Forty Seven

385 30 2
                                        

Borj's POV

Seems like I'm loosing Roni. Nawawalan na ako ng pag-asa, magdadalawang linggo na niya akong hindi hinaharap, hindi sumasagot sa mga tawag at text ko. Miss na miss ko na si Roni. Sabi ni Yuan papasok na daw si Roni bukas that means mas mahihirapan niya akong iwasan o taguan. Mas may chance na makausap ko na siya.

Kasalakuyan akong nasa park dahil ayokong magstay sa bahay dahil nandun si Jane. Madalas din ako mag overtime kahit hindi kailangan para lang hindi kami magkita. Pero hindi na yata ako makakaiwas pa sa pagkakataong to.

"Borj can we talk?" - si Jane.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Jane, hindi pa ba malinaw sayo, I love Roni at hindi ko nakikita ang sarili ko na magmamahal pa ng iba."

"Borj I know that what I did was wrong pero tulad mo nagmamahal lang din ako. Noon pa man very vocal na ako sa feelings ko for you. Bakit hindi na lang ako Borj? Ako na lang ang piliin mo?"

"Imposible ang sinasabi mo Jane. Roni is my life, ayokong maging rude sayo Jane, magkaibigan tayo, magkaibigan ang mga magulang natin, let's protect that friendship. Wag mong ibaba ang sarili mo para sa akin. Maganda ka, mabait, matalino pero hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong i-offer sayo Jane."

Alam kong masasaktan si Jane sa mga sinabi ko pero ayokong umasa siya sa isang bagay na hindi ko kayang ibigay.

"I'm sorry Borj kung nagulo ko ang buhay mo. Gusto ko lang naman maramdaman kung paano mahalin ng isang Benjamin Jimenez. Nakakainggit si Roni, napakaswerte niya na may isang tulad mo na nagmamahal sa kanya. Hayaan mo Borj hinding-hindi na kita guguluhin pa. Sige I have to go. Nagpaalam na din ako kina Lolo at Lola. Salamat Borj sa lahat. Mamimiss kita."

Gusto ko man pigilan siyang umalis, hindi ko ginawa dahil alam kong yun ang makabubuti para sa aming lahat.

Sa Beanery..

Roni's POV

Namiss ko ang shop ko, ang magtrabaho. Nakakainip din sa bahay habang nagpapagaling.

"Welcome back po Ma'am Roni!!!" - eto ang sumalubong sa akin at isang simpleng welcome back tarp. At may flowers din.

Nakakatuwa ang mga staff ko. Nagcontribution pa sila para dito. Nakakataba ng puso. Labis ang pasasalamat ko dahil nakatagpo ako ng mga staff na tunay na mapagkakatiwalaan at responsable. At bilang pasasalamat ay sila naman ang ittreat ko. Maaga kaming uuwi ngayon para magready sa isang dinner.

Sa isang kilalang family restaurant kami nagpareserve ng staff ko. I'll make sure na magugustuhan nila etong treat ko sa kanila.

"Salamat Ma'am Roni sa treat mo, nagcontribution nga kami para sayo pero eto at tinreat niyo naman kami. Ngayon lang po kami nakakain sa isang gantong kasosyal na restaurant. Maraming salamat po." - si Billy isa sa mga matatagal ko ng staff.

"All of you deserve it, pasasalamat ko na din to dahil sa pagmamalasakit niyo sa Beanery kahit wala ako. Isa pa isang pamilya na din naman tayo. Siya tama na baka magkaiyakan pa tayo dito. Kumain lang kayo ng kumain ha."

Masaya kong pinagmamasdan ang saya sa mukha ng mga staff ko. Ang sarap sa pakiramdam na magkakasama kami ngayon na naglilibang lang at walang iniisip na trabaho.

"Ang swerte naman talaga ng staff mo sayo Ms. Roni." - biglang may tumabi sa akin na lalake. Tiningnan ko siyang mabuti, iniisip ko kung saan ko ba siya nakita.

"Ganoon ba kadaling makalimutan ang mukha ko kaya hindi mo ako maalala."

Tinitingnan ko pa din siya, hindi ko talaga maisip kung saan ko siya nakita.

"The rude customer sa Beanery"

At napangiti na lang ako, oo nga siya nga un.

"And now you remember? Grabe ganun ba talaga ako naging rude at yun ang tumatak sayo. Francis Carlos," - at nilahad niya muli ang kamay niya tulad ng unang beses na magpakilala siya sa akin.

"I remember na, pasensya ka na, nakalog yata ang utak ko nung maaksidente ako."

"It's okay I hope na sa susunod na magkita tayo ay maalala mo na ang gwapong mukhang to, Francis is the name." - biro niya. Natawa na lang ako. Mukhang okay naman pala si Francis, mali yata ang pagkakakilala ko sa kanya.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" - tanong ko.

"Our family owns this resto pero ang Ate ko ang hands on dito, dumadalaw-dalaw lang ako paminsan-minsan."

"Ah kami din may family resto, si Kuya naman ang nagmamanage. Mas bet ko kasi ang baking and pastry."

"It shows naman sa mga cakes and pastries na sineserve niyo. Sa tingin ko yun ang kulang dito sa resto namin eh, pwede kaya na kunin ka namin na supplier ng cakes and pastries?"

"Aahmmm.. Maganda ang offer mo pero baka hindi pa kayanin. Kulang pa din kasi kami sa tao ngayon." - pagdadahilan ko pero sa totoo lang I can't do business with him, tiyak na magagalit si Borj. Hindi man kami okay ngayon pero hindi ibigsabihin ay nawala na ang pagmamahal ko sa kanya. Miss na miss ko na si Borj pero paano ba ang makalimot.

Maya-maya pa ay nagpaalam na din ako kay Francis medyo late na din kasi at nauna na din ang ibang staff ko na umuwi.

"Sige Francis I have to go na din. Salamat sa discount ha. Baka mawili ako niyan dito." - biro ko.

"Kahit araw-arawin mo pa Ms. Roni, welcome ka lagi dito kaya lang baka magalit ang asawa mo."

"Asawa? Saan naman galing yun? Mukha na ba talaga akong may asawa?"

"Ah eh.. hindi naman sa ganun Ms. Roni.. hindi ko na sana planong ikwento kasi ayoko naman pag-isipan mo pa ako ng masama."

"What do you mean? Pwede ba pakipaliwanag mong mabuti?"

"Okay kasi ganto yun Ms. Roni, I was in Laguna 2 weeks ago, pauwi na ako ng makita ko ang sasakyan mo sa gitna ng daan, punung-puno ka ng dugo, mukhang matagal ka ng ganun and obviously tinakbuhan ka ng nakabangga sayo. Hindi kita nakilala nung una, to save you is all that I have in mind ng mga oras na yun, tumawag ako ng tulong at binuhat kita palabas ng sasakyan dahil sa pagkataranta ko dahil ungol ka ng ungol. Ako ang kasama mo sa ambulance papunta sa hospital."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Siya pala ang sinasabi ni Kuya, siya pala ang lalakeng naaalala kong tumulong sa akin.

"Ikaw pala ang tumulong sa akin, hindi kasi maalala ni Kuya ang pangalan mo. Salamat Francis, malaki ang utang na loob ko sayo. Kung hindi ka dumating baka na-tegi na ako ng mga oras na yun. Maraming-maraming salamat" - at hinawakan ko ang kamay niya to show my gratitude.

"Okay lang Ms. Roni. Inadya siguro talaga ni Lord na mapadaan ako dun para mailigtas ang isang magandang babaeng katulad mo. My pleasure to help." - hinawakan niya din ang kamay ko pero pasimple ko yung inalis.

"Teka ano naman kinalaman ng aksidente sa pagkakaroon ko bigla ng asawa?" - takang tanong ko.

"Yung lalake dun, ang sabi niya ay siya ang asawa mo ng tinanong ako ng doktor. So hindi mo siya asawa?" - halatang naghihintay siya ng sagot ko.

"Ahhh.. baka si Borj yun, yung boyfriend ko." - adik talaga tong si Borj, naaksidente na ako't lahat naisip pa ding bakuran ako. Pero nakakakilig din.

"Ah ganun ba Ms. Roni. Oo Borj nga yata ang pangalan niya." - bahagyang nawala ng sigla si Francis sa pakikipag-usap sa akin.

"Ahhh.. Roni na lang nga pala ang itawag mo sa akin, masyado ka namang pormal." - pag-iiba ko ng topic.

"Okay sige Ms. Roni, I mean Roni. I am hoping na this is just the beginning of our friendship." - at ngumiti na lang siya sa akin kahit halatang nag-iba ang mood niya.

"Of course Francis, how can I say no. Salamat ng marami talaga. Sige na I really have to go. Bye."

"Bye." - ang tangi na lamang niyang naisagot.

My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon