Roni's POV
Borj and I spent the next days together. We do travel, camping, hiking at kung ano-ano pa, making the most of our lives in each other's arms. Maikli lang ang two months ng magkahiwalay kami pero para sa dalawang taong nagmamahalan na matagal bago nakabalik sa isa't isa, napakahabang panahon ng two months. At kung mawawala pang muli si Borj sa buhay ko, hindi ko na siguro kakayanin pa.
Borj's POV
Finally magkasama na ulit kami ni Roni. Hindi ko maipaliwanag yung saya ng puso ko na magkasama kaming dalawa ngayon ginagawa ang mga bagay na pinangarap ko lang noon na gawin kasama siya. This time I won't let anything to happen na makakasira sa aming dalawa.
"Bayaw okay lang ba sayo if I'll marry your sister?" - tanong ko kay Yuan habang nakatitig kay Roni na nasa di kalayuan habang nakikipagkwentuhan kay Jelai at Missy.
"Ha pare sigurado ka ba? Alam mo malakas toyo niyang kapatid ko na yan, napakasumpungin.." - biro ni Yuan.
"Okay lang pare mahilig naman ako sa adobo kaya swak lang sa akin ang may toyo." - sakay ko sa biro niya.
"Pero pare seryoso... Gusto ko na sana gawing official ang pagiging magbayaw natin. Alam mo na, matagal naman na din ang panahon na pinaghintay naming dalawa bago kami naging ganto. Ayoko ng mawala pa si Roni sa buhay ko."
"Walang problema sa akin pare, nasa tamang edad naman na kayo kaya hindi ko na hahadlangan pa kung anuman ang nararamdaman mo para sa kapatid ko pero pare isa lang ang hiling ko... Alagaan mo ang kapatid ko. Alam mo naman kahit tumanda pa yan, siya lang ang nag-iisang baby sister ko. Kila Mommy at Daddy ba eh nakapagpaalam ka na?"
"Actually bayaw last week pa.." - sabay ngisi ko.
"Bilis mo din eh 'no.."
"Syempre pare, ako pa ba?"
"Eh sa mapapangasawa mo, nakapagpaalam ka na bang papakasalan mo na siya?"
"Ayun nga ang hindi pa pare.. tulungan niyo naman ako ng barkada."
"Ayun, pagdating kay Roni talaga tumutupi ka eh 'no.."
"Hindi naman masyado pare." - sabay kamot ko na lang sa batok ko.
"Oh sige sige pare.. may plano ka na ba?"
"Ganto yun pare.." - at knuwento ko sa kanya ang mga pinplano ko.
Roni's POV
After ilang linggong lakwatsa, balik reyalidad na kami ni Borj. Ilang araw na din kaming busy dahil sa mga pending na trabahong naiwan namin. Hindi kami halos nagkakausap dahil pagdating sa gabi ay parehas na kaming pagod para mag-usap pa o magkwentuhan ng matagal. Today naisip kong dalawin siya sa work niya.
Biglang tumaas ang kilay ko.
"Sige na Mr. Jimenez let's lunch out." - isang seksing babae ang kausap niya. At sa porma pa lang halata ng may gusto siya sa boyfriend ko.
"Ehem.. ehem.. Excuse me. Sorry miss ha.. May plan na kasi kami ng boyfriend ko na maglunch." - sabay pilit ang ngiti at kurot sa tagiliran ni Borj.
"Oo tama Ms. Celine, may lakad na kasi kami ng girlfriend ko eh." - sabay himas nito sa kinurot ko at pilit na ngumingiti.
"Ah ganun ba.. sige next time na lang Mr. Jimenez ha.. see you again.. bye.." - mukhang nakaramdam naman ang bruha pero may pahabol pa ding pangfflirt.
Nang masiguro kong wala ng babae ay agad na din akong naglakad papalabas.
"Babe san ka pupunta? Akala ko magla-lunch tayo?"
"Aalis na! Maglunch ka mag-isa mo!" - sigaw ko.
Agad naman niya akong hinabol.
"Babe naman eh.. lika na maglunch na tayo, lunchtime na oh."
"Kaya pala hindi ka sumasagot sa tawag ko kasi iba pala inaatupag mo. Baka nanghihinayang ka dahil dumating ako, hindi tuloy kayo nakapaglunch sa labas."
"Uuuyyy.. nagseselos ang girlfriend ko.." - sabay kiliti niya sa tagiliran ko.
"Hindi 'no, ako magseselos sa mukang hipon na yun. Excuse me!"
"Talaga ba? Eh bakit lumalaki butas ng ilong mo?" - biro pa nito.
"Ah ganun.. sige kumain ka mag-isa mo."
"Babe naman eh di na mabiro. Wala ka naman dapat ipagselos dun, client ko lang yun. Syempre need bola-bolahin at konting pa-cute para sa business."
"Ah kaya pala ganun na lang makadikit sayo, binobola-bola mo pala at nagpapacute ka pa."
"Ang ibig ko sabihin Babe salestalk lang yun. Kasalanan ko ba kung pogi ang boyfriend mo, hindi na kailangan magpacute, talagang lapitin ng chicks eh." - biro pa nito.
"Sa bagay ang pogi-pogi mo kasi eh nuh." - sabay pisil ko sa dalawang pisngi niya.
"A-aaray Babe.. masakit na yan ah.. hahalikan na kita diyan pag di ka pa tumigil."
"Eh di halikan mo." - biro ko pero nagulat ako ng totohanin nga niya. Sabay smack sa labi ko.
"Babe ano ka ba nakakahiya sa staff mo." - pero deep inside kilig ang lola mo.
"Sabi mo halikan kita.. hehe.. masunurin lang naman ako ah.. tska yaan mo yang mga staff ko, alam naman nila kung gaano ako ka-inlove sayo." - sabay ngiti, naglitawan tuloy ang dimples. Lalo tuloy ako kinilig. Tama naman talaga siya, hindi niya kasalanang pogi ang boyfriend ko.
BINABASA MO ANG
My Happy Ending
Fiksi PenggemarIt was just a memory. Yung dating inakala ni Roni na walang katapusang saya, ngayon bahagi na lamang ng kanyang alaala. Puno ng pagsisisi at pag-iisip kung ano nga bang posibleng nangyari kung naamin lamang niya sa kanyang sarili at sa lalakeng kany...