok?" - si Leslie.

Napatingin ako sa mukha niya, and I convinced by that look.

"Thank you Leslie."

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon