Fifty Four

356 26 1
                                        

Roni's POV

Nag-explore lang kami sa paligid early that morning. I enjoyed reconnecting with Mother Nature syempre pati ang mga kids. Nakakarefresh naman talaga. Mamimiss ko to pagbalik ko sa Manila.

After lunch ay nagpprepare na kami para umuwi. Lumapit si Francis sa akin.

"About last night Roni, gusto ko lang sana magpasalamat."

"Wala yun Francis. Magkaibigan tayo di ba?"

"Yes Roni.. Pasensya ka na nadala lang ako ng nararamdaman ko kagabi. Wag ka mag-alala, wala akong plano na guluhin kayo ni Borj. As I have said, I just got too emotional lang last night. I hope hindi yun makaapekto sa pagkakaibigan natin."

"Naiintindihan ko Francis. I hope maging okay ka na din and makilala mo yung babaeng nakalaan para sayo."

"I'm praying." - at ngumiti naman siya sa akin.

Nasa byahe na kami pabalik ng Manila. Mabuti naman at may signal na din kaya tinawagan ko kagad si Borj para kamustahin.

"Hello Babe, I miss you. Kamusta ka na?"

"Babe buti naman nakatawag ka na, pauwi na kayo?"

"Yes Babe. Sunduin mo ba ako?"

"Of course... Can't wait to see you Babe."

"Okei.. I'll call you again na lang pag malapit na ko.. I love you.."

"I love you more Babe. See you..."

Borj's POV

We are driving na pauwi. Hindi ko alam pero nagiguilty ako. Sasabihin ko ba kay Roni ang tungkol kay Jane?

"Babe bakit ang tahimik mo?"

"Ah wala naman Babe.. kamusta ang camping? Mukhang nag-enjoy ka ha.." - sabay haplos ko sa pisngi niya.

"Nag-enjoy naman ako pero mas nag-enjoy siguro ako if nandun ka.. So how's your meeting yesterday?"

"Ahhmmmm.. syempre another closed deal Babe.."

"Congrats Babe, ang galing mo naman talaga mambola, may nabola ka na naman." - sabay bungisngis niya.

"Hindi ba pwedeng malakas lang ang convincing power?"

"Okay... Okay sige na nga.. Babe idlip muna ako ha, medyo nahilo ako sa byahe eh."

"Okay Babe, sleep ka muna diyan. Gisingin na lang kita pag malapit na tayo." - at pinisil ko siya sa pisngi.

Hindi pa din mawala sa isip ko ang nangyari kagabi, I have to tell Roni.

After few days...

Roni's POV

Lately pansin kong parang tahimik lang si Borj. Pag tinatanong ko siya sabi niya marami lang siyang iniisip sa trabaho. I don't know what's bothering him, hindi ko alam kung meron nga ba talagang nagbabother sa kanya or I'm just being paranoid.

Hindi ko pa din nasasabi sa kanya yung about kay Francis pero plano ko ng sabihin na sa kanya. Nakailang subok na din ako pero kasi parang lagi siyang wala sa mood. Pero ngayon desidido na akong sabihin na talaga sa kanya kaysa malaman niya pa sa iba.

Borj's POV

I've been receiving photos and videos from Jane few days after that night na pinatulog ko siya sa bahay. Maling-mali na pinatulog ko siya sa bahay. Dahil dun ang bigat ng problemang kinakaharap ko. Hindi ko naisip na magtake advantage siya sa pagkakataon na yun at nagawa niya pang magset up ng camera sa sarili kong kwarto. And now binablackmail niya ako na kung hindi kami magkikita, pagsisisihan ko ang mga susunod na mangyayari. Kaya napilitan akong pagbigyan siya para pag-usapan namin ito ng maayos.

Kring.. Kring.. my phone ringing.. It's Roni..

"Hello Babe.."

"Hello Babe dinner tayo maya after work , what time you'll pick me up?"

"Ah... Babe sorry I can't make it tonight, my client meeting ako, sorry hindi pala kita nainform. I called Yuan to pick you up. Pasensya na talaga Babe."

"Ganun ba Babe.. may sasabihin sana ako sayong importante pero it can wait naman. Mas importante yung client meeting mo. Goodluck Babe.."

"Thanks Babe.. bawi na lang ako. Ingat ka. I love you no matter what, lagi mo tatandaan yan.."

"Bigat nun Babe ah.. Okay ka lang ba?"

"Yes Babe.. just say you love me too and everything will be okay."

"I love you Babe... no matter what.. I'm always here for you. I'll see you tomorrow."

"Ingat ka Babe. Message mo ako pag nakauwi ka na."

Tulad ng usapan namin ni Jane, dumating ako sa meeting place na sinabi niya. Isang bar around Makati. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na makipagkita sa kanya. Gulung-gulo ang isip ako after seeing that video, edited na ang mga nangyari sa video na yun kaya hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay Roni ang lahat.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon